Share

CHAPTER 68 “TESSA AND RAMIL”

MALALIM na ang gabi pero hindi pa rin dalawin ng antok si Ramil kaya naman minabuti niyang lumabas muna at magtungo sa bar na iyon kung saan siya naglulunoy ngayon sa alak.

Hindi malayo sa apartment na tinutuluyan niya ang bar na iyon kaya hindi na niya kinailangan pang magdala ng kotse.

“Lara,” ang mapait niyang sambit saka nailing na dinampot ang baso at pagkatapos ay tinungga ang laman niyon.

Kahit pa kung tutuusin ay ilang araw na rin mula nang malaman niyang nagpakasal na si Lara kay Joaquin ay hindi pa rin niya lubusang natatanggap ang tungkol doon. Masama pa rin talaga ang loob niya kahit kung tutuusin ay hindi naman siya diet sa sex gawa ng apat nga ang babaeng pinagsasabay-sabay niya ngayon.

Pero gaya na rin ng nasabi niya, tanging si Lara lamang ang gusto niyang pakasalan. Ito ang mahal niya although hindi niya kayang ipangako na hihinto siya sa paggamit ng iba’t-ibang mga babae.

Ilang sandali siyang nanatili sa ganoong ayos nang mamataan ang niya ang isang babaeng nakaupo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status