MULA sa mahimbing na pagtulog ay mabilis na napabangon si Lara nang marinig niya ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng kwarto. "I'm sorry kung nagising kita," si Joaquin iyon na tumawa ng mahina.Walang anuman siyang tumango saka niyakap ang sarili. "Hindi mo pa ba ako papayagang umalis?" ang naitanong niya saka sinulyapan ang lalaking naupo naman sa divan na nasa paanan ng kama.Noon niya nakitang sumulyap ang lalaki sa suot nitong wrist watch. "Delikado na kung hahayaan kitang umalis ngayon, kung okay lang sa iyo, dito ka na magpalipas ng gabi," ang mabait nitong sabi saka siya nginitian.Hindi nakaimik si Lara sa sinabing iyon ng lalaki dahil tama naman ito. Malalim na ang gabi at hindi magiging maganda at ligtas para sa isang babaeng katulad niya ang lumabas at bumiyahe nang ganoong oras."P-Parang ang tahimik na sa labas?" nang mapansin niyang wala na ang ingay na kaninang naririnig niya sa labas ng kwarto ay iyon ang naikomento niya.Tumango ang
HINDI tiyak ni Lara kung dahil ba sa iyon ang unang h***k niya, o dahil sa lasa ng alak sa bibig ni Joaquin, o sa beer na nainom niya kaya mabilis siyang nakaramdam ng matinding kalasingan dahil sa kapusukan ng h***k na iyon.Hindi niya masabi kung kailan o paano pero nagulat nalang siya at parang natauhan nang maramdaman niya ang pagsayad ng likuran niya sa malambot na higaan.Ganoon katindi ang naging epekto sa kaniya ng h***k ng lalaki. Ni hindi nga niya alam kung may asawa ito o kung may nobya. Pero parang nang mga sandaling iyon ay hindi na importante sa kaniya ang lahat. Parang gusto niyang aminin sa sarili niya na katulad ng sinabi nito sa kaniya kanina, kaya siya nitong makuha sa paraan na hindi nito kailangang gumamit ng dahas, dahil siya mismo ang hihingi ng mas higit pa, nang bagay na alam niyang kaya pa nitong ibigay."Joaquin," anas niya nang bumaba sa leeg niya ang labi nito."Yes?" tanong nito bilang tugon sa kanya."Baka naman may asawa ka na, huwa
PRESENT DAY...KASABAY ng pagtigil ng taxi na kinalululanan ni Lara ay ang pagkaputol ng paglalakbay ng kaniyang diwa mula sa nakaraan. Matapos maiabot ang bayad sa driver ng taxi ay nagmamadali narin siyang bumaba para lang mapagtanto na nakalimutan pala niyang ibili ng pasalubong ang anak niya gawa narin ng pagiging abala ng isipan niya kanina."Mama!" ang maliit ngunit malambing na boses na iyon ang narinig niya nang itulak niya pabukas ang gate ng kanilang bahay."Callie!" ang nasasabik niya tugon saka sinalubong ng yakap at halik ang batang tumakbo palapit sa kaniya. "Where is GrandPapa?" ang ama niyang si Rodolfo ang kaniyang tinutukoy."Nasa loob siya. Halika na, kain na tayo!" ang anak niyang hinila ang kamay niya papasok ng kabahayan."Pa," ang agad niyang bati sa kaniyang ama saka ito hinalikan sa pisngi."Mabuti naman at nandito ka na, kanina ka pa hinihintay nitong anak mo kasi nagugutom na raw siya," ang ama niyang nakangiti pang gi
"GOOD morning Papa!" ang masayang bati ni Joaquin sa ama niya nang umagang iyon."Mabuti naman ang nagkita na tayo. Kumain ka na at marami tayong kailangang pag-usapan," anito sa kaniya.Araw iyon ng Sabado at dahil walang pasok sa opisina ay tinanghali na ng kaniyang gising kaysa karaniwan si Joaquin."Let me guess, tungkol ito sa pag-aasawa, tama ba?" tanong niya habang malapad ang pagkakangiti.Noon siya tinitigan ng tuwid sa ng kaniyang ama. "You are not getting any younger hijo, akala mo ba hindi ko alam kung ano ang ginagawa mo sa mga babae?"Nagkibit siya ng mga balikat saka sinimulan ang pagkain ng agahan. "Papa, nagiging mapagbigay lang ako sa kanila," biro pa niyang kinindatan pa ang matanda."Mag-asawa ka na," ang sa halip ay maikling isinagot ni Joaquin Sr. sa kaniya.Amuse niyang pinakatitigan ang kaniyang ama."Papa the way you speak parang napakadali lang ng ipinapagawa ninyo sa akin," katwiran niya.
"MAG-ASAWA ka na kasi, pagbigyan mo na ang Papa mo. Matanda na siya at siguro gusto narin niyang maranasan kung ano ang feeling nang maging Lolo," si Patrick iyon ang best friend niya. Kaklase niya si Patrick mula Kindergarten. Sa maraming pagkakataon o mas tamang sabihing sa halos lahat ng pagkakataon ay ito ang nagiging katuwang niya sa mga problema niya. Ito ang kakampi niya sa kalokohan lalo na pagdating sa mga babae simula nang magsimula siyang magkipag-date. Higit pa sa matalik na kaibigan ang turing niya rito. He will always be the brother that he never had. At kahit hindi ito magsalita, alam niyang ganoon rin ito sa kaniya, dahil katulad niya, only child din si Patrick. "Parang ang dali ng sinasabi mo. Bakit ikaw ba? Kelan ang plano ninyo ni Tanya?" Sa tanong na iyon ay nagkibit lang muna ng balikat nito si Patrick bago kinuha ang tasa nito ng kape at uminom. Katulad ng sinabi ni Joaquin kanina ay pinili niyang pumunta nalang ng opisina tutal
"NO, hindi na kailangan, I'm good," paniniyak pa ni Lara saka ibinaba sa plato ang hawak niyang kutsara at inabot ang baso ng tubig para uminom. "Okay lang ako, hindi mo naman obligasyon iyon kaya hindi mo kailangang mag-sorry," aniyang napangiti pa. Ilang sandali lang at natapos narin ang pakikipag-usap niya kaya nagkaroon na siya ng pagkakataon para ituloy ang pagkain ng lunch."Let me guess, si Ramil iyon at nagso-sorry kasi hindi ka niya masusundo. Tama ba?" tanong ni Cynthia habang magkasabay silang kumakain ng sa admin's pantry ng kanilang outlet branch.Tumango siya sa nagbuntong hininga. "Napapagod na nga ako eh. Hindi ko tuloy maiwasan ang makaramdam ng guilt kung minsan kasi sobrang bait niya," pagsasabi niya ng totoo."How I wish may pwede akong gawin, kaya lang alam ko naman at sobrang obvious na malakas talaga ang attraction na nararamdaman niya para sa iyo kaya determinado siya to make you fall in love," ani Cynthia. "Wait let me ask you this, kahi
GINABI kaysa plano niyang pag-uwi si Joaquin nang gabing iyon. Hindi man niya aminin, alam niyang dahil iyon sa ginugol niya ang mahabang oras niya kanina sa pagkikipagkwentuhan kay Patrick. Sa naisip ay naiiling nalang na pinagtawanan ng binata ang kaniyang sarili.Busy siya sa harapan ng manibela nang marinig niya ang pagtunog ng kaniyang cellphone na nasa passenger seat ng kaniyang kotse. Nang masulyapan kung kaninong pangalan ang rumehistro doon ay naiiling nalang na minabuting ignorahin ang tawag.Si Tessa.Dalawang buwan narin silang hindi nagkikita ng babae mula nang makipag-break ito sa kaniya. Ganoon naman ang kadalasang nangyayari sa mga nakakarelasyon niya at iyon ang para sa kaniya ay makabubuti narin.Ang ibig niyang sabihin, hindi siya ang nagi-insist ng break up kundi ang mga ito.Pero aminado siya at kailangan niyang aminin na siya ang gumagawa ng dahilan para i-break siya ng mga babae. Mabuti nalang at laking pasasalamat niya na hi
“MISS, are you okay? Oh god you’re bleeding!” ang malakas na sambit ng lalaking tumulong kay Lara sa tono na puno ng pag-aalala.Hindi kaagad nakakilos o kahit nakapagsalita man lang ang dalaga sa bilis ng mga pangyayari. Pero alam din niya sa sarili niyang hindi lang iyon ang talagang dahilan kung bakit siya natutulala ng ganoon. Parang naumid ang dila niya isama pa ang katotohanang maliban sa takot na naramdaman niya kanina ay ang matinding damdamin na pumupuno narin ngayon sa kanyang puso.Titig na titig siya sa lalaking kaharap.Halos nga hindi na siya kumukurap dahil kahit apat na taon na ang nakalilipas, kahit minsan ay hindi niya nakalimutan ang lalaking ito. Ang lalaking pirming sumasagip sa kanya sa mga pagkakataon na nalalagay siya sa hindi magandang sitwasyon.At muli sa isang iglap ay parang nasa harapan lang niya ang kahapon. Kung ano ang totoong nangyari nang gabing iyon. At ang nangyaring iyon ay nagbunga ng isang na