Share

Chapter 1

HINDI MAPAKALI  si Edith sa kanyang kinauupuan ngunit pinilit niyang hindi ipahalata iyon kay Xynyx, ang kanyang ama at ni Renz, ang kanyang kuya. Bigla naman siyang napaiktad sa kanyang pagkakaupo nang hawakan ng kanyang ama ang kanyang kamay.

“Sigurauhin mo lang na hindi ka gagawa ng pagkakamali kung ‘di alam mo na ang mangyayari sa’yo pagdating natin sa bahay,” mariing saad ni Xynyx na tumingin kay Edith saka binigyan ng pekeng ngiti.

Hindi lamang isang ordinaryong paalala ang mga katagang iyon mula kay Xynyx para kay Edith kung ‘di isang pagbabanta na sandaling magkamali ito ay pagbabayaran niya iyon.

Nang marinig ni Edith ang mga katagang iyon ay bigla itong pinagpawisan nang malamig lalona’t nakikinita niya na ang maaaring gawin ng kanyang ama sa kanya.

“Yes, father,” maikling tugon ni Edith na bahid ang takot sa kanyang tinig.

Hindi umimik ang ama at tinapik ang kanyang kamay bilang tugon. Ilang saglit pa ang lumipas ng dumating na ang taong kanilang hinihintay.

Mabilis na tumayo si Xynyx para salubungin ng ngiti ang mga ito dahilan para mabilis ding mapatayo sina Renz at Edith. “Mr. Saunders!” masayang bati nito at mabilis na nakipagkamay kay Noe, ang ama ng magkapatid na Yvan at Pierce. ang katunggali ng pamilyang Fletcher sa negosyo. Ang gustong pabagsakin ni Xynyx para siya ang tingalian ng lahat.

“Mr. Fletcher,” maikling tugon ni Noe na binigyan ng maliit na ngiti.

Ibinaling nito ang tingin sa magkapatid na Saunders. “Yvan, Pierece.” Bati nito sa mga anak nito. “You’re here. It’s good to see you both growing dashing and handsomely.”

“You mean it will be bad if we look awful and wouldn’t be look good to pair to your favorite doll, your daughter Edith?” pasupalpal na saad ni Yvan na may kasamang ngisi.

“Yvan,” pag-aawat na sambit ni Noe sa pangalan ng kanyang anak dahilan magkatinginan ang dalawa.

Tumawa naman si Xynyx para patayin ang tension na bumalot sa kanilang lahat.

“It’s fine, Noe. Yvan just love to joke around,” wika ni Xynyx sabay tawa.

Ngunit mabilis na ibinaling ni Yvan ang kanyang tingin kay Xynyx na pinagsawalang bahala ang kanyang sinabi.

“Mr. Fletcher, it seems you don’t know how to distinguish a joke to not,” banat ni Yvan. “That can’t be called as a joke.” Dagdag nito na may halong sarkasmo.

Napataas ng kilay at napatiim-bagang si Xynyx sa insultong ibinato sa kanya ni Yvan ngunit pilit nitong ikinumpas ang sarili para lamang hindi masira ang kanyang mga plano.

“Is that so? Maybe I’m getting too old and I can’t get with the trend in today’s youngsters speaking,” b’welta ni Xynyx na kunwari ay walang alam sa inaasal ni Yvan.

Napapalatak si Yvan. “Yes, you are too old indeed, yet you’re still being greedy,” pasikmurang saad ni Yvan nang walang kagatol-gatol.

Muli, napaigtad si Xynyx sa pang-iinsulto ni Yvan dahilan para hindi makaimik.

“Yvan, stop!” mariing awat ni Noe.

Nang makita ni Yvan ang pagkairita sa mukha ng matanda ay napangisi ito saka ibinaling ang tingin kay Pierce. “You’re lucky to have a family like this, bro,” sarkastikong saad nito.

“Shut your mouth, Yvan,” maikling saad ni Pierce at binigyan lang nang matalim na tingin ang kapatid.

“Calm down, bro.” Sabay taas ng kanyang mga kamay na animo’y sumusuko. “Why are you being grumpy? Do you like that much your soon to be wife’s family that now you are making me shut my mouth?”

“Have some decency, Yvan. We’re not here to fight and act lowly human.”

Akmang magsasalita pa sana si Yvan nang awatin siyang muli ng ama. “That’s enough, Yvan.”

Napairap na lamang ng kanyang mata si Yvan. “Fine.”

Bagama’t napapaligiran sila nang nakakailang na hangin ay umakto pa rin si Xynyx na para bang walang nangyari. Hindi siya makakapayag na hindi mangyari ang lahat ng kanyang pinaplano. Kung kailangan niya ibaba ang kanyang ulo ngayon para makamit niya ang gusto sa huli ay kanyang gagawin.

“Then if everything is okay, let’s have a seat,” nakangiting aya ni Xynyx at mabilis na tinawag ang waiter at agad naman nitong hinanda ang mga pagkaing inorder ni Xynyx bago pa dumating ang mag-aamang Saunders.

Habang abala mag-usap sina Xynyx at Noe ay nanatiling tahimik si Edith kahit na nagsisimulang hindi bumuti ang kanyang pakiramdam ay pinilit niyang kumain. Pilit niyang kinakalma ang sarili kahit na ang mga mapangilatis tingin ng magkapatid na Saunders ay halos tunawin na siya nito.

Napansin ni Pierce ang maliliit na butil ng pawis sa noo ni Edith maging ang pamumutla nito. Akmang tatanungin niya sana ito ngunit naunahan siya ni Yvan.

“Edith, are you okay? You  look pale like a ghost.”

Mabilis na napatingin si Xynyx kay Edith na siya naman pag-angat ng ulo nito at magtagpo ang kanilang paningin.

“What happened, honey? Is there something wrong?” tanong ni Xynyx sabay hawak sa kamay ng dalaga.

Mas lalong pinagpawisan nang malamig si Edith dahil sa tanong ng kanyang ama. Alam niyang hindi iyon ang nais sabihin ng kanyang ama kung ‘di, ‘What the hell are you doing? Didn’t I tell you that you shouldn’t do anything that will ruin my plan?’

Sinubukang ikalma ni Edith ang kanyang sarili ngunit mas lalong sumama ang kanyang pakiramdam na para bang bumaliktad ang kanyang sikmura at ano mang oras ay susuka na siya sa harap ng kanyang ama.

“I’m sorry, dad. But can I excuse myself for a bit? I just need to go to the rest room,” mahinahong paalam ni Edith.

Napatingin naman si Renz kay Edith at naramdaman ng dalaga ang iritang mga tingin ng kapatid at nagsasabing, ‘Anong kaartehan na naman ang ginagawa mo?’ dahilan para kumabog ang kanyang puso nang malakas. Mas lalo siyang kinabahan nang maging ang mag-aamang Saunders ay nakatingin na rin sa kanya at nagtataka sa kanyang ikinikilos.

“Do you feel unwell, honey?” nag-aalalang pagpapanggap na tanong ni Xynyx kay Edith kasabay nang mariing pagpisil sa kamay ng dalaga.

Napaigtad naman si Edith dahil sa higpit nang pagkakahawak ng kanyang ama sa kanyang kamay.

“Don’t worry about me, dad. I’m fine. I just need to use the rest room,” tugon ni Edith na pilit umakto ng normal.

Tinapik ni Xynyx ang kamay ni Edith. “Okay, honey. Just make sure tell me if something wrong happens.” I’m telling you, act properly! If things go wrong your dead, you bastard!

Alam ni Edith ang mga titig at mga salitang binitawan ng kanyang ama nang sandaling iyon.

“Yes, dad. I will.” Sabay ngiti nang maliit. “If you excuse me, then…”

Binitawan ni Xynyx ang kamay ng kanyang anak at tumango para bigyan ng pahintulot. Yumuko si Edith parang i-excuse ang kanyang sarili bago tumayo. Kahit na gusto niyang tumakbo nang mabilis papuntang rest room ay pilit niyang ikalma ang kanyang at naglakad nang normal ngunit nang sandaling masiguro niyang hindi na siya maaabot ng mga tingin nito ay kaagad na tumakbo ito papuntang rest room at doon nagsimulang magsusuka.

Sunod-sunod ang pagsusuka ni Edith na halos napaluha na ito na tumagal ng ilang segundo hanggang sa wala na siyang maisuka. Nang bumuti na ang kanyang pakiramdam ay agad niyang hinugasan ang kanyang bibig at inayos ang kanyang sarili. Nang makita niya ang sarili sa salamin ay sa hindi maipaliwanag na dahilan ay naawa siya sa kanyang sarili. Muling umalingawngaw sa kanyang isipan ang mga tingin at mga salitang hindi naisatinig ng kanyang ama.

What the hell are you doing? Didn’t I tell you that you shouldn’t do anything that will ruin my plan?

I’m telling you, act properly! If things go wrong your dead, you bastard!

Binalot ng labis na emosyon si Edith nang sandaling iyon dahilan para mapayakap siya sa kanyang sarili.

“What did I do to deserve this? Why do I need to live in hell like this in my entire life?” nasisiphayong tanong ni Edith sa kanyang sarili dahilan para siya’y mapahikbi.

Ayoko ng buhay na ganito! Hindi ko ginusto ang ganitong buhay!

Galit at pagkasiphayo ang bumalot sa kanya nang sandaling iyon. Gusto niyang makakawala sa kamay ng mga taong walang ibang ginawa kung ‘di ang saktan at pagbantaan siya at gawing miserable ang kanyang buhay. Sa tuwing naaalala niya ang mga sandaling iyon ay hindi niya maiwasang kabahan at matakot. Nagsimula na namang manginig ang kanyang katawan dahil sa takot na kanyang nararamdaman na siya ring naging dahilan ng panlalambot ng kanyang mga  tuhod nang sandaling iyon.

“Edith, pull yourself together!” pagkukumpas na saad ng dalaga sa sarili.

Napakuyom ng kanyang kamay si Edith at muling tinignan ang sarili.

“Hindi p’wedeng maging mahina ako. Kailangan ko magpakatatag. Kailangan ko maging malakas.”

Matapos ang ilang saglit na paghihinahon sa sarili ay inayos niya ang kanyang sarili bago tuluyang lumabas ng rest room. Ngunit bigla siyang napalukso nang makita niya si Pierce sa labas ng rest room.

“Pierce!”

Walang salitang lumabas sa bibig ni Pierce nang sandaling iyon at patuloy lamang na tinitigan si Edith habang nakahalukipkip.

Napakuyom ng kamay si Edith. Alam niyang hindi siya gusto ng binata lalopa’t matagal ng makaaway ang kanilang pamilya pagdating sa negosyo. Akmang magsasalita na si Edith nang unahan siya ni Pierce.

“Gano’n ka ba nag-e-enjoy kapag nakukuha mo ang atensyon ng mga tao? Kapag nakikita mong nag-aalala sila sa’yo?” malamig na tanong ni Pierce.

“That’s not my intention!” mariing paglilinaw ni Edith.

Ngunit ni katiting ay hindi iyon pinaniwalaan ni Pierce na kitang-kita sa malamig nitong mga tingin. “Talaga ba? Sa tingin mo papaniwalaan ko ‘yang sinasabi mo?” saad nito sa malamig nitong tinig saka inilapit ang mukha sa dalaga. “Kung sa tingin mo madadala mo ako ng pagdadrama mong inosente, nakakamali ka. Hindi mo ako maloloko. Hinding-hindi ako magpapaloko sa’yo.”

Matapos sabihin iyon ni Pierce ay inilayo nito ang mukha sa dalaga kung saan nakita nito ang magkasalubong nitong mga kilay na animo’y gulat at maluluha nang sandaling iyon. Ngunit sa kabila noon ay hindi niya ito pinakitaan ng pagsimpatiya. Mabilis nitong tinalikuran ang dalaga. “Hindi ko hahayaang magtagumpay ang pamilya mo sa gusto niyong makuha sa pamilya ko.”

Matapos noon ay naglakad na ito paalis habang naiwan namang nakakuyom ang mga kamay ni Edith. Galit at labis na nasasaktan ang nararamdaman ng dalaga nang sandaling iyon.

“Hindi ko ginusto na mangyari ang lahat ng ito,” mahina niyang usal sa kanyang sarili na mas lalong napakuyom ng kamay. Hindi niya maintindihan kung bakit nadadamay siya sa bagay na hindi niya naman ginusto o ginawa. Wala siyang anumang masamang intensyon sa pamilya ni Pierce pero bakit siya ang higit na pinagbubuntungan ng mga galit nito.

“It was all my father and brother’s doing. I’m just a marionette whom they just used to get what they want.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status