Share

CHAPTER FORTY-ONE

Pag-uwi sa bahay ay tila nakalutang pa rin ako sa alapaap. Totoo na ito. May boyfriend na ako. Diyos ko po. Hindi na ako NBSB. At ang pinaka-masayang bahagi ay ang unang naging kasintahan ko ay ang lalaking hinahangaan ko ng matagal nang panahon.

Pakiramdam ko ay nakangiti ako nang makatulog at tila ba nanaginip pa ako ng kasalan. Susmaryosep! Hindi ko lang sigurado kung ako ba iyong ikinakasal sa panaginip ko, basta lahat ay kulay pink mula suot ng mga babaeng nasa simbahan, mga disenyong bulaklak, at iba pang detalye. Hindi ko nga lang nakita ang sarili ko.

Nagising lang ako sa tunog ng nagri-ring kong cellphone. Dinampot ko iyon at nang tignan ay si Maui. Video call!

Hala. Teka. Wala pa akong kaayos-ayos. Bumalikwas ako ng bangon. Mamaya ko na lang kaya sagutin? Maghihilamos lang ako, magsusuklay, magpupulbo..

Natapos ang pagri-ring. Natatarantang tumakbo ako sa CR at naghilamos ng mukha. Narinig kong muli ang pagri-ring ng cellphone. Mabilis kong pinunasan ang mukha
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status