Share

Chapter 51

Nagising si Cory na may mabigat na nakadagan sa hita niya. Napaangat ang ulo niya. Nakita niya ang paa ni Ely. Humarap siya kay Ely na mahimbing pa din na natutulog. Napangiti si Cory na tinotoo ni Ely na matutulog lamang sila. Pero magkayakap. Halos ayaw na siyang bitawan ni Ely. Panaka naka pa siyang binibigyan nito ng halik sa buhok at noo. Ramdam niya ang pagmamahal ni Ely sa kanya.

Ang tahimik. At payapa. Sana laging ganito na lamang sila. Wala nang magiging hadlang. Kahit pa may agam agam at pag aalinlangan. Pipilitin niyang alisin sa puso niya. Para tuluyan na sila maging masaya na isang pamilya.

Maingat na tinanggal ni Cory ang paa ni Ely. Pati ang braso nitong nakayap ng mahigpit sa beywang niya. Dahan dahan na siyang umalis sa kama. Para hindi niya maistorbo ang tulog ni Ely.

"Mahal kita" mahinang usal ni Cory. Binigyan niya ng pinong halik sa labi si Ely. Saka tumalikod dito at lumabas ng kuwarto.

Pababa ng hagdan ay nakita niya si Ditas. Ngumiti ito sa kanya.

"Good mornin
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status