Share

CHAPTER TEN

    Tumalikod na siya sa akin pero parang hindi ako makagalaw. Nang tignan ko ang mga staff niya na nakatayo lang malapit sa amin, sila mismo ay may tanong din sa kanilang mga mata na para bang first time ginawa iyon ng boss nila.

   Tinanguan ko na lang sila bago ako lumabas ng pintuan.

   Pagkasarang-pagkasara ko noon ay kinagat ko ang ibabang labi ko para 'di ako mapa-tili.

   Mukhang tama si Luna - malala na itong tama ko.

   Kaso habang naglalakad ako pabalik sa opisina namin ay biglang sumilip sa diwa ko si Sir Frank. Ang nakakaloko niyang ngiti at nang-aasar niyang mga banat.

   Pero mas okay kung ikaw magbigay sa kanya para magka-moment naman kayo.

   Napa-iling na lang ako.

   Thank you na rin po, Sir Frank.

***

   "Is Frank inside?" Isang magandang babae ang lumapit sa mesa ko at nagtanong. Sa ilang linggo kong pagta-trabaho dito sa OVPEA ay nasanay na akong iba-ibang babae ang dumadalaw kay Sir Frank - na hindi naka-schedule o walang appointment. Buti nga hindi sila nagkakasabay-sabay ng punta.

   "Upo ka muna, Ma'am." Itinuro ko iyong couch sa hindi kalayuan. "Ano po palang name niyo, itatawag ko lang po kay Sir sa loob."

   "Anna," nakangiting sagot niya. "Anna Garcia."

   "Okay. One moment po, Ms. Garcia." Nag-dial ako para tawagan si Sir Frank at ipaalam na may bisita siya. Buti pa itong isa na ito, maganda na, mabait pa. Hindi tulad noong una kong na-encounter na si Madeline na nasabihan pa akong "stupid".

   Pero hindi na bumalik ang babaeng iyon dito sa opisina kahit na kailan. Pagkatapos noon ay may ilang iba't ibang babae pa na pumunta dito kay Sir Frank.

   "Sir," sabi ko nang pick-up-in niya ang tawag ko. "May bisita po kayo, si Ms. Anna Garcia po."

   "Patuluyin mo na," sagot niya lang sabay baba ng phone.

   Sinamahan ko na si Ms. Garcia at ipinagbukas ng pinto. Tumingin sa amin si Sir Frank at bahagya akong tumango bago isinara ang pintuan.

   "May bagong flavor of the week, Mamsh," pabulong na sabi ni Kimverly pagkasarang-pagkasara ko ng pintuan.

  "Ssshh. Baka marinig tayo," saway ko sa kanya sa mahinang boses habang naglalakad ako pabalik sa lamesa ko.

   Sumabay siya sa akin. "Totoo naman. Parang nagpapalit lang ng brief kung magpalit ng babae 'yan si Sir."

   "Mga clients 'yon," sabi ko na lang sa kanya.

   "Sino niloko mo?" Tinawanan ako ni Kimverly. "Baklang 'to. Pahiram ng stapler."

   Iniabot ko sa kanya ang stapler ko. Alam ko naman na baka tama nga siya, pero alangan namang sa akin pa manggaling na mga jowa ni Sir iyon, o fling, o anupamang katawagan. Isa pa, hindi naman namin pinag-uusapan ni Sir Frank ang tungkol doon.

   Lumabas si Sir Frank mula sa opisina niya kasama si Ms. Garcia. Nahuli kong inaayos pa ng huli ang tirante ng suot niyang dress.

   "May meeting pa ba ako, Florence?" tanong ni Sir sa akin.

   "Me'ron po, Sir. 4:00 PM with Mr. Ryan Rivera po," sagot ko naman.

   Tumangu-tango siya. "Move mo sa ibang araw."

   "Sir, third time na po natin nai-move ito," paalala ko.

   "Move mo ulit," utos niya. "May kailangan lang kaming puntahan."

   Pinigil ko ang sarili ko na mag-buntong-hininga. "Okay po."

   Pagkatalikod niya kasama si Ms. Garcia, nalaglag ang mga balikat ko. Baka magalit na sa akin nang tuluyan iyong ka-meeting ni Sir. Last time na nag-re-sched ako, sinabihan niya na ako kung bakit daw ako nag-i-sched ng meeting sa araw at oras na may ibang meeting ang boss ko. Ang hindi niya alam, nata-timing kasi lagi na may bumibisitang chicks kay Sir Frank sa oras na kasabay ng nase-set kong meeting sa kanya.

   Hindi ko naman puwede sabihin siyempre iyong tungkol sa mga chikababes ni Sir Frank kaya ang idinadahilan ko, biglang nagkaroon ng staff meeting o nagka-emergency meeting. Nauubusan na ako ng puwedeng idahilan.

   Bakit ba naman kasi tuwing office hours pa ginagawa ni Sir itong pambababae niya?

   Pinakawalan ko ang buntong-hininga na pinigil ko kanina.

***

   "So, were you able to arrange our Siargao trip, Florence?" tanong sa akin ni Sir Frank nang ipakita ko sa kanya ang ginawa kong monthly report para sa opisina namin, na isa-submit naman sa presidente ng kumpanya.

   "Na-arrange ko na po, Sir. May round trip air ticket na po tayo, at nai-book ko na rin po iyong accommodation na napili niyo," pahayag ko. "May kausap na rin po ako sa Local Government Unit kung sakali po na kailangan nating makipag-meet sa kanila."

   "How about the property owner?" Tumingin siya sa akin.

   "Expected niya na pong darating tayo, Sir," sagot ko. "Nakausap ko po siya two weeks ago pa po at nag-remind din po ako sa kanya kahapon."

   "Good." Tumangu-tango siya. "Sila Maui ba, kasabay natin sa flight?"

   "Opo. Kausap ko si Ms. Elise, 'yong EA niya po," sabi ko. "Si Sir Maui lang daw po mag-isa ang bibiyahe kasama natin."

   Tumingin siya sa akin at ngumiti ng nakakaloko. "Kilig yarn?"

   "Hala ka, Sir." Hindi ko napigilang matawa. "Hindi naman po kasi..."

   Hindi ko na natapos ang sinasabi ko, natawa na talaga ako nang tuluyan. "Sorry, Sir..." At natawa na naman ako.

   "Kinilig ka talaga sa harap ko?" Nakangiti pero napapa-iling si Sir Frank.

   "Hindi po. Doon ako natawa sa pagkasabi niyo ng "kilig yarn"," paliwanag ko. "Sorry, Sir. 'Di ko po expected na manggaling sa inyo."

   "Okay lang, natatawa rin ako sa 'yo, eh." Nag-de-kuwatro siya ng mga binti sa pagkaka-upo niya.

   "'Nga po pala, Sir." Bigla akong may naalala. "Magse-set din po ba ako ng company vehicle na maghahatid at susundo sa inyo sa airport?"

   "Sa akin lang?" Nagsalubong ang kilay niya.

   "Eh... kasi po si Ms. Elise, nagpa-reserve na ng para kay Sir Maui," sabi ko sa kanya.

   "'Yaan mo 'yan si Maui," seryosong saad niya. "Ang ibig kong sabihin, ikaw."

   "Magco-commute po ako papuntang airport," wika ko.

   "Bakit pa?" Parang nagulat pa siya nang malaman iyon. "Sa akin ka na."

   "Sa inyo po?" Napatitig ako sa kanya.

   "Oo. Sa akin ka na sumabay." Nagkibit-balikat siya. "Dadaanan kita sa inyo. Saan ka ba nakatira?"

   "Huh?" Nabigla ako. "H-hindi na po Sir, nakakahiya."

   "Anong nakakahiya do'n? Magkasama naman talaga tayo sa pag-alis." Itinulak niya papunta sa direksiyon ko ang notepad at ballpen na nasa lamesa. "Write your address down."

   "Pero, Sir..."

   "I'm speaking to you as your superior," ma-awtoridad na sabi niya.

   Nahihiya man na boss ko pa ang susundo sa akin sa bahay, mukhang wala naman akong magagawa. Kinuha ko ang ballpen at notepad at isinulat doon kung saan ako eksaktong nakatira.

***

   "Florence, 'yan na yata iyong boss mo," sabi ni Mama na hinawi ng konting-konti ang kurtina para masilip ang labas ng bahay namin.

   Lumapit ako sa kanya at nakisilip din. Nakita kong pababa siya ng kotse niyang itim. For the first time ay nakita ko siyang hindi naka-coat and tie. Ang suot niya ay mustard yellow na sweatshirt at fatigue green na jeans. Nanibago ako.

   Sumandal siya sa kotse niya at saglit na luming-linga sa paligid. Buti na lang, maaga ako natapos magbihis at mag-ayos. Hinihintay ko na lang talaga siya.

   Maya-maya lang ay narinig ko ang pag-ring ng cellphone ko na nakapatong sa table, saktong nakita ko rin siya na nasa tenga niya na ang kanyang cellphone.

   Itinodo ko na lang ang bukas ng kurtina para kawayan siya at huwag na akong tawagan. Ibinaba niya ang cellphone niya at ngumiti sa akin. Hindi ko maintindihan, pero pakiramdam ko nagliwanag ang paligid nang makita ko ang ngiti niyang iyon.

   Napa-iling ako. Ano ba naman itong nangyayari sa akin?

   Umalis na ako sa pagkakatayo sa may bintana at binitbit na ang travelling bag na dala ko. Akala ko, hihintayin na lang niya ako sa kotse pero laking gulat ko nang pagbukas ko ng pinto ay naroon siya.

   "Sir! G-good morning po," pagbati ko.

   Tumango siya at ngumiti. "Ready?"

   "Ready na po, Sir," sagot ko. "'Nga pala po, Mama ko."

   Inakbayan ko papalapit si Mama sa akin.

   "Good morning, Mommy. Kasama po ako sa office ni Florence." Naunahan niya na akong magsalita, at ipinakilala niya na ang sarili niya, "Frank po."

   Hindi ako naka-imik. Una, dahil tinawag niya si Mama na "Mommy". Sasabihin ko pa lang kasi sana ang pangalan eh inunahan naman niya ako. Pangalawa, dahil tinawag niya ang sarili niyang kasama ko sa office, hindi "boss ni Florence" o "VP for External Affairs ng Ledesma Development Corporation".

   Ipinagbukas niya ako ng pinto sa backseat, at doon din din siya naupo, katabi ko. May kasama pala siyang driver. Bumati ako ng "magandang umaga" at magiliw na bumati siya sa akin pabalik.

   Tahimik lang kami habang bumibiyahe. Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana habang nakikinig ng music mula sa car stereo.

   You've got a little bit of sex in you

   That's all I wanna do

   You're all I wanna do

   Playing harmonies on your skin..

   Napalunok ako sa lyrics na iyon.

   "We'll be together for five days, Florence." Biglang nagsalita si Sir Frank. Nang tumingin ako sa gawi niya ay nakatingin din pala siya sa akin.

   "Oo nga po Sir, eh," sabi ko na lang.

   "Is this the first time you'll be away from home for that long?" tanong niya.

   "For that long." Ngumiti ako. "And that far po."

   "Talaga?" Napangiti din siya. "Ano na bang pinakamalayo mong napuntahan?"

   "La Union po," sagot ko. "Saka three days lang po 'yon."

   "With friends?" tanong niya ulit.

   "Opo," wika ko. "College friends po."

   "I see. Waves there are good for surfing," aniya. "Have you tried?"

   "Hindi po, eh. Natakot ako," pagtatapat ko. "'Di po ako marunong mag-swimming. Kabado na nga po ako kapag 'di abot ng paa ko 'yong ilalim ng tubig."

   "Really?" Tila ba hindi siya makapaniwala. "But, what's the cause? Nalunod ka na ba noon?"

   "Hindi naman po." Umiling ako. "'Di ko rin po ma-explain kung saan ito nanggagaling."

   "You don't know what you're missing out." Umiling siya. "It's wonderful down there."

   "Marunong po kayo?" ako naman ang nagtanong. "As in sumisisid po kayo?"

   Nahalata kong pinigilan niyang matawa sa tanong ko. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status