Share

CHAPTER 108 “SELENA’S PLOTTING”

“BAKIT biglaan naman yata?”

Ang tanong na agad na nanulas sa mga labi ni Cynthia nang sabihin niya rito ang kanyang biglaang desisyon.

Noon siya napalingon kay Joaquin na ngumiti lang sa kanya.

“Gusto ko kasing mag-focus na sa pag-aalaga nalang sa pamilya ko. At isa pa, para naman mabigyan na namin ng kapatid si Callie,” sagot niya.

Although totoo naman ang lahat ng sinabi niyang iyon ay hindi niya masabi kay Cynthia na si Joaquin ang talagang may gusto roon. Hindi naman kasi niya gustong magkaroon ng hindi magandang impresyon ang kaibigan niya sa kanyang asawa. Kahit pa kung tutuusin ay alam niyang hindi ganoon si Cynthia.

“Tinawagan ko na rin kanina si Sir Randy, sinabi ko na mas maganda kung ikaw nalang ang ipapalit niya sa mababakante kong pwesto,” pagbibigay alam pa niya sa kaibigan niya.

Sukat sa sinabing iyon ni Lara ay agad niyang nakita ang pamumuo ng mga luha sa mata ni Cynthia.

“Really?” tanong nito sa tono na halatang hindi makapaniwala.

Magkakasunod ang naging pagtango ni
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status