Share

CHAPTER THIRTY-FOUR

Diyos ko po! Ang puso ko! Kung hindi lang nakapatong sa balikat ni Maui ang kamay ko, baka napahawak na ako sa dibdib ko.

"Hindi ko alam kung totoo 'yan. P-pero salamat." Bahagya akong tumango.

Tumawa siya. "It's true. You will always stand out for me. I could find you in a sea of people, and your smile will surely light my way."

Nahigit ko ang paghinga ko. Totoo ba talaga 'to? Diyos ko po, parang panaginip.

Marami pa kaming napag-usapan ni Maui. Naka-ilang palit na ng tugtog ngunit hindi pa kami umaalis sa kinaroroonan namin. Parang ayoko na itong matapos kahit medyo masakit na ang paa ko sa suot kong sapatos.

"Come, you must be tired already," aniya. "Medyo matagal na rin tayong nakatayo."

Tumango ako. Inalalayan niya ako habang naglalakad upang hindi makabangga ng ibang mga pares na sumasayaw.

"I'll introduce you to my family," masayang sabi niya na tila ba excited sa ideyang iyon.

Kinabahan ako. "H-ha?"

"They actually know about you already 'cause I t
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status