Share

Chapter 4

ILANG ARAW YATA akong na-trauma dahil sa pagka-pollute ng kainosentehan ko sa mga lalaki. Ilang araw kong nilunod ang utak ko sa kung ano-ano para lang hindi ko na maalala pa ang tungkol sa Avy na 'yon.

"Bar tayo, beh. Tigilan mo na pagmumukmok. Mambabae ka na lang para maalis na sa isip mo ang talong," sabi ni Sid saka umupo sa tabi ko.

"Ayoko, wala ako sa mood," sabi ko na lang habang nag-aayos ng gulong ng kotse.

"Kasama si Calla."

Agad akong napatayo. "Okay, sige na nga," kunwaring napililitan na sabi ko.

"Tangina, ang landi."

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Sid at agad na pumasok sa bahay para maligo at mag-ayos.

Simpleng long sleeve polo na lang ang sinuot ko at pants. Hindi naman ako matagal mag-ayos dahil gupit lalaki naman ang buhok ko. Lumabas na agad ako pagkatapos, naabutan ko si Sid na naghihintay sa kotse n'ya.

"Alex, aaminin ko ng hindi talaga kasama si Calla," natatawang sabi na lang ni Sid habang nagmamaneho.

"Putangina mo," sabi ko na lang saka tumingin sa bintana. Sasama na lang ako, tutal nandito na rin naman ako.

Nakarating din kami sa bar makalipas ang ilang minuto. Pumasok na kami roon at agad nakita ang mga tropa namin ni Sid na puro mga lesbian at bisexual din.

Umupo na kami ni Sid doon at nagsimula ng mag-inuman. Sakto na naglalaro sila ng truth or dare, nakisali na lang ako para kahit papaaano ma-distract ako.

I was just going to enjoy tonight. I would try to forget everything about dicks. Makakalimutan ko rin iyon. I just needed to cleanse my mind!

Natigilan ako nang tumapat sa akin ang nguso ng bote na pinapaikot nila.

"Alex, truth or dare?" tanong ni Charlie.

Napakagat ako sa ibabang labi ko. Kanina pa ako truth nang truth, parang kailangan ko na ng kaunting thrill.

"Dare," sagot ko.

Naghiyawan sila sa sinabi ko. Napakunot na lang ang noo ko dahil parang hinihintay talaga nila na sabihin ko 'yon.

"Ang dare namin sa 'yo..." Kinuha ni Sid ang paper bag na inabot sa kanya ni Charlie. "Maging Alexandra ka for tonight!"

Lumakas ang hiyawan nila. Napaawang na lang ang labi ko dahil hindi ko ine-expect na ganon ang dare nila.

"Gago ba kayo? Ayoko!" sabi ko na lang.

Tanginang mga 'to.

"Wala... walang KJ dito, Alex. Sige na, ngayong gabi lang naman," pang-uudyok pa ni Sid. Parang gusto ko tuloy siyang tadyakan sa mukha.

In the end, wala akong nagawa. Nagpunta kami ni Sid sa CR at pinasuot ng gaga ng dress at heels. Napabuga na lang ako ng hangin at napatingin sa sarili ko sa salamin.

Nakasuot ako ng peach off-shoulder dress na hanggang gitna ng hita ko. Medyo maikli. Ang taas din ng heels na suot ko pero hindi naman ako hirap magsuot ng ganito. Nilagyan pa ako ng light make up ni gagang Sid.

"Shet, ganda mo, Alexandra!" Humagalpak ng tawa si Sid.

"Tangina mo, may araw ka rin sa akin!" Binatukan ko siya.

Puno ng kantyawan sa table namin pagdating namin ni Sid. Mga walanghiyang 'to.

"Gago, si Alexandra talaga pinakamaganda sa'tin. Medyo tanggap ko na," napapailing na sabi ni Riley, parang nasasaktan pa.

Puro naman sila magaganda. Lamang ko lang yata, medyo malaki boobs ko, na hindi ko naman gusto. Kaya nga lagi akong naka-chest binder, e.

Tagal din nila akong kinantyawan. Tumakas na lang ako at nagkunwaring o-order dahil trip na trip ako ng mga walang hiya. May araw din ang mga 'to sa akin. Pagsusuotin ko sila ng two piece balang araw!

Umupo na lang ako sa counter at pinagmasdan ang mga kaibigan ko mula sa di kalayuan saka napailing. Tanginang Sid 'to, dapat hindi ko na lang pinagkatiwalaan.

"Wooh! Pogi mo mamsh!"

Napatingin ako sa kabilang table na may mga naghihiyawan din. Napatitig ako roon. Ayos ah, puro bakla naman ang nasa table na 'yon.

"Kaderder! Nakakainis kayo ha!" asik ng isang lalaki na pamilyar sa akin ang boses.

Nakasuot ito ng black long sleeve polo na nakatupi hanggang siko at pants. Nakatali ang buhok nito... pamilyar sa akin ang built ng katawan n'ya.

"Kyahhh! Nako dzai! Muntik na ako magka-crush sayo. Pogi!" tila nang-aasar na sabi ng nasa table. Naghiyawan sila.

"OMG! I can't take this anymore! Magpapalit na ulit ako ng dress! Ayoko nito mga mamsh! Hindi ko na keri itech!" reklamo ng lalaki... pamilyar talaga ang boses nito. Nakatalikod kasi siya sa pwesto ko, e.

"H'wag kang KJ, Apollo Javier!" tila nang-aasar pa na sabi ng isa.

Apollo Javier... saan ko ba narinig 'yon?

"Yuck! Avy nga sabi! Avy!",

Nanlaki ang mga mata ko... Avy?!

Nanigas ako sa kinauupuan ko nang pumadyak sa sahig si Avy saka iniwan ang mga kaibigan nya at lumapit dito sa counter. Napigil ko ang paghinga ko nang makita siyang umupo sa malapit sa akin. Nakakunot ang noo n'ya at bahagya pang nakanguso ang labi.

Myghad. Mukha siyang lalaki ngayon. Mukhang katulad ng sa akin ang naging dare sa kan'ya ng mga kaibigan n'ya... at totoo nga ang sabi nila na gwapo ito. Wala rin kasi siyang makeup ngayon at panlalaki pa ang suot.

Um-order siya ng drinks saka napalingon sa direksyon ko. Nanlaki ang mga mata ko at natulos sa kinauupuan ko. Hindi ako makagalaw, lalo na nang magtagpo ang mga mata naming dalawa.

"Alex?" nakakunot-noong tanong n'ya. "A-Alexandra? Alex? Alexandra?" tila naguguluhang tanong n'ya, napatingin siya sa suot ko.

"A-Avy? Apollo? Avy?" ganting tanong ko.

"Gaga ka," sabi na lang n'ya saka uminom ng tequila.

Napapangising napailing na lang ako at ininom ang drinks ko. Natahimik na lang kaming pareho... Hindi ko inaasahan na magkikita kami ulit kaya talagang awkward.

"Mukhang parehas tayong napag-trip-an ng mga tropa natin," sabi ko na lang.

"May araw rin sa akin ang mga gagang 'yon. Hihiklatin ko mga bulbul nila," napairap pa siya.

"I think they did the right thing. Muntik na kitang 'di makilala. Ang gwapo mo pala," natatawang pagbibiro ko sa kan'ya. It was half meant though.

"Eww... please lang, maganda akech... and you," he looked at me from head to toe, "you look normal," sabi na lang n'ya saka muling uminom.

Napangisi ako. "Normal? Well, the first and last time I met you, you told me I was handsome," I looked at him and smirked.

Avy just cleared his throat and crossed his legs. "That's because I thought you have a dick... talong ang gusto ko, hindi tilapia," ismid n'ya.

Suplado pala ang isang 'to... or suplada?

Natahimik na lang kaming pareho at uminom. Natigilan lang ako nang marinig kong tinatawag ako ng mga tropa ko. Napairap na lang ako dahil siguradong pagt-trip-an ako ng mga 'yon.

"Apollo Javier!" tawag din ng mga kaibigan ni Avy, nagtatawanan pa sila.

"Alexandra! Bhie!" tawag naman ng nasa table namin.

Nagkatinginan kami ni Avy at sabay na napabuntonghininga.

"Takas tayo?" tanong ko na lang.

Tumango si Avy saka tumayo. "Sige, naiirita na rin ako sa suot ko," nakakunot-noong sabi n'ya.

Tumakas na kami sa mga kaibigan namin at lumabas ng bar. Tahimik na sumakay kami sa kotse ni Avy. Hindi na lang ako nagsalita hanggang sa makarating kami sa hotel na pinagkitaan namin noon.

Sana wala nang mangyaring kakaiba.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status