Chapter 2. "I didn't see that coming"
Pagbalik ko kanina sa rooftop ay wala na ang lalaking nakita ko sa CR at nagpapalipad ng saranggola kanina. Hinanap ko rin ang naiwan kong notebook pero wala na rin ito. And I am sure that he has my book. Hingal na hingal pa ako dahil sa pagtakbo ko paakyat sa rooftop. Ang bilis naman niyang maka-alis at saan naman siya dumaan.
Patapos na ang last subject namin. At kanina pa ako hindi mapakali sa kakaisip sa notebook ko. What if mabasa niya? What if ipagkalat niya? My life is already miserable in this school and it'll be more miserable if what's inside that notebook expose on the whole campus.
Pag ring na pag ring ng bell ay mabilis akong tumayo at inayos ang gamit ko. Just like what always happen, every time I move, all of my classmates look at me like I am kind of criminal in this room. Pero hindi ko na sila pinansin pa at pagtapos kong ayusin ang mga gamit ko ay dali-dali akong lumabas ng classroom.
Hindi naman ako nagmamadaling umuwi. Wala naman akong gagawin at wala naman akong kasama sa bahay, both of my parents died eight years ago. And after that incident, I discovered that I have this curse or kind of ability to see the death of people I touch or who touches me. Since then, I isolate myself from the world. Nakakatakot. Nakakatakot ang may ganitong kakayahan.
I search for him on the whole campus. Hinanap ko siya kahit saan pero hindi ko siya makita. Hindi ko naman alam kung ano ang grade at section niya. Napuntahan ko na lahat ng lugar sa school. I've checked every building, the library, the gymnasium, the field, the school garden, and even the rooftop again, but he is nowhere to be found. I really need to get that notebook.
"Nasaan na kaya siya?" tanong ko sa aking sarili habang nagpapahinga sa tapat ng drinking fountain. Hingal na hingal na ako at pawis na pawis na kaka-ikot sa buong campus. I sighed in disappointment and decided to go home hoping that he will not tell to anyone what’s inside that notebook.
Habang palabas ako ng gate ay napahinto ako nang biglang may humarang sa daanan ko. Nang tumingala ako at tingnan kung sino ay nanlaki ang mga mata ko at natuwa nang makita ko siya.
"Where is my notebook? Have you seen it?" mabilis kong tanong. I stared at him waiting for his answer and I noticed the confusion on his face.
I took a deep breath and stared back at him.
"Just give--"
"What is the meaning of those things? Are you some kind of investigator or detective?" he asked. Direkta kaming magkatinginan habang tahimik at hinihintay niya ang magiging sagot ko. So, nakita niya, nabasa niya.
"It's none of your business. Just give it back." seryoso kong sabi. I heard him giggle and smile at me. Ano bang problema ng isang ‘to? Hindi niya ba ako kilala?
Nilingon ko ang paligid namin and I saw some students staring at us and talking about us. Binalik ko ang tingin sa kanya.
“Just give it back, please.” Mahinahon at nagmamakaawa kong sabi sa kanya. Hindi siya agad sumagot sa akin at malalim na bumuntong hininga saka iniharap ang bag pack niya at binuksan ang main compartment nito.
“Roux,” agad akong napaigtad at nagulat nang may kumalabit sa akin. With that poke, a flash of an unwanted scene flashes in my head. Tiningnan ko ang kumalabit sa akin and it’s Ms. Velarde my class adviser. “Sorry, I didn’t mean to startle you.”
Mabilis at sunod-sunod ang paghinga ko habang patuloy na dumadaloy sa isipan ko kung paano mamamatay si Ms. Velarde. Napaupo ako at tinakip ang dalawang palad ko sa aking mukha. I heard the noise surrounds me. Nangyari na naman at bakit agad-agad nangyayari ang mga nakikita ko?
Kutsilyo
Kama
Umiiyak si Ma’am
May isang lalaki.
Siya ang may hawak ng kutsilyo.
At sinasak niya si Ma’am.
At mangyayari ito…
Mamaya.
“Roux? Okay ka lang?” hingal na hingal ako at tumingala. Nasa harap ko pa rin si Ms. Velarde habang katabi naman niya ang lalaking kumuha ng notebook ko. Kinalma ko ang sarili ko pero hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga nakita ko tungkol kay Ma’am.
“Ayos lang po, I’m sorry.” Nanginginig ang boses kong sabi. Napahinga naman ng malalim si Ma’am at tiningnan akong muli. Kita ko sa mukha ni Ma’am ang palagi kong nakikita sa mga mukha ng mga taong nanghuhusga sa akin.
“Ibibigay ko lang sana itong warning mo at request mo kasi late ka kanina. Are you really fine?” sabi ni Ma’am at iniabot sa akin ang isang papel. Kinuha koi to at tumango-tango bilang sagot sa tanong niya. “Good,” tumingin naman si Ma’am sa lalaking katabi niya. “Sabay ba kayong uuwi? Mabuti at may kasabay ka. I’ll leave. Ingat sa pag-uwi.”
Naglakad na paalis si Ma’am. Hinabol ko pa siya ng tingin at gusto ko siyang sundan para sabihin ang mangyayari sa kanya mamaya. Gusto ko siyang bigyan ng warning pero natatakot ako. Natatakot akong baka mas maging iba ang tingin niya o nila sa akin kapag sinabi ko sa kanya. Na baka mas mauna ang panghuhusga nila kaysa ang paniniwala nila sa mga sasabihin ko.
“Ganyan na ganyan ‘yong nangyari dati. Bigla lang siyang umiyak noon sa room noong nilapitan siya ng teacher namin.”
“Talaga? Bakit naman siya umiiyak?”
“Ewan baka nakakita ng multo. Basta ang weird talaga niya.”
Napayuko ako dahil sa mga naririnig ko sa paligid ko. Hindi ko naman ginusto. Gusto kong labanan pero paano?
“Miss,” Tiningnan ko ang tumawag sa akin. “Here’s your notebook.” Aniya at iniabot sa akin ang notebook ko. Tiningnan ko ang notebook ko na hawak niya at ang kamay niya.
“Pwede bang pakilapag na lang sa semento.” Sabi ko sa kanya na pinagtaka niya.
“Bakit? Inaabot ko na nga ng maayos sayo e.” angal niya at napakamot pa.
“Basta, please gawin mo na lang.” nagmamahaawa kong sabi. Sandali niya akong tiningnan at bumuntong-hininga.
“Fine, here’s your notebook.” Sabi niya saka nilapag sa semento ang notebook ko. Agad ko itong kinuha at nilagay sa loob ng bag ko at saka nagmadaling maglakad palabas ng school gate.
Paglabas ko ng school gate, naramdaman kong may nakasunod sa akin. Nang tingnan ko kung sino ay siya na naman. Nakangiti siya ngayon sa akin.
“Bakit mo ba ako sinusundan?” inis kong tanong sa kanya.
“Eh di ba sabi ni Ma’am mas mabuti nang may kasabay ka pauwi? And don’t worry pasakay din talaga ako ng LRT.” Nakangiti niyang sabi. Napayuko ako dahil nabanggit niya si Ma’am Velarde. “At saka nag-aalala ako sayo.” Marahan akong tumingala at napasalubong ng kilay dahil sa sinabi niya. Pagtingin ko sa kanya, I saw his serious face and eyes looking at me. “You seems so scared earlier and I wonder what just happened.”
Huminga ako ng malalim at hindi na siya pinansin pa at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Pero nang makarating ako sa harap ng entrance ng LRT station ay hindi ako pumasok doon.
“Hoy akala ko ba mag-e-LRT ka?” sabi niya. Nilingon ko siya.
“Hindi na. Malapit lang naman ang bahay ko, pwede namang lakarin.” Sagot ko. Sa totoo lang hindi malapit ang bahay ko, medyo malayo pero sasakay na lang ako ng tricycle. Isang station lang naman ng LRT ang layo ng school sa village namin. At kaya lang ako nag-LRT kanina kasi late na late na ako at walang pila ng tricycle sa village namin kanina.
Hindi ko na pinansin ang lalaking sunod nang sunod sa akin at hindi ko alam ang pangalan nang tumawid na ako papunta sa sakayan ng tricycle. Paghakbang ko sa pedestrian ay biglang nagsigawan ang mga tao. Napatingin ako sa stop light at naka-green naman ito. Nang tumingin ako sa kanan ko ay isang rumaragasang pampasaherong jeep ang mabilis na umaandar papunta sa akin.
Para akong napako sa kinatatayuan ko at parang bumagal ang oras habang naghihintay ang katawan kong masagasaan ng jeep pero isang kamay ang humawak sa braso ko at nang tingnan ko kung sino ay nabigla ako nang hatakin ako ng lalaking sunod nang sunod sa akin kanina palayo sa pedestrian.
Napahiga siya sa semento habang nakadagan naman ako sa kanya. Ramdam ko ang mabilis na paghinga niya habang nanlalaki ang mga mata ko at gulat na gulat dahil sa nangyari. Pero ang mas kinabigla ko at hindi ako makapaniwala ay nang wala akong makitang kahit ano tungkol sa pagkamatay niya.
Tiningnan ko siya at nakatingin din siya sa akin. Mabilis na pumalibot sa amin ang mga tao. Ang daming boses na naririnig ko pero wala doon ang atensyon ko kundi sa lalaking nagligtas sa akin.
“Ayos ka lang?” nag-aalala niyang tanong habang inaalalayan akong tumayo. Hawak niya ang magkabiglang braso ko at napatingin ako sa pagkakahawak niya. Kanina niya pa ako hinahawakan at wala. Wala akong makitang kahit ano tungkol sa pagkamatay niya.
“Ayos lang ako.” Sagot ko. Napatingin naman kaming dalawa sa jeep na muntik nang sumagasa sa akin at bumangga ito sa poste ng LRT at marami ring pasahero ang lumalabas sa jeep na may mga galos at sugat.
“Mabuti na lamang at nahawakan kita.” Rinig kong sabi ng lalaking nasa tabi ko. Tiningnan ko siya. “Dapat talaga kitang ihatid sa inyo.” aniya.
Hindi ko alam pero kusang gumalaw ang mga kamay ko at hinaplos ko ang pisngi niyang may dumi ng alikabok at naluluha habang nakangiti sa kanya. Nabigla naman siya at natulala sa ginawa ko.
“Salamat…” sambit ko. “Anong pangalan mo?”
Ngumiti siya. Isang nakakahawang ngiti na tila nagpalutang sa akin.
“Gavril. Gavril Ahren Santillan.”
Chapter 3. “I’m nobody, who are you?” Tahimik lamang kaming dalawa habang naglalakad papunta sa sakayan ng tricycle. May mga tao pa kanina na nagsabi na pumunta kami sa hospital pero ayos lang naman talaga ako. Pero si Gavril, may sugat siya sa may siko dahil sa pagkakahiga niya kanina sa semento. I felt so guilty about it because me he is injured now. Isa pa sa iniisip ko ay ang pangalan niya, I don’t know and I can’t remember but I think that I heard his surname a long time ago but I can’t recall exactly when and where. Napatingin naman ako sa isang sikat na pharmacy store. Huminto ako. “Oh bakit?” tanong niya. Tiningnan ko siya at nagtataka niya lang din akong tiningnan. “Sandali, gagamutin ko ang sugat mo.” Sabi ko at dali-daling naglakad papasok ng pharmacy. Sumunod naman sa akin si Gavril. “Hindi na kailangan, ayos lang ako. Malayo ‘to sa bituka.” Natatawa niyang sabi. Hindi ko siya pinansin at kumuha lang ng mg
Chapter 4. “We can change the future” “I got a vision that she will die tonight.” Bakas sa mukha ni Gavril ang labis na pagkabigla at pagkalito dahil sa mga nalaman niya. Pareho kaming natahimik at magkatitigan, hinihintay ang susunod na sasabihin at gagawin ng bawat isa. Umayos ako ng tayo at pinulot ang mga nahulog na notes ko sa sahig. “We need to do something.” Napatingin ako kay Gavril dahil sa sinabi niya. Seryoso ang kanyang mukha habang nakatitig din sa akin. “We need to help her.” He suggested. Hindi ko nagawang magsalita at parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang aking mukha. Nanginginig ang labi ko maging ang mga kamay at tuhod ko. In an hour, may isa na namang mamamatay at wala akong magawa para tulungan o mapigilan ito. I took a deep breath and closed my eyes. “I can’t.” “What?” Gavril exclaimed in disappointment. “Bakit? We know that someone’s life is in danger and yet wala kang gagawi
Chapter 5. “Bounded by fate” Three days had passed after what happened to Ms. Velarde. Tatlong araw ko na ring hindi nakikita si Gavril simula noong araw na ‘yon. Actually, tatlong araw ko na rin siyang hinahanap. I am still confused why I can’t see anything about his death when he touched so many times. About Ms. Velarde’s case. Nalaman ko na asawa pala ni Ma’am ang pulis na ‘yon. Newlywed ang dalawa but their marriage is already on the rocks. Masyado raw kasing seloso ang lalaki at palaging pinaghihinalaan si Ma’am. And that emotions of rage and jealousy turned him into an obsessive partner. Ilang beses niya na ring sinaktan si Ma’am based sa report ni Ma’am. Nakakulong ngayon ang lalaki at pinadaplisan lang ng pulis sa binti noong binaril nila ito para hindi na manlaban. After that, nag-leave muna si Ms. Velarde ng one week at umuwi sa parents niya para magpahinga muna. Maagang natapos klase namin dahil pinag-practice na lang kami
Chapter 6. “We’re together right now” Nakahalukipkip si Gavril habang seryoso ang mukha at titig na titig sa mga notes na nasa harap niya. Narito kami ngayon sa library. Niyaya niya ako na dito kami mag-usap para pagplanuhan ang gagawin namin tungkol sa mga notes. I can still feel the heavy feelings in my chest about this. Hindi pa rin ako hundred percent na agree sa gustong mangyari ni Gavril. Natatakot pa rin ako na baka, mag-iba ang lahat at mas maging malala pa. “I didn’t expect this. Ano ba ‘tong pinasok ko.” Bigla niyang sabi saka natawa at naiiling-iling. “Wag mo na lang pakialaman, maybe what happened to Ms. Velarde was just luck.” Alangan kong sabi sa kanya. “Do you believe in luck?” tanong niya na pinagtaka ko. Hindi. Hindi ako naniniwala sa luck. Mas naniniwala ako sa destiny. If one thing was destined to be that way, it will happen that way. Hindi ko na nagawang sumagot sa tanong niya nang ihilera niya sa
Chapter 7. “The sun will shine again”“Gavril?” bulalas ko nang pagbukas ko ng gate ay nasa labas si Gavril habang nakasakay sa bike. Parang sing ganda ng papasikat na araw ang ngiti niya.“Good morning, Roux. Tara, sabay na tayong pumasok.” Aya niya sa akin. Alangan kong pinagmasdan ulit ang bicycle na sinasakyan niya. “Hey, don’t worry, I’m a good driver sweet lover.” Natatawa niyang sabi.“Saan naman ako sasakay diyan?” tanong ko sa kanya.“Dito sa harap ko.” Nakangiti niyang sagot. Mas lalo akong nag-alangan na sumabay at sumakay sa bicycle niya. Sobra naming lapit sa isa’t-isa non! “Bakit? Are you still afraid? Hindi ba wala ka namang nakikitang vision about my death?” natatawa niyang sabi. “Alam mo kasi baka pinaglihi ako sa pusa, may siyam na buhay.” Pahabol pa niya saka malakas na tumawa.Tama naman siy
Chapter 8. “How will you accept death?” “Bakit ka palaging may suot na wrist band sa kaliwang kamay mo?”Natahimik at napahinto si Gavril sa pagkain dahil sa tanong ko. Bakas at halata sa kanyang mukha ang pagkabigla at naging seryoso rin ang kanyag hitsura. Tiningnan ko lang siya habang hinihintay ang magiging sagot niya sa tanong ko.He took a deep breath and faced me with a bitter smile. “Trip ko lang, ang cool kaya para kang rakista.”Nag-sign ka siya ng rock and roll at malakas na tumawa. Napangiti na lang ako sa naging sagot niya pero mayroon sa pakiramdam ko na parang may hindi siya sinasabi sa akin. Sinulyapan ko pang muli ang wrist band sa kaliwang kamay niya.“Madalas ka ba nilang binubully?” napatingin ako sa kanya nang tanungin niya ako. Kumakain na ulit siya at nakatingin sa akin.Ibinaba ko sa mat ang baonan ko at kinuha ang tumbler ko saka uminom muna.
Chapter 9. "Her Last Wish" “Hanggang kailan na lang ba? Aabot ba ako ng graduation namin?” tanong sa amin ni Patricia na kinabigla ko. Natahimik kami ni Gavril sa tanong ni Patricia at nagkatinginan. Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok si Gwen kasama ang isang ginang na may bitbit na plastic ng prutas. Tiningnan kami ng ginang at mapait na ngumiti saka nilapitan si Patricia at nilapag sa side table ang dala niyang plastic ng prutas. “May bisita ka pala.” Mahinahon na sabi ng ginang na sa tingin ko ay ang Mama ni Patricia. Nilingon niya kami at ngumiti. “Kayo ba ‘yong sinasabi ni Gwen?” tanong sa amin ng ginang. So she knew about us. Marahan kaming tumango ni Gavril bilang sagot. “Ma, I am asking them if until when.” Biglang sabi ni Patricia. Tiningnan siya ng kanyang Mama at hinaplos ang pisngi nito. Habang pinapanuod ko sila, parang tinutusok ng aspili ang dibdib ko. A mother seeing her daughter slowly
Chapter 10. "Out of my comfort zone" Recess nang puntahan ako ni Gavril sa classroom namin at niyaya niya ako na kumain sa may school garden para doon namin pag-usapan ang naisip niyang plano para kay Patricia. Hawak-hawak niya ang isang tinapay at isa na namang bottle ng softdrinks habang may tinitingnan sa notebook na hawak niya. “I did some research earlier in the library about cardiac arrest and what are the possible thing that might trigger it.” Saad niya at tiningnan ako. “Roux, explain mo nga sa akin ‘yong exact na mangyayari based sa vision mo about Patricia?” tanong niya. Kinuha ko ang notebook ko na may mga notes at kinuha ang note ni Patricia. Taimtim kong pinagmasdan ang note ni Patricia at binasa sa isip ko ang mga nakasulat dito. “Patricia is sitting in a wheelchair on the day of her graduation. Kasama niya ang Mama niya at Papa niya at ang ibang family niya, kasama rin si Gwen.” Kwento ko kay Gavril. “D