Share

CHAPTER TWENTY-ONE

   Kinabukasan, pagbalik namin sa tahanan ni Tatay Gabriel ay naghanda siya ng konting salu-salo para sa amin. Inaasahan niya na ang pagdating namin ngayong araw dahil tinawagan ko na siya kahapon.

   "Kailan ba ang balik niyo ng Maynila?" tanong ni Tatay Gabriel.

   "Bukas na po," sagot ko.

   Napuno ang salu-salong iyon ng mga kuwento ni Tatay Gabriel. Ang iba roon ay naikuwento niya na rin sa akin noong naglakad-lakad kami sa dalampasigan. Mukha namang interesado ring makinig ang mga kasama ko.

   Matapos kumain ay inilibot kami ni Tatay Gabriel sa lugar.

   Nang magpaalam kami kay Tatay Gabriel ay saka ko iniabot sa kanya ang ginawa kong watercolor art. "Sana po ay magustuhan niyo."

   "O, itong bahay ito, ah!" bulalas niya.

   "Opo. Para may alaala pa rin po kayo nitong bahay niyo, at ng orihinal na anyo ng lugar na ito." Ngumiti ako. "Dalhin niyo po

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status