Share

CHAPTER 26 “OFFICIAL BOYFRIEND 2"

AGAD na nakaramdam ng hindi maipaliwanag na panunuyo ng kanyang lalamunan si Lara dahil sa tanong na iyon. Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya dahil ang totoo  mas naglalaro ngayon sa kaniyang isipan kung paano nahulaan ni Joaquin ang tungkol sa bagay na iyon?

“Hey,” untag sa kanya ni Joaquin nang manatili siyang tahimik.

Noon tila wala sa sariling napalunok si Lara. Pagkatapos ay pasimple niyang binawi ang sarili niyang kamay na hawak ni Joaquin, subalit nabigo siya dahil nang tila maramdaman ng binata ang kanyang pagtatangka, mas lalong humigpit ang pagkakahawak nito doon.

“Natatakot ka ba sa akin, sweetheart?” tanong ni Joaquin sa kanya sa malambing nitong tono.

Magkakasunod siyang tila ba nagmamadali pang umiling bilang tugon sa tanong nitong iyon.

“Bakit naman ako matatakot sa iyo?” aniyang sinundan pa ng mahinang tawa ang tanong-sagot niyang iyon.

Noon umangat ang sulok ng labi ni Joaquin

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status