Share

CHAPTER FORTY-NINE

Nakatulog at nagising na lang ako ay nasa biyahe pa rin kami ni Maui. Kinusot ko ang mga mata ko at pinagmasdan ang kanyang mukha, habang siya ay seryosong nakatutok sa daan.

Napaka-kinis, tinalo pa ako, seryoso. Ni hindi makita ang pores at walang bakas na tinubuan ng taghiyawat o anuman sa mukha. Dahil naka-side view siya mula sa puwesto ko, kitang-kita ko ang perpektong hugis ng kanyang matangos na ilong.

"They say it's rude to stare. But if it's you, then go ahead and stare at me all day."

Nagulat pa ako nang magsalita siya. Alam pala niyang pinagmamasdan ko siya.

"Huli pero 'di kulong," biro ko na lang.

Natawa siya. "I always hear that from the younger ones in the office."

"Maka-younger ones parang ang tanda na nito." Natawa rin tuloy ako.

Ngunit sumeryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha. "But I hope you could still laugh if I tell you that were lost."

"Lost?" Napatuwid ako ng upo.

"Yup. Were supposed to be Urdaneta now but GPS here says Malasiqui.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status