Share

Chapter 2

HINDI magawang maialis ni Pierce ang kanyang tingin kay Edith simula nang makabalik ito na tila ba kinikilatis nang sobra habang suot ang malamig na ekspresyon nito sa g’wapo nitong mukha. At nang sandali ring iyon ay hindi maipagkakailang ramdam ni Edith ang mga titig na iyon ngunit pilit niya na lamang itong ipinagsasawalang bahala.

Napansin naman ni Yvan ang kapatid kung kaya inilapit niya ang mukha sa tainga ni Pierce. “Have you already been fascinated by the attractiveness of your future wife?” panunuyang tanong ni Yvan na may kasamang ngisi.

Ibinaling ni Pierce ang kanyang tingin sa kanyang kapatid at binigyan ito nang matalim na tingin. “Shut up.”

“Pierce, chill! Why are you so oversensitive to—”

“I said, shut up!” mariing awat ni Pierce na bakas na bakas sa mukha ang pagkairita.

Ngunit hindi papaawat si Yvan lalopa’t hilig niyang asarin at painitin ang ulo ng kapatid.

“Why do you continue to stare at her? Do you imagine doing filthy things—”

Isang matalim na tingin ang ipinukol ni Pierce kay Yvan na kulang na lang ay mamatay ito sa kinauupuan nang sandaling iyon.

“Can't you just shut up and have some decency for once?”

“I'm being decent, little bro. I can't stop talking, especially now that I see how you look at your soon-to-be wife with affection. It's really cute!,” panunuyang saad ni Yvan.

“Do you have nothing to do but annoy people?”

“Well—”

Hindi nagawang maituloy ni Yvan ang kanyang sasabihin nang biglang tumayo si Pierce dahilan para matuon ang pansin ng lahat sa binata.

“Pierce, where are you going?” tanong ni Noe.

“I need to take a breather.”

Hindi na hinintay ni Pierce ang magiging tugon ng ama at kaagad na naglakad palabas ng restaurant. Ngunit hindi makakapayag si Yvan na makakawala ang kapatid sa pang-iinis niya lalopa’t nabuburyong siya sa pagkikita ng pamilya niya sa pamilya ng taong kanyang kinaiinisan.

“Pierce! Wait!”

“...”

“Hey, bro!”

“...”

“Pierce!”

“...”

Kahit na paulit-ulit na kinukuha ni Yvan ang atensyon ni Pierce ay hindi ito pinansin ng binata at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating sa smoke lounge at nagsindi ng sigarilyo para ikalma ang sarili.

“Hey! Did you not hear my call? Can you at the very least wait for me?” Sunod-sunod na tanong ni Yvan na animo’y batang nag-aalboroto ngunit hindi iyon pinansin ni Pierce at patuloy sa paghithit ng kanyang sigarilyo.

“Are you going to continue to ignore me?”

“...”

Natahimik bigla si Yvan at pinagmasdan ang kanyang kapatid na may seryosong mukha habang humihithit ng sigarilyo at panibagong pang-aasar na naman ang pumasok sa kanyang isipan nang sandaling iyon.

“Are you upset, li’l bro?” nakangisi niyang tanong sabay akbay at silip sa magiging reaksyon ng kanyang kapatid ngunit wala itong sinabi. “Are you seriously upset? Are you already being swayed by your soon-to-be wife, causing you to behave in such a way?”

“...”

Nanlaki ang mga mata ni Yvan at napapalatak na may kasamang pagngisi. “Hey! Don’t tell me you really—”

“Shut up! You're seriously annoying me!” iritang pagpapatahimik ni Pierce kay Yvan. “I don’t have time for your bullshits!”

Nang makita ni Yvan ang galit na mukha ni Pierce ay bigla itong humagalpak ng tawa dahilan para magsalubong ang mga kilay ni Pierce nang sandaling iyon. Ngunit makalipas ang ilang segundo ay biglang tumigil sa pagtawa si Yvan at biglang tinitigan nang seryoso ang kapatid.

“Allow me to remind you, Pierce. That woman is the enemy's daughter, and you should not have fallen for her. You cannot fall and submit into the clutches of our enemies. Enemies will always be our enemy,” pagbibigay punto ni Yvan.

At nang sa pagkakataong iyon ay gumuhit ang seryosong reaksyon sa mukha ni Pierce.

“No need to remind me.”

“Good.”

Lingid sa kaalaman ng dalawa ay narinig ni Edith at Renz ang lahat ng iyon, dahil matapos umalis ang dalawa ay sumunod din sina Edith at Renz para iwan ang kanilang mga ama dahil sa may pag-uusapan ang mga ito.

Narinig ni Edith ang pagpalatak ni Renz. “You must do everything to bring that bastard to his knees or else…” makahulugang saad nito dahilan para balutin na naman ng matinding panlalamig ang buong katawan ni Edith at nahirapan sa paghinga nang sandaling iyon.

Why do I

Biglang napalingon si Edith kay Renz nang maramdaman niya ang mahigpit na paghawak nito sa kanyang braso.

“Have you heard what I said?” iritang tanong ni Renz.

“I heard you…” mahinang tugon ni Edith na nanginginig sa takot.

Mabilis na binitawan ni Renz ang kanyang pagkakahawak kay Edith sabay tulak. “You should have answered right away, you dimwit!”

Hindi umimik si Edith dahil alam niyang pagbubuhatan lamang siyang kamay kapag nanlaban siya kahit na salita lamang iyon.

“I really hate this! Why am I being surrounded by fools?” iritang saad nito at naglakad paalis ngunit bago pa man ito makalayo ay muling ibinaling nito ang tingin kay Edith at pinaalalahanan. “Don't be a fool and cause us trouble, or I'll hit you worse than the last time.”

Matapos bantaan ni Renz si Edith ay tuluyan na itong naglakad paalis. Biglang nanlambot ang mga tuhod ni Edith dahilan para mapasandal ito sa poste nang makalayo ang mapanakit niyang kapatid kasabay noon ang pagkawala nang sunod-sunod na paghinga na animo’y inaatake ng asthma.

“Calm down, Edith. Calm down yourself,” pagkakalmang saad ni Edith sa kanyang sarili ngunit hindi niya magawa. Nandoon pa rin ang takot na bumabalot sa kanyang katawan.

Gustong maiyak ni Edith nang sandaling iyon dahil sa sinasapit niya sa kamay ng sarili niyang pamilya ngunit pinilit niyang pigilan iyon. Ayaw niyang may makakita sa kanya sa ganoong sitwasyon dahil paniguradong makakaranas na naman siya ng pagmamalupit sa kanyang kapatid at ama dahil kahihiyan na naman ang kanyang ibinigay sa kanila. Dahil lahat ng gagawin niyang hindi ipinag-utos ng kanyang ama ay isang malaking kahihiyan sa pamilya nila.

Somebody help

“What exactly are you doing here? Doing another act to get everyone's attention?” sarkastikong tanong ni Pierce.

Inangat ni Edith ang kanyang mukha dahilan para magsalubong ang kanilang mga mata ni Pierce at makita na naman niyang muli ang malamig na ekspresyon sa mukha ng binata.

“Pierce…”

Walang salitang lumabas sa bibig ni Edith nang sandaling iyon. Pilit niyang ikinumpas ang kanyang sarili bago harapin si Pierce ngunit bago niya pa man ito maharap ay nagsalitang muli ang binata.

“You never seem to change. Keep it up, so I can continue to hate you.”

Matapos sabihin iyon ni Pierce ay iniwan na nito si Edith.

“...Keep it up, so I can continue to hate you.”

Umalingawngaw sa pandinig ni Edith ang huling mga katagang binitawan ni Pierce dahilan para sundan niya ng tingin ang binata.

“What exactly is that meant to mean?” mahina niyang tanong sa kanyang sarili habang binabalot nang samu’t saring emosyon. Does this imply I still have a chance?

***

NAPAPITLAG si Edith sa kanyang kinatatayuan nang ibagsak ng kanyang ama ang makapal na dokumento sa ibabaw ng mesa nito.

“What the hell are you doing? Can you not cause any shame in this family?” bulyaw na tanong ni Xynyx.

Napayuko at napakuyom ng kamay nang mahigpit si Edith sa labis na takot nang sandaling iyon. Hindi niya alam kung bakit na lamang siya pinatawag ng ama at ngayon ay binubulyaw sa kasalanang hindi niya alam kung ano.

“Dad, I don’t know—”

Hindi pa man natatapos ang kanyang sasabihin ay isang malakas na suntok ang natanggap ni Edith sa kanyang sikmura dahilan para mapaupo siya sa kanyang kinatatayuan at mamilipit sa sakit sa lakas.

“You don’t know?” sarkastikong pag-uulit ni Xynyx habang nangingitngit ang mga ngipin sa galit.

Hindi pa ito nakontento at isang malakas na tadyak ang binigay kay Edith dahilan para tuluyan na itong mapahiga at mas lalong mamilipit sa sakit.

“You’re nothing like your mother! Both stupid and useless!”

Nang marinig ni Edith ang masakit na salitang iyon, kahit namimilipit ay bumangon ito sa pagkakahiga at binigyan nang matalim na tingin ang kanyang ama.

“Take back what you said, dad,” mariin niyang saad habang hindi inaalis ang nanlalabang mga tingin sa ama.

Napapalatak si Xynyx. “What did you say?”

Mas lalong napakuyo ng kamay si Edith. “Mom is not stupid and useless. She did not do anything but to love and trust you, but what did you do? You betray mom! You throw her away and marry another woman to get everything what you want! You ruin mom’s life! You’re the one who kill her!” mariing sigaw ni Edith kasabay ang pagbuhos ng kanyang mga luha.

Ngunit hindi naapektuhan si Xynyx sa sinabi ng anak at tanging palatak na may sarkasmo ang naging tugon.

“Love? Can love feed me? Can it buy things that I want?” Sunod-sunod na tanong ni Xynyx sa kanyang anak. “No!” malakas na sigaw nito at isang malakas na tadyak ang binigay nito kay Edith. “It can't buy anything! It won't give me power! It will not provide us with food! It won't cost you anything to buy luxury items that you at present own and wear!”

Sa bawat pangungusap na binitawan ni Xynyx nang sandaling iyon ay isang sipa ang natatanggap ni Edith dahilan para hindi na ito makagalaw sa kanyang pagkakasubsob sa sahig sa sobrang sakit na nararamdaman.

“Even how you defend your mother it will never change how stupid and useless she is. It’s better that she died early than continue being useless and act on her stupidity.”

Gusto ni Edith magsalita ngunit wala na siyang sapat ng lakas para gawin iyon. Inangat ni Xynyx ang ulo ng dalaga gamit ang paghila sa buhok nito dahilan para magtagpo ang kanilang mga mata habang napapangiwi si Edith sa sakit.

“If you don’t want to die early like your mother, show me that you are useful. Seduce and make your husband fall for you, I’ll be happy to hear that rather than getting involved to scandal with other men that are nothing but a trash. Use that beauty of yours for our gain not in waste, got it?”

Matapos sabihin iyon ni Xynyx ay binitawan niya ang pagkakahawak sa buhok ni Edith.

“Simone!” tawag niya sa butler.

“Sir.”

“Go bring her to her room,” utos ni Xynyx na lumapit sa kanyang mesa at nag-spray ng alcohol saka pinunasan ang mga kamay.

“Yes, Sir.”

Sinunod naman ni Simone ang pinag-utos ni Xynyx ngunit nang sandaling madala nito ang dalaga sa k’warto nito ay isang panibagong kalbaryong muli ang kakaharapin ni Edith.

“Edith,” sambit ni Tamara sa pangalan ng dalaga na may ngisi sa mga labi. “It’s play time.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status