Share

CHAPTER THIRTY-TWO

"Anak, 'yan na yata 'yong boss mo."

Isang itim na BMW ang pumarada sa labas ng bahay namin. Kotse nga iyon ni Sir Frank. Kabisado ko na rin dahil kapag maraming dokumento ang kailangan niyang iuwi sa bahay ay tinutulungan ko siyang magbitbit ng mga iyon hanggang sa parking lot. Minsan, ang gamit naman niya ay iyong Ferrari niyang kulay pula.

Napalunok ako nang bumaba siya mula sa sasakyan sabay hubad ng suot na shades. Naka-ternong coat and slacks siya na kulay kalawang, puting collared polo sa ilalim ng coat at off-white naman iyong tie.

Edgy talaga manamit si Sir Frank. Iyon bang mismatch ang mga kulay pero kapag siya na ang may suot, tila bumabagay na sa bawat isa. Mahilig rin siya sa mga kulay na kakaiba maliban kapag nasa opisina kami na ang lagi namang suot ng mga boss ay itim na coat at slacks.

Si Mama ang nagbukas ng pinto nang kumatok si Sir.

"Magandang hapon, Mommy. Nandito po ulit ako. Huli po tayong nagkita noong galing po kaming Siargao nito ni Florence,
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status