Share

Chapter 3

VELA 

Laking pasasalamat ko at hindi na ulit nagtagpo ang landas namin ni Nadivar. Umalis agad ako ng Ilocos pagkatapos kong makipaghiwalay sa kaniya noon. Mabuti na lang at narinig ko sila ni Carpio. Dahil kung hindi, baka tuluyan ng naging miserable ang buhay ko sa poder niya. 

Para makabawi man lang sa panloloko niya sa akin, pinalabas ko talagang pinaglaruan ko lang siya at hindi minahal. I want to crash his ego and make him feel that Raphael is better than him.

"Magandang tanghali, buntis. Ang lalim ng iniisip natin, ah. Iniisip mo na naman ba ang lalaking iyon?" nakasimangot na tanong ni Roca. 

"Hindi ah," pagsisinungaling ko. "Roca, pupunta pala ako sa mall mamaya. Okay lang kahit hindi mo na ako samahan." Kailangan ko kasing bumili ng bago kong maternity dress. Masyado na kasing masikip ang ibang mga damit ko. 

"Ano ka ba, wala naman akong gagawin ngayon. Hindi ako busy kaya masasamahan kita."

"Maraming salamat sa lahat ng tulong mo, Roca. Sa totoo lang, hindi ko na alam ang gagawin ko kung wala ka."

Nandito ngayon sa Pangasinan ang aking kaibigan dahil may proyekto siyang tinatapos sa lugar na ito. Isa siyang architect samantalang ako naman ay isang chef. Paminsan-minsan ay nagluluto ako ng cake tuwing may nagpapagawa sa akin. Sayang kasi ang kita kung tatanggi ako. 

Wala pa naman akong trabaho ngayon dahil malaki na ang tiyan ko at tatlong buwan na lang, lalabas na si baby. Nahihiya na ako kay Roca dahil siya ang nagbabayad ng renta sa inuupahan kong maliit na bahay. 

Noong una, nahirapan akong mag-adjust dahil hindi ako sanay sa hirap tapos buntis pa ako. Ang hirap pala mamuhay ng payapa kapag may pinagtataguan kang tao.

"Tara na, Vela. May dala akong sasakyan kaya hindi tayo mag-co-commute ngayon." 

"Pagkatapos ba ng proyekto mo dito sa Pangasinan, babalik ka na sa Ilocos?" Abala rin kasi si Roca sa kanilang hacienda dahil siya ang namamahala doon. 

"Oo, pero 'wag kang mag-alala dahil babalik din ako kaagad."

"Ano ka ba, okay lang kahit matagal kang bumalik. Nandiyan naman si Nanay Milagring na katuwang ko." Ayokong maging pabigat sa kaniya dahil may sarili rin siyang problema.  

Agaw atensyon kami ni Roca nang makapasok kami sa loob ng mall. Hindi ko pinansin ang mga matang nakatingin sa akin at dumiretso na ako sa paborito kong boutique. Tumitingin ako ng mga maternity dress ng biglang may mabunggo akong lalaki. 

"Sorry po," agad kong sabi. Nabato ako sa aking kinatatayuan nang makita ko muli ang pamilyar niyang mukha. 

"Sa susunod, tumingin ka sa dinadaanan mo. Be extra careful because you're pregnant," walang emosyon nitong sabi. "Wait, have we met before?"

"N-Ngayon lang po tayo nagkita, sir. Pasensya na po ulit." Iniba ko talaga ang boses ko para hindi niya ako makilala.  

Dali-dali akong umalis sa kaniyang harapan nang nilapitan siya ni Alleyah. Mabuti na lang nakasuot ako ng facemask at sunglasses kaya hindi niya ako namukhaan. Sinenyasan ko si Roca na umalis na kami subalit natigil ako sa paglalakad nang makitang inalalayan niya si Alleyah. Kumirot ang dibdib ko nang pinagsiklop niya ang kamay nilang dalawa. 

Ang sakit pala na makita ang mahal mong masaya sa piling ng iba. Ginamit at pinaglaruan niya lang talaga ako. Samantalang ako, minahal ko siya ng totoo. Ang mas masaklap pa diyan ay may girlfriend na siya o hindi kaya asawa dahil buntis ito. 

"May nakita akong damit na bagay kay baby. Tara doon," masayang sambit ni Nadivar kay Alleyah. 

"Ikaw talaga, hindi pa nga lumalabas ang anak natin, ini-spoil mo na siya. Maraming salamat, Nadivar."

Bago pa pumatak ang mga luha ko, hinila na ako ni Roca. Nagmamadali kaming lumabas ng mall nang makitang nandito rin ang dalawang kaibigan ni Nadivar. Mas lalo akong kinabahan nang sundan kami ng tingin ni Carpio. 

"Vela, mukhang hindi ka na safe dito." 

"Pagdating natin sa bahay, mag-iimpake agad ako. May alam akong lugar na pagtataguan ko at tiyak kong hindi nila ako mahahanap."

"Saan?" tanong ni Roca. Napansin kong mas lalo siyang nataranta kaya napatingin ako sa likuran namin. 

Hindi ko na nasagot ang tanong niya dahil biglang may malakas na pwersang humila sa akin. Nanlaki ang dalawang mata ko nang makitang si Carpio ang humila sa akin. Tinanggal niya ang suot kong facemask kaya nawalan ng kulay ang buong mukha ko. 

Hawak na ngayon ng dalawang lalaki si Roca kaya naiiyak siyang napatingin sa akin. Sinubukan kong magpumiglas subalit masyadong mahigpit ang pagkakahawak ni Carpio sa kamay ko. 

"We meet again, Vela. Hindi ko alam na dito ka lang pala nagtatago," nakangisi nitong sabi. 

"Carpio, maawa ka sa akin. Huwag mong sabihin kay Nadivar na nakita mo ako ngayon," pagmamakaawa ko sa kaniya. 

Hindi niya ako pinansin at tinitigan niya ako ng matagal. "Buntis ka. Sinong ama?" 

Gusto kong sabihin na si Nadivar subalit ayokong malaman ng lalaking iyon na nabuntis niya ako. "Si Raphael, siya ang ama ng ipinagbubuntis ko."

Napahawak ako sa aking tiyan nang naramdaman kong sumipa ang aking anak. Siguro hindi siya sang-ayon sa sinabi ko. Nakita kong papalapit na sa aming pwesto si Alto kaya mabilis kong tinuhog si Carpio. Hinagis ni Roca ang kaniyang susi kaya agad ko itong sinalo. 

"Umalis ka na, Vela. Hayaan mo na ako dito. Hindi naman nila ako sasaktan. Go, run, Vela. Save yourself before it's too late!" 

Umiling ako subalit sinigawan ulit ako ni Roca kaya mabilis akong naglakad patungo sa parking lot. Umiiyak akong pumasok sa kaniyang sasakyan at pinaandar ito. Akala ko ay tuluyan na akong nakawala subalit nasundan pala nila ako. Dalawang itim na kotse ang nakasunod sa akin. 

"Please baby, kapit ka lang kay mommy, okay?" 

Para na akong nakikipagkarera kay kamatayan dahil sa bilis ng pagpapatakbo ko. Nang lumiko ako ay biglang sumulpot ang isang SUV. Muntik ko na itong mabangga. Mabuti na lang at mabilis kong natapakan ang break ng sasakyan ni Roca. 

"I'm sorry. I'm sorry," umiiyak kong sabi. Muntik ko ng mapahamak ang anak ko. 

Pagtingin ko sa aking likuran ay wala na ang dalawang sasakyan na nakasunod sa akin. Pagkarating ko sa bahay ay agad kong nilagay ang mga damit ko sa maleta. Pagkatapos kong mag-impake ay nagmamadali akong umalis at sumakay ng tricycle. Hindi na ako nakapagpaalam pa kay Nanay Milagring. Aalis na ako dito at pupunta ng Bukidnon. Tatawagan ko na lang si Roca kapag nakarating na ako doon.

Nandito na ako ngayon sa Clark International Airport. Kahit pagod ako sa biyahe, hindi na ako nagpahinga at nagpa-book agad ng ticket papuntang Mindanao. Wala na, nagastos ko na ang ipon ko na para sana sa panganganak ko. 

Pagkatapos ng isang oras na paghihintay, tumayo na ako ng marinig kong tinatawag na ang flight ko.

"Sayang, akala ko tuluyan ka ng nabangga pero hindi pala. You can run away for now, Vela. Pero hinding-hindi mo matatakasan si Nadivar. Sa ngayon, hahayaan muna kitang makatakas."

Nanghina ang dalawang tuhod ko ng biglang hinarangan ako ni Carpio. Gusto ko siyang sampalin at sigaw-sigawan subalit ayoko namang mag-iskandalo sa airport. Imbis na pag-aksayahan siya ng oras, tumalikod na ako at umalis. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status