SA KONDISYON ni Zia ay kailangan niya ng may mag-aalaga sa kanya. Naigagalaw man ang buong katawan kahit puno ng galos ay mahina pa ang kanyang buong braso’t kamay.
Kaya naroon si Louie, handang alagaan at bantayan ang asawa. Ngunit ayaw ni Zia, ang makita nga lang ito ay masakit na para sa kanya.“May binili akong soup para sa’yo, kumain ka—”Tinabig ni Zia ang kamay nito nang akma siyang papakainin. Natapon sa sahig ang soup at hindi man lang siya naapektuhan. Balewala niya itong tinalikuran.Napabuga ng hangin si Louie saka inilapag sa side-table ang walang laman na mangkok. “Ano bang gusto mo, Zia?” aniya, tuluyang sumusuko sa pagmamatigas nito.Hindi sumagot si Zia na tila walang narinig. Hanggang sa may dumating na staff. Nakita ang natapon na pagkain kaya nilinis muna nito ang sahig at pagkatapos ay agad ring nagpaalam.Nang sila na lang ulit ang naroon sa kwarto ay nagsalita si Zia, “Ayoko na rito, gusto kong mailipat saGUMALAW si Zia, nagtatangkang kumawala sa yakap ni Louie na kahit ayaw nito ay kusa rin siyang pinakawalan.“Pwede ba tayong mag-usap?”“Umalis ka na, Louie, gusto kong magpahinga.”Bumangon si Louie at bahagyang napangiwi habang sapo-sapo ang tiyan na tinamaan ng suntok ni Joshua.“Alam kong gusto mo na ‘kong mawala sa buhay mo pero ako, hindi. Hindi ko kayang mawala ka. Please… one last chance pa, Zia. Pinapangako ‘ko sa’yong babawi ako sa lahat ng mga nagawa kong mali.”Kung pwede lang sana ay tinakpan na ni Zia ang sariling tenga para hindi na marinig ang pinagsasasabing kasinungalingan ni Louie. Nagsasawa na siya sa paulit-ulit nitong istilo.Walang katapusang pasakit.“Last chance, Louie? At anong susunod, nasa kabaong na ‘ko, gano’n ba?” Kahit madilim ay nilingon at tiningna niya si Louie. “Ano ba ‘ko sa tingin mo? Gamot na sa tuwing tinutupak kay iinumin mo lang para kumalma?”Sa madilim na paligid ay na
IBINABA ni Louie ang kamay saka napatungo. Ngayon lang niya nakitang ganito katakot sa kanya si Zia.“Hindi… gusto lang kitang tulungang magpalit ng damit dahil nagpapagaling pa ang kamay mo.”Mapagduda ang tingin ni Zia pero kalaunan ay hinayaan ito na bihisan siya. Sa bawat dampi ng kamay nito sa kanyang balat ay napapakislot siya sa kaba.Habang napapalunok naman ng laway si Louie. Kinakalma ang sariling emosyon at pagnanasa kay Zia habang hubad ito sa kanyang harapan.Isang buwan na siyang walang…Mariin siyang napapikit at inalis sa isip ang makamundong pagnanasa para sa asawa.Takot na sa kanya si Zia kaya hindi na dapat siya umasa. Nang lumingon ito at mabasa ang emosyon sa kanyang mga mata ay bigla itong lumayo.“Hindi mo na ako maloloko pa, Louie. Nababasa ko sa mga mata mong gusto mo ulit akong—” Napasinghap at hindi na pinagpatuloy ang sasabihin. “Lumayo ka na lang dahil hanggang ngayon ay nandidiri pa rin ako sa kahayupáng ginawa mo sa’kin. Hindi ko ‘yun kakalimutan lalo n
NAPAKO sa kinatatayuan sina Samuel at Joshua matapos makita si Zia sa stage.Ilang segundo pa ang dumaan at kaagad ring natauhan si Samuel at nilapitan ito. “Anong ginagawa mo rito?” aniya saka nilingon ang assistant. “Joshua, anong ginagawa mo riyan? Kunin mo si Zia.”Pero hindi gumalaw si Joshua habang nakatitig kay Zia na nakangiti sa kanya.“Mr. Samuel,” tawag pansin ni Zia saka kinuha ang violin mula sa maestro. “Pwede po bang hayaan niyo muna ako sa pagkakataong ‘to? Kasi baka… ito na ang huling tutugtog ako.”Nagkatitigan ang dalawa at ilang sandali pa ay napabuntong-hininga si Samuel. Walang salitang tinapik-tapik nang marahan ang balikat ni Zia. “Goodluck, I’m so proud of you,” ani Samuel saka ito iniwan sa stage.Naiiyak na napangiti si Zia saka muling humarap sa audience na naghihiyawan dahil hindi inaakalang makikita siya sa entablado matapos ideklarang hindi na kabilang sa magtatanghal.Huminga nang malalim si Zia saka ipinuwesto sa leeg ang violin. Hawak niya sa kanang k
PAGMULAT ng mata ay kaagad nilingon ni Louie ang puwesto ng asawa sa kama, ngunit unan at kumot na lamang ang naroon, wala si Zia.Kinusot-kusot niya ang mga mata at saglit pang tumitig sa kisame ng suite. Mayamaya pa ay nagpasiya na siyang bumangon at nagtungo sa banyo sa pag-aakalang naroon si Zia pero wala.Nagtaka si Louie hanggang sa mapuna na wala na ang gamit sa side-table maging ang luggage ni Zia.Ibig sabihin ay iniwan siya nito ng mag-isa!Mariing naikuyom ni Louie ang dalawang kamay habang nakatanaw sa labas ng floor-to-ceiling window. Papasikat pa lang ang araw at kay gandang pagmasdan ng tanawin sa labas ngunit hindi niya makuhang matuwa o ma-appreciate ang magandang view.Hanggang sa tinawagan niya si Zia, “Nasaan ka ngayon?”“Nasa airport na ‘ko pabalik ng Manila.”“Bakit hindi mo ‘ko ginising? Ano ‘yung nangyari kagabi, wala lang?"“At ano namang nangyari kagabi, Louie? ‘Di ba wala naman?” saad ni Zia saka tinapos ang tawag.At makalipas ang mahigit dalawang oras ay n
NAGING mabigat ang atmosphere sa loob ng apartment. Parehong mataas ang emosyon ng dalawa ngunit mas higit na naapekto si Louie sa binitawang salita ni Zia kaysa sa pinadapo nitong sampal sa kanya.Napaatras siya at napasandal sa pader. Habang inaayos naman ni Zia ang butones sa suot na damit.“Hindi ka na talaga magbabago pa kahit anong gawin mo, Louie… Ang mas mabuti pa’y umalis ka na’t napapabayaan mo na ang trabaho mo bilang CEO.” Sabay turo ni Zia sa pinto.Nanliit ang mga mata ni Louie sa tinuran nito.“Pagtuunan mo na lang ng pansin ang kompanya. May importante kayong proyekto, ‘di ba? Kung hindi ako nagkakamali ay dalawang taon niyo ng pinaplano ‘yun. Hindi hamak na mas higit ‘yung importante kaysa sa relasyon nating tapos na,” dagdag pa ni Zia.Huminga nang malalim si Louie saka dinukot sa bulsa ang pakete para manigarilyo. Nabalutan kaagad ng usok ng sigarilyo ang paligid. “What do you mean?” ani Louie. “You’re still my wife, never magtatapos ang relasyon nating dalawa at hi
NAPATINGIN si Zia sa likod ni Louie na nakaharap pa rin sa labas ng bintana kaya hindi niya makita kung anong klaseng ekspresyon ang mababanaag sa mukha nito.“Anong klaseng kondisyon, Louie? ‘Wag mo sabihing pahihirapan mo pa ako bago tayo tuluyang maghiwalay?”Nanatiling nakatalikod si Louie ng magsalita, “Simple lang naman ang kondisyon ko, Zia… na hindi mo gagamitin laban sa’kin ang pagiging shareholder mo, pwede ba ‘yun?”Napailing si Zia, akala niya ay mahirap na kondisyon ang ipapagawa nito, hindi pala.Binuksan ni Louie ang bintana at pumasok ang simoy ng hangin sa loob. “Ililipat ko sa pangalan mo ang dalawang villa at apartment na nasa akin. As long as hindi ka magpapakasal sa iba at bibigyan pa ng eighty million alimony every year.”Hindi hahayaan ni Louie na mapunta ito sa iba ng ganoon kadali. Ituturing pa rin asawa si Zia kahit na nagkahiwalay na silang dalawa.“Hindi mo na kailangang magbigay sa’kin ng kahit ano, Louie. Mas ikalulugod kong tuluyang mawalan ng koneksyon
MATAPOS makabawi si Alice sa pagkabigla ay nilapitan niya si Michael para humingi ng paumanhin sa nagawa ni Louie.“’Wag kang mag-alala at papalitan namin ang ano man nasira sa kotse mo,” ani Alice.Naihilamos na lamang ni Michael ang sariling mukha sa inis. Si Louie naman ay tumigil sa ginagawa matapos makontento at mayabang na napangisi kay Michael para inisin pa ito nang husto.Aamba naman si Michael ng suntok nang yakapin sa bewang ng kasama nitong babae para pigilan.Hinila naman kaagad ni Alice si Louie pasakay sa sasakyan. Bago sila tuluyang umalis ay muli siyang humingi ng paumanhin kay Michael.“Umalis na po tayo,” utos kaagad ni Alice sa driver sa takot na muling gumawa ng gulo si Louie.Habang nasa biyahe ay biglang natawa si Louie kaya napatingin si Alice at ang driver mula sa rearview mirror.“Tang*na, ang pangit ng babaeng kasama niya. Ang layo sa Zia ko.”Naubo si Alice saka umiling-iling. Iba talaga ang tama ng alak kay Louie.***MABILIS na lumipas ang mga araw. Nasa
SA PAGKAKAALAM ni Zia, ang mga lalakeng nangangaliwa ay mayroong spare phone para hindi mahuli sa ginagawang kalokohan. Ngunit nang tumunog ang cellphone ni Louie habang nasa banyo at nagsa-shower ay binasa niya ang mensahe galing kay Bea. Nagpapasalamat ito sa regalong ibinigay ng kanyang asawa. Kalakip ang isang imahe na kung saan ay suot nito ang naturang damit na masiyadong pormal para sa bata at maamo nitong mukha. Kaya hindi kataka-takang saliwa ang ngiti nito sa camera. Tinitigan ni Zia ang imahe. Matagal na siyang nagdududa na may ibang babae ang asawa ngunit hindi niya akalaing sa mas bata. Nagsisisi tuloy siyang natuklasan ang lihim ng asawa. Ilang sandali pa ay lumabas ang asawa na basa at tanging tuwalya lang ang tumatakip sa maselang parte ng katawan. “Bakit?” tanong ni Louie dahil sa matagal niyang pagtitig. Lumapit ito at kinuha ang cellphone mula kay Zia. Hindi niya nakitaan ng kahit anong reaksyon si Louie. Naroon pa rin ang kompiyansa na tila wala itong ginagaw