Nakatulog at nagising na lang ako ay nasa biyahe pa rin kami ni Maui. Kinusot ko ang mga mata ko at pinagmasdan ang kanyang mukha, habang siya ay seryosong nakatutok sa daan. Napaka-kinis, tinalo pa ako, seryoso. Ni hindi makita ang pores at walang bakas na tinubuan ng taghiyawat o anuman sa mukha. Dahil naka-side view siya mula sa puwesto ko, kitang-kita ko ang perpektong hugis ng kanyang matangos na ilong. "They say it's rude to stare. But if it's you, then go ahead and stare at me all day." Nagulat pa ako nang magsalita siya. Alam pala niyang pinagmamasdan ko siya. "Huli pero 'di kulong," biro ko na lang. Natawa siya. "I always hear that from the younger ones in the office." "Maka-younger ones parang ang tanda na nito." Natawa rin tuloy ako. Ngunit sumeryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha. "But I hope you could still laugh if I tell you that were lost." "Lost?" Napatuwid ako ng upo. "Yup. Were supposed to be Urdaneta now but GPS here says Malasiqui.
"In all fairness, the food here is good," walang anu-ano'y nag-komento siya. "Tama ka nga." "Sabi sa 'yo, eh." Nag-thumbs up ako. Bagnet with garlic rice ang kanya at tapa flakes with garlic rice naman ang sa akin. "You know what, I've been a lot of places overseas, but I've never got the chance to explore our very own," pagbubukas niya ng panibagong usapan. "Siargao is surreal, and this place seems to have hidden treasures too. Ilocos for sure is a good destination also." "Oo. No'ng nagpunta kami dito ng mga kaibigan ko, do'n sa Luna, dito pa rin sa La Union, may falls do'n. Saka 'yong beach naman do'n, hindi katulad dito na sand, doon puro pebbles. Sa sobrang dami ng pebbles may Bahay na Bato na nga do'n," kuwento ko. "As in majority sa materyales ng bahay na 'yon, gawa sa bato. Tapos sa labas ng bahay may mga structures at statues na gawa din sa bato." "If only we have more time to explore this place." Napa-iling siya. "You seem to have enjoyed your stay here before.
"Hala ka, Sir," iyon lang ang tangi kong nasabi. Bumalik ang kaba na naramdaman ko nang makita ko siya sa lunch kanina. Hindi ko kayang pangalanan kung ano ito, o bakit ganito ang nararamdaman ko. "It's true. I missed working with you," aniya. Nakahinga ako nang maluwag. Working lang naman pala. Ngumiti ako. "Kahit naman ako, Sir. Medyo istrikto po 'yong boss ko ngayon do'n sa Bermudez." Natawa siya. "Am I not strict way back?" "Uhmm...strict din naman. Pero kasi po, 'yong pagka-istrikto niyo in terms of work lang, pero siya istrikto talaga hanggang sa ibang bagay. Hindi mabiro, tapos poker face lang po lagi." Pumasok tuloy sa isip ko ang mukha ni Ms. Vicky. "Lalaki ba?" tanong niya. "Babae, Sir. Mga nasa 40's na din po siguro ang edad, 'di ko po sure. Never po kami nag-usap ng tungkol sa mga personal na bagay," tugon ko. "That's chicken feed, Florence." Tumaas ang isang sulok ng labi niya. "Si Maui nga napa-amo mo." Sasagot sana ako ngunit dumating na ang mg
Inabot na rin ng gabi ang reception na ginanap sa acoustic bar na nasa tabing-dagat, na sakop din ng resort, ngunit hanggang sa labas ay naglagay din ng mga mesa at upuan. Ang malapad na platform na gawa sa kahoy ay nabububungan ng telang puti na sumasayaw sa ihip ng hangin. Ang mga poste naman ay gawa sa punongkahoy na napalilibutan ng mga puting orchids at daisies, at mga luntiang dahon. Sa gitna ng platform ay naka-set up ang high chair ng mga bagong kasal na si Kathryn at Gino. Bukod sa liwanag ng buwan at mga bituin, may mga lantern din na nakapalibot sa platform upang makapagbigay ng dagdag na liwanag, at romantic vibes. Ang platform na iyon ay naka-set-up sa labas ng bar, ngunit ang mga bisita na mas piniling manatili sa loob ay makikita pa rin ang mga bagong kasal. Ang harapang bahagi kasi ng acoustic bar ay bukas at tanging barandilya ang nagsisilbing harang mula sa labas. Sa kanang gilid ng platform ay naroon ang host na si Louie at Kimverly, habang naka-set-u
Napalingon ako kay Sir Frank nang hawakan niya ako sa braso habang patuloy kami sa paglalakad. "You got nice..." sinadya niyang bitinin ang sinasabi niya at bumaba ang tingin niya sa suot ko. Pagtingin niyang muli sa mukha ko ay isang pilyong ngiti ang nakapagkit sa mga labi niya. "Dress?" Kumunot ang noo ko, hindi ko gets. Tumawa siya imbis na sagutin ang tanong ko. "That garter seems to fit your leg perfectly." Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako. Nagsalita siya sa mahinang boses, "Dapat nga labi ang ginagamit do'n." "H-ha? Labi?" ulit ko pa. Tumango siya. "Yup. I could have placed the garter between my lips or my teeth then wore it on your leg that way." "Ano po?" Nagulat ako. "Totoo ba 'yan?" "Oo, kahit itanong mo pa sa iba." Tumaas-baba ang mga kilay niya habang isang nakaguhit ang isang mapanuksong ngiti sa kanyang mga labi. "Kaso kung ginawa ko 'yon baka 'di mo kayanin." Napa-iling na lang ako at nagpatuloy na sa paglakad. "Puro
Walang iniwan sa "Project F"! Lahat pareho mula sa kabuuang disenyo, konsepto, mga materyales na maaaring gamitin sa pagtatayo nito, mga napapaloob na pasilidad at iba pang amenities. Alam ko iyon, dahil kasama ako ni Sir Frank noon sa mga meeting noong kino-conceptualize na ang resort matapos aprubahan ng Board Members ng LDC ang konstruksiyon nito. Anong nangyari? Imposible namang katulad na katulad mag-isip ng team ng "Project F" ang team ng "Project Emerald". Naipilig ko ang ulo ko. "Okay ka lang, Ma'am Florence?" Napansin pala ako ng katabi ko sa upuang si Yulia. Dahan-dahan ko siyang nilingon. "Y-yulia, sinong...sinong Project Manager niyang Emerald?" "Po? 'Yon po, si Mr. Timothy Mariano," sagot niya sa mahinang boses upang hindi makapukaw ng atensiyon ang usapan namin. Pasimpleng itinuro niya ang direksyon ng kinauupuan ng lalaki. "Bakit po?" "W-wala naman." Umiling ako at muling ibinaling ang tingin sa screen. Walang dalawang tao na makakapag-isip ng
"It's already all over social media." Humugot ng malalim na paghinga si Maui. "Of all people, it didn't even cross my mind, not even once, that you will do this to us." "Hindi talaga ako, maniwala ka sa 'kin," paki-usap ko. "Mismong ako ay nagulat kung paanong napunta ang design sa Bermudez." "If it's not you, then who?" Nagsalubong ang mga kilay niya. "H-hindi ko alam. Wala...wala akong idea. Hindi ko pa n-nakausap 'yong...'yong manager ng project na 'yon. Hindi ko talaga alam, Maui. Hindi ko alam kung...kung anong nangyari." Nagkandautal-utal ako sa pagsasalita dulot ng takot sa galit na ekspresyon ni Maui, at sa kaalamang tila hindi siya naniniwala na wala akong kinalaman sa nangyari. "I don't think I could trust you now," matigas na sabi niya. "Pero ang sabi mo sa 'kin, may tiwala ka sa 'kin," halos hindi lumabas sa bibig ko ang mga salita gawa ng pagtitimpi ko na mapaluha. "Na kahit anong gawin ko, hindi ka nangangamba dahil may tiwala ka." "But that was before."
"A-anong ibig mong sabihin?" Pinigilan ko ang pag-iyak ko dahil nasa opisina pa ako noon at nakaupo sa harap ng aking desktop computer. "Maui, teka, 'wag naman...'wag naman ganyan." "I thought it's already clear to you that on that day you walked away from me, were over," matigas na sabi niya. "Hindi, hindi." Umiling ako nang umiling kahit hindi niya ako nakikita. "Hindi gano'n. N-nabigla lang ako no'n. Please 'wag mo naman gawin 'to. Patutunayan ko sa 'yo na hindi ako traydor at bayaran na tulad ng iniisip mo. Maui, gagawin ko ang lahat, 'wag ka lang mawala sa 'kin. Maniwala ka lang sa 'kin." "I can't be with someone I couldn't trust." Pinal na ang tono ng pananalita niya. "I'm so disappointed with you. All of us are." "P-pero wala akong kinalaman sa nangyaring leakage," patuloy akong nagmakaawa sa kanya. "Maui, please maniwala ka naman sa akin. Ikaw na lang ang inaasahan kong maniniwala sa akin. Ikaw na lang..." "I just can't. Because no matter how I try to analy