Share

CHAPTER TWENTY-FOUR

"Floring, halika nga rito." Sumenyas si Ate Aira sa akin na lumapit sa kanila kahit naglalakad naman na ako patungo sa grupo nila. Nakita kong tumayo si Gino para kumuha ng bakanteng upuan sa ibang table at inilipat sa lamesa nila.

Dito ako magla-lunch ngayon sa pantry ng Accounting Department dahil may meeting si Sir Frank sa labas ng LDC. Hindi naman na niya ni-require na sumama ako. Iyong mga kasamahan ko sa OVPEA, as usual, sa labas ulit sila kumain.

Nang makalapit ako sa kanila ay nagpasalamat ako kay Gino at doon na rin naupo.

"O, ba't parang mga excited kayo diyan?" Pinuna ko sila. Nakangiti kasi silang lahat at parang may chismis na gustong i-spill sa akin.

O alam na rin nila?

"Alam mo ba, dumaan dito si..." Saglit na huminto sa pagsasalita si Cheska at luminga-linga muna sa paligid, wari bang tinitiyak kung may makaririnig sa kanya. Tapos ay saka bumaling ulit sa amin at nagsalita sa mas mahinang boses. "...si Sir Maui. No'ng Lunes. May pasalubong sa lahat,
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status