Share

CHAPTER FIFTY-TWO

Inabot na rin ng gabi ang reception na ginanap sa acoustic bar na nasa tabing-dagat, na sakop din ng resort, ngunit hanggang sa labas ay naglagay din ng mga mesa at upuan.

Ang malapad na platform na gawa sa kahoy ay nabububungan ng telang puti na sumasayaw sa ihip ng hangin. Ang mga poste naman ay gawa sa punongkahoy na napalilibutan ng mga puting orchids at daisies, at mga luntiang dahon.

Sa gitna ng platform ay naka-set up ang high chair ng mga bagong kasal na si Kathryn at Gino. Bukod sa liwanag ng buwan at mga bituin, may mga lantern din na nakapalibot sa platform upang makapagbigay ng dagdag na liwanag, at romantic vibes.

Ang platform na iyon ay naka-set-up sa labas ng bar, ngunit ang mga bisita na mas piniling manatili sa loob ay makikita pa rin ang mga bagong kasal. Ang harapang bahagi kasi ng acoustic bar ay bukas at tanging barandilya ang nagsisilbing harang mula sa labas.

Sa kanang gilid ng platform ay naroon ang host na si Louie at Kimverly, habang naka-set-u
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status