Share

Chapter 3

We were both panicking! Dali dali kaming tumalikod sa isa't isa at madaling madali na nagbihis. My hands are literally shaking right now.

I just let a man see my naked body! I just let a man fucking kiss me! Gusto kong masuka sa inis.

Nang matapos kaming magbihis, hinarap na namin ang isa't isa. Nakadamit na kaming pareho at pareho ring hinihingal. Medyo gulo pa ang damit namin dahil sa pagmamadaling magbihis.

"Y-you! You have a fucking dick!" Hindi ko mapigilang isigaw.

"Malamang! Kahit pusong babae ako, meron akong talong! Ikaw nga riyan eh! Meron kang puday! OMG! I can't believe I kissed a woman! Eww! Eww!" halos masuka rin siya sa pandidiri.

Napaismid ako at tiningnan siya nang masama. "Ano pa ako?! Budol ka! Bakit maganda ka?! Akala ko tuloy babae ka!" Nagwawala pa rin ang kalooban ko sa inis!

"Wow ha! Ako nga itong nabudol, e! Akala ko may talong ka, ayun pala tilapia! Eww, hindi ako nakain no'n!" asik n'ya.

Napataas ang kilay ko. "Sorry ka na lang pero hindi rin ako nakain ng talong!" Napapadyak pa ako sa sahig dahil sa inis.

This was a freakin' disaster! Sabi na nga ba at hindi magandang idea ang mga online dating site na iyan. Kasalanan 'to ni Sid. Kinikilabutan na tuloy ako!

Sabay pa kaming napaupo ni Avy sa kama at napabuntonghininga. We both sighed as if we just had the worst day in our lives... I couldn’t believe I let a man touch and kiss me. I should have known or I should have asked him first. Sabi na nga ba at iba ang pakiramdam ko sa kan'ya!

Nagpalipas muna ako ng ilang minuto para magpakalma at mukhang ganoon din siya.

"Well... as you can see, I prefer women, though I'm bisexual," sabi ko na lang para basagin ang katahimikan.

"Well... I'm gay. I prefer men… with dicks," he bluntly said.

I just bit my lower lip and nodded. This was fucking embarrassing. Habang buhay ko na yatang maaalala ang pangyayaring 'to.

"Alexandra Sarmiento," natatawang sabi ko na lang sa buo kong pangalan saka tumingin sa kan'ya.

"Tangina, babaeng babae," napapailing na sabi n'ya, tila inaasar ako.

Napaismid na lang ako. "Ikaw?"

"Apollo Javier Montero." Napairap pa siya na para bang ayaw na ayaw n'ya sa buong pangalan n'ya.

"Wow, tigasin," pang-aasar ko na lang din.

Natahimik na ulit kaming pareho. Napabuga na lang ako ng hangin at tumayo. Avy stood up too and scratched his nape... It kinda felt weird knowing that I saw him naked.

Sa totoo lang, aaminin ko na gwapo siya. He has a handsome face and muscular well-toned body... Kung hindi siya bakla, malamang pagkakaguluhan siya ng mga babae... but he's pretty too. Kung ako magandang gwapo, siya naman ay gwapong maganda... kung may pinagkaiba man 'yon.

"Alex, let's just forget everything. We won't see each other naman diba after this? Naloloka pa rin ako sa mga kaganapan. I didn't mean to offend you but I feel so violated, I still couldn't believe I kissed a woman," napangiwi pa siya.

"Don't worry, parehas lang tayo ng nararamdaman. Parang gusto ko agad mag-toothbrush nang todo pag-uwi ko sa bahay... Saka to be honest, ayoko rin na magkita ulit tayo," napapangiwi rin na sabi ko.

Tumango na lang si Avy saka nilahad ang kamay sa akin. "Goodbye, Alex. It was such a worst experience."

"Goodbye, Avy. I hope we'll never meet again. It was such a disgusting experience." Tinanggap ko ang kamay n'ya ngunit napapitlag din ako.

Hindi ko alam kung bakit parang nagtayuan ang mga balahibo ko sa pagdampi ng balat naming dalawa. His hands were huge, my hand felt so small. Agad ko na lang inilayo ang kamay ko sa kan'ya pagkatapos saka awkward na ngumiti.

"So... I'll go ahead now," sabi ko na lang.

Hindi ko na siya hinintay na makasagot at dali daling umalis ng hotel room na 'yon.

Napailing na lang ako nang nasa elevator na ako at kinikilabutang napayakap sa sarili ko. Tangina talaga. Oo nga at pusong babae si Avy, pero big no no pa rin sa may talong!

Tulala ako hanggang sa makauwi sa bahay. Inaasar pa ako ni Alexis pero hindi ko na lang pinapansin. Para akong lantang gulay na nagtungo sa kwarto ko.

Kumuha ako ng damit at agad na nagpunta sa banyo. I took a bath for almost an hour and brushed my teeth a lot of times... Naiinis din ako sa katotohanan na nagustuhan ko ang halik n'ya kanina!

"No, no, Alex! Nasarapan ka lang dahil akala mo babae siya," napapailing na sabi ko.

Agad na 'kong bumalik sa kwarto ko at umupo sa kama. Napahawak ako sa dibdib ko. Buti na lang at hindi kami naghawakan. Jusme! Nai-imagine ko pa lang, kinikilabutan na ako.

"Kumusta na date mo?" tanong ni Sid sa kabilang linya.

Napabuga na lang ako ng hangin sa tanong ni Sid. Humiga ako sa kama saka napatitig sa kisame.

"Disaster."

"Bakit naman disaster? Hindi mo ba siya na-satisfy tapos nagalit?" natatawang tanong n'ya.

"Hindi 'yon! Tangina, bakla 'yung naka-pair ko. Lalaki, may talong. Nakipaghalikan ako sa lalaki!" inis na inis na sabi ko at napapadyak sa hangin.

Halatang natigilan si Sid sa sinabi ko. Maya maya pa bigla siyang napahagalpak ng tawa. "Tangina? Seryoso ba? Gago, baka maging bakla ka na rin ha," natatawang sabi pa n'ya.

"Manahimik ka. Kita mong traumatized na 'ko rito, e! Kasalanan mo! Bakit kasi sinabi mo pa sakin ang tungkol sa site na 'yon?!" naiinis na sabi ko.

"Wow, kasalanan ko pa ha. Kasalanan mo na hindi ka marunong tumingin kung babae ba talaga 'yung tao."

"Hindi ko na kasalanan! Mukha naman talaga siyang babae, maganda, e. Medyo maskulado lang talaga... pero doon pa lang dapat nagduda na 'ko. Argh!" naiiritang sinabi ko.

"May male virus ka na teh. Nakipag lips to lips ka sa lalaki, yikes," nang-aasar pang sabi n'ya.

"Hindi 'yon lalaki! Pusong babae 'yon kahit may talong... pero may talong pa rin," napapangiwing sabi ko.

Naalala ko na naman tuloy. Kinilabutan ako dahil ang laki no'n. Ganoon ba talagang kalaki ang mga pagkalalaki? Hindi naman kasi ako nanonood ng porn na may lalaki. It was my first time seeing an actual dick. It honestly scared the hell out of me. Paano nagkakasya sa keps ang ganoon kalaking... My goodness! Ano ba 'tong naiisip ko?

Sana hindi ko na siya makita ulit!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status