Share

CHAPTER FORTY-TWO

Sa bahay nila Sir Frank sa Tagaytay kami nakarating ni Maui. Hindi ko alam ang tungkol sa lugar na ito, salamat na lang at nakarating na rin pala si Maui rito ng ilang beses. Nakutuban ko lang na dito dadalhin ni Sir ang mga labiˊ ng kanyang ina at hindi doon sa penthouse niya dahil ito naman ang talagang tahanan nila. Hindi na rin kasi ma-contact si Sir Frank sa kanyang Messenger at sa mismong numero niya. Marahil ay nais muna nitong mapag-isa sa kanyang pagluluksa sa pagkamatay ni Ma'am Connie.

Hindi naman kami nagkamali dahil naroon nga si Sir Frank. Malugod naman niya kaming tinanggap bagamat kahit napangiti siya nang makita kaming dalawa ni Maui, bakas sa kanyang mukha ang bigat na dinadala.

Kahit naparito kami para makiramay, hindi ko maiwasang mamangha sa gara ng bahay nila Sir Frank. Sobrang laki nito para sa kanilang dalawa ng mom niya, at mas lalo ngayon na mag-isa na lamang siya. Nakalulungkot isipin ang bagay na iyon. Pagpasok sa dual front door na palagay ko ay gaw
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status