Share

CHAPTER FORTY-SIX

"Posible bang magkagusto ka sa ibang lalaki kahit may boyfriend ka na at mahal mo naman?"

Sabay-sabay na tumingin sa akin ang mga kaibigan kong sila Luna, Ellie, Chanel, at Patti. Nasa unit kami ni Ellie isang Sabado ng umaga dahil may guesting siya kahapon sa isang TV show kaya narito siya sa Maynila. Doon na kasi siya talaga nakatira sa San Nicolas kung saan ay Mayor doon ang kanyang naging asawa. Itinampok sa TV show na iyon ang ilang maybahay ng mga pulitiko na tulad ni Ellie. Sinamantala na naming magkakaibigan na narito siya dahil bihira na rin kaming makumpleto.

"Pucha, Floring, mukhang may pinagdadaanan tayo, ah." Pumalatak pa si Luna. "Patti, bili ka ngang Red Horse."

"Lapag. Bente na sa 'kin." Pabagsak pang inilagay ni Patti sa mesa ang bente pesos na papel.

"Sa'n makakarating 'yan?" Tawa nang tawa si Ellie. "Kulang pa 'yang pambili ng tube ice sa Mini Stop sa ibaba."

"Hoy, hindi porket jusawa ka na ng yorme eh mamaliitin mo na 'tong etneb ko!" Tumuro pa si
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status