Share

Embracing His Darkness
Embracing His Darkness
Author: Aislinn Casimir

Chapter 1

VELA

"Papa, ayoko po talagang ikasal kay Raphael. Hindi ko po siya mahal," umiiyak na sambit ko.

"Papakasalan mo siya sa ayaw at sa gusto mo, Vela," seryosong sabi niya.

Pinagmasdan ko ang aking sarili sa harap ng salamin. Namumugto ang dalawang mata ko dahil buong magdamag akong umiyak kagabi. Ilang beses akong nagmakaawa kay papa na 'wag akong ipakasal sa anak ng kumpadre niya. Subalit imbis na maawa siya at pakinggan ako, isang malakas na sampal ang ginawad niya sa akin. 

Ako si Vela Dominica, ang nag-iising anak ng mag-asawang Sapanta. Mayaman ang pamilya ko subalit mas mayaman ang kumpadre ni papa. Sakim sa pera at kapangyarihan ang aking ama kaya hindi siya marunong makuntento sa kung anong biyayang meron kami.

Sumisinghot akong bumaba sa bridal car at nanginginig ang dalawang tuhod kong naglakad papunta sa harapan ng simbahan. Hindi alam ng boyfriend ko na ikakasal ako ngayon. Wala akong lakas ng loob na sabihin sa kaniya na magpapakasal ako sa ibang lalaki. Bigla akong nagkaroon ng pag-asang makatakas nang makita ko si Nadivar sa tapat ng simbahan.

"I'm sorry papa and mama," sambit ko at mabilis na kinalas ang kamay kong nakapulupot sa braso ng aking ama. 

"Vela! Bumalik ka dito!" galit na sigaw ni papa.

Hindi ko siya pinakinggan. Sa unang pagkakataon, sinuway ko ang aking mga magulang at pinili ang sarili kong kaligayahan.

Tinuhog ko ang isang tauhan niyang nakaharang sa daraanan ko. Nagmamadali kong nilapitan si Nadivar at niyakap siya ng mahigpit. Umiyak ako sa kaniyang bisig habang inaalo niya ako. 

"Huwag kang matakot, love. Hindi ako papayag na ikasal ka sa lalaking iyon. Tara na, tumakas na tayong dalawa bago pa tayo maabutan ng mga tauhan ng ama mo."

"I'm sorry dahil hindi ko sinabi sa 'yo ang bagay na ito. Ayoko talagang magpakasal kay Raphael. Si papa lang naman ang may gusto," sumbong ko. 

"It's okay, love. Tahan na. I love you, Vela. Kahit anong mangyari, hindi kita papakawalan."

Nilingon ko muna si mama bago ako pumasok sa sasakyan ni Nadivar. Wala na akong pakialam kung magalit ang mga magulang ko sa akin. Mas gugustuhin ko pang kamuhian nila ako kaysa matali habang-buhay kay Raphael. Magiging miserable lang ang buhay ko kapag siya ang naging asawa ko. 

Masyadong toxic at obsessed si Raphael sa akin kaya ayoko sa kaniya. Baka mapatay niya pa ako ng dahil sa selos. Kahapon ko lang din nalaman na buntis ako at hindi pa alam ni Nadivar. Hindi rin alam nila mama na may boyfriend na ako. 

"Damn it," sambit ni Nadivar. "Vela, kumapit ka ng mahigpit." 

Napasigaw ako ng banggain kami ng katabi naming sasakyan. Napatingin ako sa labas ng bintana at laking gulat ko nang makita si Raphael. Siya ang bumangga sa amin. Galit itong napatingin sa akin kaya napayuko na lang ako. 

"I will kill you, Acosta. Stop the car and give back my bride. Vela is mine, mine alone!" galit nitong sigaw.

Binuksan ni Nadivar ang bintana sa gilid ko. Hinalikan niya pa ako sa labi habang nagmamaneho siya. "Stop owning my girlfriend, Savueda. She was mine to begin with. Hindi ka niya papakasalan dahil ako lang ang papakasalan niya." 

Diyos ko, sana walang mangyaring masama sa amin. Nataranta ako nang makitang sumusunod sa amin ang mga tauhan ni papa. Tahimik akong nagdasal na sana 'wag kaming pabayaan ng panginoon. Napansin kong hindi na pamilyar sa akin ang daang tinatahak namin. 

"Vela, nandito na tayo. Are you okay? Putlang-putla ka," aniya. 

Nakahinga ako ng maluwag dahil safe na kaming dalawa. "Medyo nahihilo lang ako pero magiging okay rin ang pakiramdam ko kapag nakapagpahinga na ako."

Binuhat niya ako na parang bagong kasal at pumasok na kami sa loob ng mansyon niya. First time ko lang makapunta dito dahil sa rest house niya ako dinadala noon tuwing nag-ce-celebrate kami ng monthsary namin. Three months pa lang kami ni Nadivar subalit nabuntis na niya ako. Hindi naman ako nagsisi na binigay ko sa kaniya ng maaga ang pagkabirhen ko. 

Handa akong gawin ang lahat mapasaya ko lang siya. I really love him to the point na kaya kong talikuran ang mga magulang ko para sa kaniya. Gano'n naman talaga kapag mahal mo ang isang tao.

"Magpahinga ka muna, love." Binihisan niya ako at sinuotan ng komportableng damit. Bago siya umalis ay hinalikan niya muna ang aking noo. 

"Thank you, Nadivar. Palagi ka na lang nandiyan sa tabi ko tuwing namomroblema ako. You are really my savior. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag wala ka sa tabi ko."

"Dadaan muna sila sa akin bago ka nila makuha, Vela. I really hate your father; he's selfish and a jerk. He doesn't deserve an angel daughter like you. I love you so much, angel."

"I love you more, Nadivar. Ano ba 'yan, kinikilig na naman ako. Sige na, lumabas ka muna at magpapahinga na ako."

Alas tres ng hapon nang magising ako. Nag-ayos muna ako ng sarili bago ako lumabas sa silid ni Nadivar. Naisipan kong ngayon ko sasabihin sa kaniya na magkakaroon na kami ng anak. Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses niya. Mukhang nandito ngayon ang kaibigan niya at seryoso ang kanilang pinag-uusapan. 

Nanghina ako ng aksidente kong marinig na isa pala siyang mafia boss. Hindi… hindi siya masamang tao. Nagtago ako sa gilid ng poste nang dumaan ang isang katulong ni Nadivar. 

"Mukhang nakalimutan mo na ang totoong pakay mo sa babaeng iyon, Nadivar. Fifteen years ang hinihintay natin para makapaghiganti ka sa ama niya. Anong nakain mo at dinala mo si Vela dito?" seryosong tanong ni Carpio sa kaniya. 

"Hindi ko nakalimutan ang plano natin, Carpio. Wala ka bang tiwala sa akin? Saka pwede ba, 'wag mo akong tanungin na parang isang kasalanan ang pagdala ko dito kay Vela."

"Mukhang nagiging malambot na ang puso mo sa kaniya, Nadivar. Isang tanong, isang sagot. Mahal mo na ba siya?" 

"What the hell! Seriously, Carpio? Hindi ko siya mahal. Pinaglalaruan ko lang siya at ginagamit laban sa kaniyang ama. I never loved her from the start. Pampainit ko lang siya sa kama," nakangising sambit ni Nadivar. 

Parang sinaksak ako ng paulit-ulit nang marinig ko ang mga sinabi niya. Nanghihina akong napakapit sa poste habang nanlalabo ang paningin ko. Hindi ko matanggap na pinaglalaruan niya lang pala ako. Na pampainit niya lang ako sa kama. 

Napakawalang-hiya niyang lalaki. Sana hindi ko na lang siya nakilala. Sakit, poot at kakaibang galit ang nararamdaman ko ngayon. Pinapangako ko sa aking sarili, balang araw, luluhod si Nadivar sa harapan ko at magmamakaawa. Ibabalik ko lahat ng sakit na dinulot niya sa akin. 

"Roca, kailangan ko ng tulong mo ngayon. Sunduin mo ako dito sa address na ifo-forward ko sa 'yo," mahinang sambit ko sa kabilang linya. Tinawagan ko agad siya pagbalik ko sa silid ni Nadivar. 

"Noted, mare. Alam mo naman na always akong to the rescue sa 'yo. Papunta na ako, Vela." 

Pagkatapos naming mag-usap, dahan-dahan akong bumaba sa hagdan at lumabas sa mansyon ni Nadivar. Marami siyang tauhan na pakalat-kalat kaya sa likod ako dadaan. Umakyat ako ng punong manga at maingat akong bumaba sa kabilang lote. 

"Manang, nakita niyo ba si Vela?" tanong ni Nadivar sa katulong niya. 

Bago pa niya ako maabutan, kumaripas na ako ng takbo. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, nakita ako ng kaibigan ni Nadivar.

"Bro, nandito siya!" sigaw ni Alto. "Mukhang balak ka niyang takasan."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status