TULALA si Zia habang naghihiwa ng mansanas kaya napagsabihan ni Maricar, “Mag-ingat ka’t baka mahiwa ang kamay mo."Saka lang natauhan si Zia at awkward na nangiti sa Ina.Lumingon naman si Maricar sa natutulog na asawa saka mahinang nagtanong, “Nakita ko mula sa bintana ang kotse ni Louie, hinatid ka ba niya? Nagkausap ba kayo?”“Tumutulong lang siyang mahanap si Lindsay.”Nang marinig ang pangalan ng dalaga ay biglang nakaramdam ng awa si Maricar. Masiyado ng nakakaawa ang dinanas nitong hirap para muli pang masaktan ng ganito sa isang lalakeng mai-engage sa iba.“Maiba tayo ng paksa anak at baka mas lalo ka pang mag-alala kay Lindsay. May nagpunta ritong nurse, dalawa sila at ang sabi ay kinuha sila ni Louie na siyang mag-aalaga kay Arturo kapag nakalabas na ito ng ospital. Hindi ako tumanggi at hindi rin pumayag dahil gusto kong ikaw ang magdesisyon. Ayos lang ba sa’yo ang pagtulong na ginagawa ni Louie? Pinag-iisipan mo na bang makipagbalikan sa kanya?” ani Maricar na muling tini
MALALIM na ang gabi nang bumalik si Austin sa ospital. Nakainom siya ngunit hindi naman lasing.Hindi na niya binuksan ang pinto at nakuntento na lamang na sumilip sa see-through portion ng pinto.Lumingon naman si Lindsay na yakap-yakap ng mga sandaling iyon ang tuhod. Nagtagpo ang tingin nilang dalawa ni Austin hanggang sa itago niya ang mukha sa may tuhod.Mula sa puwesto ay ramdam ni Austin na natatakot ito sa kanya kaya umatras siya at lumayo sa kwarto. Naglakad siya patungo sa pinakadulo ng pasilyo at binuksan ang maliit na bintana. Pumasok ang malamig na simoy ng hangin na inaalis ang mabahong amoy ng alak sa kanyang katawan.Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng mahinang yabag ng paa na papalapit. Hindi na kailangan lumingon dahil nakikita niya ng bahagya sa repleksyon ng bintana kung sino ang taong nasa likod.Si Louie.Napabuntong-hininga si Austin saka naglabas ng sigarilyo sabay sindi at kumalat sa hangin ang usok. “She was stunning when I first saw her,” panimula niyang k
KINAUMAGAHAN, ay nagising si Zia at ang una niyang napagmasdan ay ang gwapong mukha ni Louie.Nakapikit at natutulog pa ito, na ang isang buong braso ay ginawa nilang unan habang ang isa ay nakayakap sa kanyang bewang. Nakalapat ang kamay sa loob ng suot niyang damit kaya ramdam niya ng init ng palad ni Louie habang nakahiga silang dalawa sa sofa.Pinagmasdan pa nang mabuti ni Zia ay napansing magulo at gusot ang suot nitong damit, may pantalon pero walang sinturon. Matapos ay ang sarili naman ang tiningnan…Suot niya pa ang damit kagabi pero parang may kulang. Wala siyang suot na underwear at ang brassiere niya… nasa sahig!Kaagad nag-init ang pisngi ni Zia.Walang duda na may nangyari sa kanilang dalawa ni Louie.Mariin siyang pumikit at kinalma ang sarili saka nagpasiyang bumangon at maingat na gumalaw. Ngunit humigpit ang yakap ni Louie sa bewang niya at mas lalong pinaglapit ang kanilang katawan.Napalunok ng laway si Zia habang nakatitig sa kisame. Ramdam niya kasi ang umbok ni
NAGLAHO ang ngiti sa mukha ni Zia. Iniwas niya ang mukha nang dilaan siya ng tuta. “Ilayo mo siya, Louie,” aniya.Iyon naman ang ginawa ni Louie. Ilang sandali pa ay nagsalita, “May importanteng meeting akong pupuntahan ngayong umaga at babalik na lang mamayang gabi.”“May importante rin akong lakad mamayang gabi,” tugon ni Zia.“Ano naman? Sinong kasama mo, si Patrick ba?” casual na tanong ni Louie.Hindi kailangang magpaliwanag ni Zia pero sinabi pa rin niya at baka bigla itong manggulo sa pupuntahan niya, “Makikipagkita lang ako sa investor na ipinakilala ni Mrs. Lim. Naroon din siya, sasamahan ako.” “Gusto mo bang ihatid na kita sa pupuntahan mo?” ani Louie na inilingan ni Zia. “Bakit? Ayaw mong malaman ng ibang tao na may asawa ka?”Kumunot ang noo ni Zia na ikinangiti ni Louie saka binuhat ang tuta gamit ang isang kamay. “Magba-bye ka kay Mommy, Hara,” ani Louie na iwinagayway pa ang paa ng tuta.Sumimangot naman si Zia pero halata ang pamumula ng pisngi dahil sa panunukso ni L
NATAPOS ang tawag na puro iyak lang ni Zia ang maririnig sa linya. Mahigpit ang hawak ni Louie sa cellphone at kung gugustuhin ay madali lang niya itong mapupuntahan sa tinutuluyan ngunit nagpigil siya.Hindi niya gustong masira ang plano na muli itong maangkin. Ang gusto niya ay bumalik sa kanya ng kusa si Zia. Hindi magandang strategy kung palagi niya itong kukulitin. Bibigyan niya ito ng space para maisip ni Zia na sa oras ng kalungkutan ay kailangan nito ng masasandalan, at siya iyon.At malaking tulong ang pyschologist doctor nito sa pinaplano niyang muling bumalik sa kanya si Zia.Ilang sandali pa ay ilang katok sa pinto ang naggambala sa kanya.“Sir, may matanda po sa labas at hinahanap kayo, tatay raw po siya ni Miss Bea,” saad ng katulong.“Paalisin mo. Sabihin mong nagpapahinga na ako.”“Ang sabi niya po, Sir ay hindi siya aalis hangga’t hindi kayo nakakausap. Lumuhod po ito kanina at walang balak umalis sa puwesto,” pa
MALAKAS pa rin ang buhos ng ulan sa labas at nasa dining area sila Zia na pinag-serve ng mainit-init na soup ng katulong.Habang si Louie ay kumuha naman ng wine para uminom saka naupo kaharap si Zia. Kahit may pagkain ay hindi siya tumikim at inilalagay lang sa plato ng asawa.Kumunot ang noo ni Zia at napasimangot dahil hindi na niya kayang kumain ng marami pero ngumisi lang si Louie habang nilalaro sa kamay ang baso ng alak.Nagpatuloy na lang sa pagkain si Zia kahit panay ang tingin sa bintana kung humina na ba ang ulan. Dahil hindi niya gustong manatili sa lugar.Dumaan ang ilang minuto hanggang sa naging oras ay ganoon pa rin ang kondisyon ng panahon, mas lalo pa nga atang lumakas kaya inalok na siya ni Louie na doon na matulog.Sa guestroom nga dapat siya pero sa master’s bedroom siya hinila ni Louie at iginiya sa banyo para makapag-shower.Ang tagal niyang hindi nakabalik pero pamilyar pa rin sa kanya ang buong kwarto, ni
MABAGAL na umandar ang kotse paalis sa ospital. Napuna ni Zia ang tinitingnan ng kaibigan kaya hinawakan niya ang kamay nito.Napalingon naman si Lindsay na nanginginig ang labi at garalgal na nagsalita, “I’m fine, magiging maayos ulit ako.” Pagkatapos ay naluha.Ang mga taon na nakasama ni Lindsay si Austin ay mananatili na lamang isang maganda at malungkot na alaala para sa kanya.Hinatid ni Zia ang kaibigan sa tinutuluyan nito at nanatili roon buong maghapon. Kinagabihan ay tumawag si Joshua para ipaalam ang ilang detalye ng concert, “Sold out lahat ng ticket kagabi!” masayang pahayag ni Joshua.Nabigla at napanganga naman si Zia sa magandang balita. Matapos ang pag-uusap ay nagsalita naman si Lindsay, “Zia, pwede ka ng umuwi at asikasuhin ang nalalapit na concert. ‘Wag mo na akong alalahanin masiyado, mag-focus ka sa career mo. Paki-thank you na lang ulit ako kay Louie, salamat sa tulong niya.” Matapos ay niyakap si Zia. “Nakikita kong nagbago na siya, kaya baka this time, may hap
TUNOG ng cellphone ang nagpagising sa diwa ni Zia. Bahagya niyang iminulat ang isang mata at nakitang may kausap si Louie.“Maaga akong pupunta para sa meeting, Alice.” Matapos ang tawag ay tiningnan ni Louie ang asawa na nakahiga pa rin sa desk. “Magbihis ka na’t bumalik sa kwarto,” utos niya pa.Pero hindi gumalaw si Zia… hindi niya kaya dahil nanghihina pa siya. Ang naganap kanina ay isang malaking bangungot.Napakarahas ni Louie sa puntong gusto niyang maiyak pero hindi niya magawa. Muling pumikit si Zia at sa pagkakataong iyon ay may tumulo ng luha sa kanyang mga mata.Mayamaya pa ay sinubukan niyang gumalaw ngunit hindi niya talaga kaya. Para siyang nabugbog sa sobrang panghihina ng katawan, lahat ay masakit.“Paulit-ulit… ganito na lang ba tayo, Louie? Sa tuwing nagpapakita ka ng kaunting kabutihan sa’kin, laging may balik? Akala ko’y nagbago ka na pero babalik pa rin pala tayo sa umpisa. Walang katapusan, nakakapagod ka ng mahalin,” usal ni Zia na hindi na nito narinig matapos