"Siguradong mas maraming magiging turista dito pagkatapos ng pandemic," saad ni Sir Frank habang nagsasalo kaming tatlo nila Sir Maui sa hapunan. Ayoko sana munang harapin si Sir Frank gawa ng naramdaman ko kanina na hindi ko maipaliwanag.
Pero wala akong magagawa dahil ako ang nakikipag-coordinate sa resort ng lahat ng bagay na kailangan namin katulad nitong pagsisilbi ng pagkain para sa dinner.
"If this plan will push through, then maybe we could start with the construction towards the latter part of next year." Seryoso si Sir Maui na tila ba iniisip ang mga magiging proseso sa pagpapagawa ng resort. "Then a soft opening on 2023. How's that?"
"That's also the target year I have in mind." Tumangu-tango si Sir Frank. "I think, by that time, travel restrictions are not so tight anymore."
Negosyo at trabaho pa rin ang pinag-uusapan ng mag-pinsang ito kahit nasa hapag-kainan. Bahala sila. Basta ako tahimik na lumalantak ng buttered seafoods. Iniiwasan kong mapatingin kay Sir Frank dahil baka maulit na naman iyong kanina na pagtingin ko sa kanya ay may something na hindi ko maipaliwanag.
"Florence, what are we going to do tomorrow?" Iniisip-isip ko pa lang na huwag ngang tumingin kay Sir Frank, bigla naman siyang nagtanong sa akin. "Aside from visiting Mr. Cabrera."
Nginuya ko muna iyong hipon sa loob ng bibig ko bago ako sumagot, "Ahmm.. nag-arrange po ako ng tour with the resort guide na kung puwede po tayong dalhin sa Magpupungko Tidal Pools, Maasin River at kung gusto niyo po, sa Tayangban Cave Pool."
"Cave pool?" ulit ni Sir Frank. "Interesting."
"May kasama pong konting spelunking iyon at may tubig po ang loob ng cave," paliwanag ko. "Kailangan pong daanan ang kuweba para marating po ang pool."
"Malalim 'yong tubig sa loob ng kuweba?" si Sir Maui naman ang nagtanong.
Tumango ako. "Pero may mga bato naman po na puwedeng apakan at mga lubid na puwedeng hawakan. Sabi po kanina ni Bradley."
"I see." Tumango siya. "There are a lot of fun things to do here, huh. Sana nag-try ka rin mag-surfing kanina."
Napangiti ako. Kinakausap na talaga ako ni Sir Maui - in a conversational tone. Hindi tulad noon na bihira na nga siyang magsalita ay stiff at cold pa siya.
Sana pagbalik naming lahat sa opisina ay ganito pa rin siya, hindi lang sa akin kundi sana ay sa lahat ng empleyado na. Tutal, sabi naman ni Kimverly ay magiliw si Sir Maui sa lahat noon.
"S-sa susunod po siguro, Sir," sabi ko na lang.
"Natakot ka ba, baka lunurin ka nito ni Frank?" biro ni Sir Maui na may kalakip na bahagyang pagtawa.
Napa-awang ang mga labi ko. First time kong narinig siyang nagsalita at tumawa ng ganoon. Ang guwapo niya lalo. Waring musika sa pandinig ko ang pagtawa niya, at nakamamatay ang dimples niya sa magkabilang-pisngi.
Sa pagmamahal?" biro rin ni Sir Frank na tumawa pa. Kahit anong iwas ko tuloy na mapatingin sa kanya ay hindi ko naiwasang mapalingon.
"Nasa bokabukaryo mo ba 'yan?" Nakita kong umiling si Sir Maui habang nangingiti.
"'Wag mo nang gatungan," sagot ni Sir Frank na tumatawa pa rin. "Sirang-sira na nga ang image ko diyan kay Florence."
Umiling ako. "H-hindi naman po."
Hindi ko rin alam kung ano pa bang dapat isagot sa sinabi niya. Paano bang sirang-sira? Dahil ba minsan, kahit handang-handa na ang presentation namin sa meetings ay may mga bigla siyang idadgdag o babaguhin? Tanggap ko naman iyon kahit medyo nakaka-ngarag. Una, siyempre, kagustuhan naman niya ang masusunod dahil siya ang boss. Pangalawa, alam ko namang para rin sa ikagaganda iyon ng mga presentation namin.
Dahil ba lagi siyang may corrections sa mga ginagawa kong drafts ng memos at iba pang written correspondences? Okay lang naman sa akin iyon. First time ko ring gawin ang mga ganoong bagay kaya expected ko na, and at the same time ay inaaral ko rin ang istilo niya sa pagsulat para sa mga susunod kong gawa ay minimal to no correction na.
Dahil ba alam kong nagyo-yosi siya at umiinom? Ayos lang, wala naman akong pakialam sa bagay na iyon. Empleyado lang ako. Hindi ako girlfriend o asawa para pagsabihan siya. Isa pa, kanino bang atay at baga ang masisira? Hindi naman sa akin.
Dahil ba iba't ibang babae ang pumupunta sa opisina niya? Wala naman akong magagawa kung palikero siya. Personal niyang buhay iyon. Single naman siya at puwede siyang makipag-relasyon o makipag-fling sa sinumang gusto niya.
Ewan ko dito kay Sir Frank.
***
Hindi ako makatulog.
Naninibago yata ako. First time ko kasing makatulog sa ganitong kalambot na kama at ganito ring kalaking kuwarto ng mag-isa lang ako. Bumangon ako. Nag-desisyon akong maglakad-lakad muna sa labas.
Alas-diyes na iyon ng gabi pero hindi naman nakakatakot ang ambiance ng resort. Napakaliwanag nga ng paligid kung tutuusin. Bukod sa mga lamp posts, ang ilan sa mga puno ay kinabitan din ng mga fairy lights. Nang mapadaan ako sa infinity pool ay may mangilan-ngilang nagna-night swimming, at ang mga ilaw mula roon ang siya ring nagbibigay liwanag sa dalampasigan.
Maaga pa kami bukas kay Mr. Cabrera. Bahala na. Sanay naman akong mapuyat.
"Hi." Isang lalaki ang nagsalita sa likod ko.
Lumingon ako, at nagkagulatan pa kami.
"Florence." Tila ba nahihiya na ngumiti siya. Ikaw pala 'yan."
"Bakit po?" tanong ko. "Akala niyo po ba ay ibang tao?"
"Sort of. Saka bakit ba kasi..." Napa-iling siya. "Bakit ka ba nakaputi sa gitna ng kadiliman?"
Napatingin ako sa suot kong bestida. Kulay puti iyon, may tatlong tier, at abot halos hanggang sakong ko ang haba. Sumsayaw ang laylayan niyon sa mabining pag-ihip ng hangin.
"N-napagkamalan niyo po akong white lady?" tanong ko na pinipigilang matawa.
Alanganing tumango siya. "Sorry."
"Eh, bakit nag-"hi" pa po kayo sa akin sa halip na kumaripas ng takbo?" Kumawala na ang pagtawang kanina ko pa pinipigilan.
Natawa na rin tuloy siya. "T-in-esting ko lang. 'Di naman kasi ako totally naniniwala sa multo. Eh 'di kung bigla kang lumutang diyan, saka ako tatakbo."
Nagkatinginan kami, at sabay na napahalakhak nang malakas. Palagay ko nga ay dinig na dinig ang mga boses hanggang sa may infinity pool dahil tahimik na ang gabi. Baka nabulabog na iyong mga nagsu-swimming doon.
"Saka lagi kasing naka..." Sumenyas siya sa pamamgitan ng paghawak ng kamay sa buhok niya. "Naka-tali ang buhok mo."
Nakalugay kasi ngayon ang buhok ko na hanggang bandang gitna ng likod, ka-level ng snap ng bra. Tuwid na tuwid pa naman iyon at itim na itim. Lagi lang kasi akong naka-pony tail kaya iyon ang nakasanayang makita ni Sir Frank.
"Why are you here, by the way?" pag-uusisa niya.
Sumagot ako, "Hindi po kasi ako makatulog. Kayo po?"
"Same reason." Nagkibit-balikat siya. "So, I decided to stroll around. Maganda 'tong place na ni-recommend mo."
"Thank you po." Kiming ngumiti ako. "Pero actually, kayo po talaga ang pumili nito out of all the choices na ipinakita ko sa inyo."
"Coffee?" tanong niya bigla.
"Po?" Iniimbitahan ba niya ako?
"I saw a coffee shop at this side, I guess." Tumuro siya sa kaliwa niya. "Alam kong coffee is life ka. Kaya 'wag mo na akong tanggihan, please?"
Halata yata sa mukha ko na balak kong tumanggi, nahihiya kasi ako. Pero sa nagsusumamo niyang mga mata, natagpuan ko ang sarili kong pumapayag na lang na sumama sa kanya. Siguro, ito ang sikreto ni Sir Frank sa mga kababaihan. May karisma siya na hindi matatanggihan.
***
"I just realized, hindi na nga tayo makatulog, nag-kape pa tayo." Natawa si Sir Frank. "Anong oras ba tayo bukas kay Mr. Cabrera?"
"Ang nasabi ko po sa kanya ay 9:00 A.M," tugon ko. "Kaya po 8:30 A.M. ay bibiyahe na tayo, Sir. Kasi po thirty minutes ang layo nitong resort mula sa lugar niya."
"Okay. I might not wake up from my alarm. Ang aga pala." Napa-iling siya.
"Kung gusto niyo po Sir, i-adjust ko na lang po 'yong time." Nagbigay ako ng suhestiyon. "Puwede ko naman po siyang tawagan bukas ng umaga."
"No need. Just give me a ring at around 7:00 AM." Ngumiti siya. "Just to make sure that I'll wake up on time."
"Okay po." Tumango ako.
"Makakatulog ka pa ba niyan?" tanong niya sa akin.
"Ah, opo. 'Di naman po masyadong matapang 'to." Itinuro ko ang cup ng mocha frapuccino sa harap ko. "Kaya po ako 'di makatulog, namamahay po yata kasi ako."
Humigop siya ng kape mula sa cup niya. "Mukhang sanay na sanay ka sa kape."
"Eh, opo. Siguro po dahil ito ang kasangga ko no'ng nag-aaral ako," sagot ko. "Nagta-trabaho din po kasi ako noon. Kaya kailangan ng pampagising."
"Really?" Tumangu-tango siya. "So you're working and studying simultaneously?"
Tumango din ako. "Opo."
"What was your work then?" tanong niya.
"Maid po." Ngumiti ako.
"Maid?" ulit niya. "As in housemaid?"
"Opo." Nagkuwento ako, "Saka minsan, may iba pa po akong mga sideline na tinatanggap din."
"Wow. Paano mo nagagawa 'yon?" Nakita ko sa mukha niya ang pagka-mangha. "Your time management is incredible."
"Kailangan po, Sir," wika ko. "Para makapagpatuloy sa pag-aaral."
"Ano naman 'yong iba mong sideline? I suppose legal naman."
Natawa ako. "Oo naman po. Minsan, namimigay po ng flyers, nagbebenta ng kung anu-ano sa school, gano'n po. Nag-car show pa nga po ako isang beses. Ang tawag po nila, brand ambassadress. Sobrang asiwa ko noon, Sir."
"Bakit?" natatawa niyang tanong.
"Pinagsuot po kasi ako ng sobrang igsi at hapit na damit noon, tapos pagkataas-taas na heels," pahayag ko. "Hindi naman po kasi ako sanay sa gano'n. Kaso, 'di naman po puwedeng mag-back-out. Nandoon na po, eh."
Tumangu-tango siya. Mukhang nag-eenjoy naman siyang makinig, parang hindi naman siya naiinip.
Napadaldal din ako. Epekto yata ng kape. First time ko ito na makapag-open ng ganito kay Sir. Usually kasi, isang tanong at isang sagot lang ang usapan namin. Kahit ba palabiro naman siya, gusto ko kasing ma-maintain iyong professionalism sa pagitan naming dalawa.
Nagpatuloy ako sa pagsasalita, "Pero may naging participant po kami no'n sa pa-games namin Sir, lalaki siya, na hindi ko makakalimutan 'yong sinabi sa 'kin."
"Why?" tanong niya. "What did he tell you?"
"Ang sabi niya po, maghanap ako ng mas magandang trabaho, so guys won't be trolling around me. Parang ganoon pa nga po 'yong pagkasabi niya," salaysay ko. "Siguro nahalata niya na hindi ako masyadong komportable sa ginagawa ko. Somehow, na-inspire po ako no'n to always look for better opportunities in life."
Nakita kong unti-unting sumilay ang isang ngiti sa mga labi niya. Dumalaw ulit sa puso ko iyong pakiramdam kanina sa boardwalk na hindi ko maipaliwanag.
"Hindi mo naman na ako tinawagan." Tumitig siya sa akin. "Hanggang ngayon tuloy hindi ako nagpapalit ng number."
"Po?" Kumunot ang noo ko. Hindi ko na-gets.
"Remember, I told you that in replacement of the leather jacket as my prize, you have to date me." Kumindat siya. "But you never called."
"Hala," gulat na bulalas ko. "P-paano niyo po nalaman 'yan?"
"Ibinalik mo pa nga sa akin 'yong cellphone ko na naiwan ko sa booth niyo." Tumawa siya nang bahagya.
"K-kayo po 'yon, Sir?" Namilog ang mga mata ko.
Tumango siya. "Yup, baby girl."
"Nag-iwan pa nga ako sa 'yo ng calling card no'n," nakangiting sabi niya. "Tama, 'di ba?" "Ikaw nga po, Sir!" Hindi ako makapaniwala. Hindi ko akalain na makikita ko ulit ang lalaking iyon sa car show noon - at boss ko pa ngayon. Natawa siya sa pagkabigla ko. "But of course, I couldn't call you "baby girl" anymore. That would be inappropriate." "Eh...opo," sabi kong napa-iwas ng tingin. Nakaramdam ako ng hiya ng banggitin niya ulit ang endearment na iyon. "Mukha ka lang kasi talagang menor de edad no'n. Parang baby girl nga." Ngumisi siya. "Though, up until now you don't look like your age." "Salamat po." Bahagya akong tumango. Maka-ilang beses niya nang sinabi sa akin iyon, na hindi nga ako mukhang twenty-six. "But actually, hindi na kita namumukhaan," pagtatapat niya. "But when you brought it up, it rang a bell and I suddenly remembered that particular day." "Okay lang po. Hindi ko na rin po natatandaan 'yong hitsura niyo." Ngumiti ako. "Pero 'yong sinabi niyo po
Nagsabay pa silang magtanong sa akin. English nga lang iyong kay Sir Maui, at tagalog si Sir Frank. "Ah...naglakad-lakad lang po diyan sa labas. Sorry po." Bahagya akong yumukod. "It's okay kahit 'di ka nagyayaya." Tumawa si Sir Frank. Akala ko pa naman, galit siya dahil umalis ako nang walang paalam. "Take your seat." Magiliw na inilahad pa ni Sir Maui ang kamay niya patungo sa bakanteng upuan sa tapat nila. "Thank you po." Naupo na ako at nginitian silang dalawa. "Good morning po." "Good morning." Si Sir Maui ang sumagot sa akin. Tinanguan lang ako ni Sir Frank pero nakangiti naman siya. Saglit na yumuko ako at pumikit para magdasal bago kumain. Pagdilat ko ay nakapikit din sila at nakayuko. Si Sir Maui nga magkasiklop pa ang mga kamay. Nag-sign-of-the-cross pa si Sir Maui pagkatapos niya, si Sir Frank ay hindi na. "Kain na po," masayang anyaya ko sa kanila. "Sa susunod, Florence, sabihan mo naman kami," pabirong sabi ni Sir Frank. "Pakuha na ako ng omelett
Nakaramdam ako ng lungkot nang sabihin ni Sir Frank iyon. Mukhang galit nga talaga siya sa akin dahil sa ginawa ko. "You're not going anywhere," ulit niya at unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi niya, "without me." Bigla rin tuloy akong napangiti. Pakiramdam ko nakahinga ako nang maluwag nang makita ko na hindi naman siya galit. "Ano, kayo lang?" sabi pa niya. "Wala naman kaming sinabi na kami lang,"si Sir Maui ang sumagot na bahagya pang natatawa. "Unless you'll allow her to go out alone with me." "Eh 'wag ako ang tanungin mo." Tumingin nang makahulugan sa akin si Sir Frank. "Ah, sa tidal pool po tayo." Naisipan ko nang magsalita. Kinabahan ako baka may masabi pang iba itong si Sir Frank. "Ngayon na po ba? Sasabihan ko na po si Bradley." "After lunch, perhaps." Nagkibit-balikat si Si Sir Frank. "Sige po. Kausapin ko lang po si Bradley." Nagpaalam ako sa kanila bago ako tumalikod.*** Buong maghapon ang ginugol namin sa paglilibot mula sa Magpupungko Tid
"I mean, take this calligraphy lyrics of Here In My Heart." "Okay po." Muli, mukhang hindi rin naman siya papayag na tanggihan ko kaya kinuha ko na. "Thank you so much po, Sir." "Wala 'yon." Humawak siya sa handle ng pinto. Bubuksan niya na sana kaso nagtanong ako kaya huminto siya at tumingin sa akin. "Sino po bang kumanta nito?" tanong ko sa kanya. "Mayonnaise," sagot niya. "Band po 'yon?" tanong ko na naman." "Yup. They're an OPM band." Sa pagkakataong iyon ay binuksan niya na talaga ang pinto ng suite. Aminado akong hindi ako masyadong pamilyar sa Original Pilipino Music o OPM nga. Madalas kasi ay K-Pop ang pinakikinggan ko lalung-lalo na ang BTS. Certified ARMY ako. "Search ko po 'yan," sabi ko. Na-curious din ako doon sa kanta. Pinauna niya akong makapasok sa suite habang hawak niya ang pinto para hindi iyon sumara. "Sir, tawagin ko po kayo kapag ready na po 'yung dinner. I-coordinate ko lang po sa staff." Tiningala ko siya para tignan kasi nasa pang
Bigla akong napa-bunghalit ng tawa. "'Tay naman. Imposible po 'yang sinasabi niyo," natatawa pa rin ako nang sabihin iyon. "Alam niyo po ba, ang mga dine-date no'n, mga model, minsan mga beauty queen, mga artista. Minsan nga, ako pa po ang nag-aayos ng reservation sa mga date niya." "Ngayon lang 'yan, nagpapakasawa sa pagka-binata, eh," sabi niya sa akin. "Mayaman pa, tapos magandang lalaki. Kahit akong nasa kalagayan niyan eh ide-date ko lahat ng babaeng gusto ko." "Pero, alam mo, anak, ang isang tao, gaano man karami ang magagara niyang sapatos, tsinelas pa rin ang hahanapin niyan pag-uwi ng bahay," makahulugan pa niyang sabi. Hindi ko malaman ang isasagot doon. Napangiti na lang ako. Matapos ay nag-bukas ako ng bagong pag-uusapan. Tungkol kay tatay at sa pamilya niya ang mga itinatanong ko. Hindi namin namalayan na ang layo na pala ng narating namin sa paglalakad-lakad sa tabing-dagat. Niyaya na ako ni Tatay Gabriel maglakad pabalik sa kanyang bahay habang nagku-kuwen
Pagkakain ng tanghalian, dahil na-cancel nga iyong island-hopping namin ay wala nang gagawin ngayong maghapon. Nang mahagip ng tingin ko ang mga watercolor pen brushes na ibinigay sa akin ni Sir Frank, biglang may ideya na pumasok sa isip ko. Hinila ko ang isang drawer sa bedside kung saan may nakita akong mga notepad noong nag-check ako noong isang araw. "May nakita akong bond paper dito noon, eh," sabi ko sa sarili ko. Sinubukan kong hilahin ang kasunod na drawer. "Ito!" Natuwa ako nang makita ko ang hinahanap ko. Mga papel iyon na mas makapal sa bond paper pero may logo ng resort. Iilang piraso lang pala iyon. Ang ginawa ko, pinunit ko 'yung mga gilid para kunwari design, para matanggal ko rin 'yung logo ng La Luna. Lumabas ako sa balkonahe bitbit iyong mga watercolor pen at papel. Naupo sa couch na naroon at hinila ang coffee table palapit sa akin. Sinimulan kong iguhit gamit ang watercolor brush pen ang bahay ni Tatay Gabriel sa dalampasigan. Balak kong ibigay ito s
"Ang una po nating pupuntahan ay ang Sohoton Cove." Habang nagsisimulang lumayag ang bangkang de motor, nagpapaliwanag sa amin si Bradley sa mga destinasyon namin sa island hopping ngayong araw na ito. Kami-kami lang din ang sakay ng bangka, kaming tatlo nila Sir Maui at Sir Frank, dalawang staff ng resort at dalawang crew na siyang nagpapatakbo ng bangka. "Pagdating po natin doon, magta-transfer po tayo ng bangka para maikot niyo po 'yong jellyfish sanctuary. Mas maliit na bangka po kasi ang puwede lang pumasok doon," pagbabahagi pa ni Bradley. Habang nasa biyahe ay nagkukuwentuhan lang ang lahat. Kaso napansin ko na medyo tahimik si Sir Frank. Nang humupa na ang usapan at naging abala na sa kanya-kanyang pagsa-sight-seeing at iba pang mga bagay ang mga sakay ng bangka, naisipan kong tanungin si Sir Frank. "Sir, okay lang po ba kayo?" "Uhh...yeah. Just a little bit of hangover I guess." Bahagya siyang ngumiti para ipakitang ayos lang siya. "Naalala ko tuloy 'yong kape m
Kinabukasan, pagbalik namin sa tahanan ni Tatay Gabriel ay naghanda siya ng konting salu-salo para sa amin. Inaasahan niya na ang pagdating namin ngayong araw dahil tinawagan ko na siya kahapon. "Kailan ba ang balik niyo ng Maynila?" tanong ni Tatay Gabriel. "Bukas na po," sagot ko. Napuno ang salu-salong iyon ng mga kuwento ni Tatay Gabriel. Ang iba roon ay naikuwento niya na rin sa akin noong naglakad-lakad kami sa dalampasigan. Mukha namang interesado ring makinig ang mga kasama ko. Matapos kumain ay inilibot kami ni Tatay Gabriel sa lugar. Nang magpaalam kami kay Tatay Gabriel ay saka ko iniabot sa kanya ang ginawa kong watercolor art. "Sana po ay magustuhan niyo." "O, itong bahay ito, ah!" bulalas niya. "Opo. Para may alaala pa rin po kayo nitong bahay niyo, at ng orihinal na anyo ng lugar na ito." Ngumiti ako. "Dalhin niyo po