Share

CHAPTER FORTY-THREE

"Sir, sigurado po ba kayong dito? Parang party po ito, ah," sabi ko kay Sir Frank. Noong makarating kasi kami sa floor kung saan namin imi-meet iyong sinasabi niyang kaibigan na may proposal, sinalubong kami ng malakas na sound system at kadiliman na ang tanging nagsisilbing liwanag ay ang mga strobe lights na may iba't ibang kulay.

"Frank's here, guys!" Isang lalaki ang nagsalita nang makita kami.

Lumapit sa direksyon namin ang mga taong naroon. Mabilis kong binilang sa utak ko ang mga tao doon, nasa pitong lalaki kasama iyong nagsalita kanina, at sampung babae. Pamilyar ang mga mukha. Kung hindi ako nagkakamali ay mga model at beauty queen ang ilan sa kanila.

Bahagya akong napahakbang paatras nang halos dumugin nila si Sir Frank. Halatang excited sila na makita ito. Dalawa sa mga babae na naka-suot ng bodysuit with leopard prints at black boots ang umangkla agad sa magkabilang braso ni Sir.

"We missed you, bro!"

"Long time!"

"By the way, we heard what happened
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status