Diyos ko po! Ang puso ko! Kung hindi lang nakapatong sa balikat ni Maui ang kamay ko, baka napahawak na ako sa dibdib ko. "Hindi ko alam kung totoo 'yan. P-pero salamat." Bahagya akong tumango. Tumawa siya. "It's true. You will always stand out for me. I could find you in a sea of people, and your smile will surely light my way." Nahigit ko ang paghinga ko. Totoo ba talaga 'to? Diyos ko po, parang panaginip. Marami pa kaming napag-usapan ni Maui. Naka-ilang palit na ng tugtog ngunit hindi pa kami umaalis sa kinaroroonan namin. Parang ayoko na itong matapos kahit medyo masakit na ang paa ko sa suot kong sapatos. "Come, you must be tired already," aniya. "Medyo matagal na rin tayong nakatayo." Tumango ako. Inalalayan niya ako habang naglalakad upang hindi makabangga ng ibang mga pares na sumasayaw. "I'll introduce you to my family," masayang sabi niya na tila ba excited sa ideyang iyon. Kinabahan ako. "H-ha?" "They actually know about you already 'cause I t
"Mama, ngayon ka na po pupunta kay Tita Tasing?" tanong ko nang makitang bihis na siya samantalang napaka-aga pa. Alas-otso lang ng umaga. "Oo, para makabalik din agad," tugon niya habang sinusuklay ang basa pang buhok. "Hala. Akala ko po ba ay sasamahan kita." Tiniklop ko ang ginamit kong kumot. "Paano mo 'ko sasamahan, aber, eh nandiyan ang boss mo?" aniya. "Ang mabuti mong gawin eh asikasuhin 'yon. Timplahan mo ng kape o bigyan mo ng mainit na sabaw." "Mamaya ka na po kasi pumunta." Gusto ko talagang sumama gawa ng nais ko ring makita ang mga pinsan ko doon. "Ay, kita mo namang kung gaanong kahaba mag-istorya 'yong kapatid kong 'yon. Anong oras na naman tayo aabutin doon kung mamaya pa tayo aalis," pag-kontra ni Mama sa sinasabi ko. "Kung 'di lang kailangan kong dalhin 'yong mga order niyang leche flan." "Daya nito ni Mama. Nag-almusal na po ba kayo?" Tumayo na ako mula sa pagkaka-upo sa kama kung saan magkatabi kaming natulog kagabi. "Nag-prito lang ako ng
"Uhmm...okay lang ba 'to sa 'yo? Palitan na lang kaya natin? Baka 'di ka nag-eenjoy," suhestiyon ko. "It's okay. I'm actually enjoying it," aniya. "Never seen Filipino movies for a long time." "Ito na lang pong 100 Tula Para Kay Stella," patuloy akong nag-suggest. "O itong Hello, Love, Goodbye." "Napanood mo na yata lahat 'yan, eh." Mula sa screen ay sa akin naman siya tumingin. "P-puwede namang ulitin." Feeling ko kasi mas makaka-relate siya sa mga iyon kaysa dito sa pinapanood namin na ang babata ng mga bida. "Ikaw ang bahala." Ngumiti siya. "Anong uunahin natin do'n sa dalawang sinabi mo?" "'Yong kay Stella na lang muna. Maganda 'yan." Sa wakas at pumayag siya. Nakaka-asiwa rin palang manood ng story line na halos parehas ng nagaganap sa akin sa tunay na buhay. Sa pelikula nga lang, maganda si Kath kaya natural na pag-agawan siya. Ako, ewan ko kung bakit. Sa kalagitnaan ng panonood namin ay nagsalita si Sir Maui, "Hey, sweetheart. You seemed too carried a
"So were staying at Mr. Cabrera's house, right?" tanong ni Sir Frank habang sakay kami ng elevator patungo sa helipad. Sa ikalawang pagkakataon ay patungo ulit kami sa Siargao upang asikasuhin ang mga paunang pangangailangan sa resort. Pero hindi tulad noong una, hindi na namin kasama si Maui ngayon. "Opo." Tumango ako. "Para po kasing inappropriate na mag-stay pa tayo sa isang resort pero resort din po ang ipatatayo niyo doon." Nagkatawanan kami. "Saka po si Tatay Gabriel ang nag-offer nang sabihan ko siya na babalik po tayo doon," sabi ko pa. "He seems so fond of you," pagpuna niya. "Ah, nami-miss lang po siguro no'n 'yong mga anak niya," pahayag ko. "At ako naman po, baka nakakita lang ng father figure sa kanya." Alam kong magtatanong pa siya tungkol sa sinabi ko ngunit sumapit na kami sa helipad kung saan naroon ang chopper na magdadala sa amin sa Siargao. Napahawak ako sa dibdib ko. Medyo maliit lang kasi iyon at tila ba kitang-kita ang buong kapaligiran mula
"Sorry, hindi uubra 'yong totoong candlelight kasi ang lakas ng hangin. Kaya electronic na lang 'yan," paliwanag ni Sir Frank. Napatingin ako sa tinutukoy niyang mga puting tea light na kandilang nakapatong sa mga wooden planks sa buhanginan. Mga LED candles nga iyon na ipinuwesto paikot sa magkabilang gilid ng duyan upang magsilbing liwanag, bagamat sapat na rin ang liwanag ng buwan at ang dami ng bituin sa langit. Pinauna niya akong maupo sa swing bago siya naupo sa tabi ko. Inilapag niya ang dalang gitara sa buhanginan at isinandal sa poste ng duyan. "Dapat ay iniwan niyo na lang po 'yan doon sa bahay, Sir," wika ko. "Baka mag-request ka pa, eh. Kaya dinala ko na," aniya. "But, please, not those Korean songs you're playing no'ng nag-stay ako sa bahay niyo. Their language is kinda' hard to pronounce." Natawa ako. "Aleumdaun seoljeong gamsahabnida." "Damn." Napa-iling siya. "Kasasabi ko lang. Sinasabi mo na ako ang mapang-asar pero mas malakas ka rin talagang ma
Halos hindi na rin kami nakapamasyal ni Sir Frank nang mga sumunod na tatlong araw namin sa Siargao. Marami kasi kaming meetings na pinuntahan mula sa Municipal Mayor, Head Tourism Officer, at maging sa mga opisyal ng Department of Environment and Natural Resources. Bago pa man kami magtungo dito ay naisa-ayos ko na in advance ang mga pagpupulong na iyon. Pabalik na kami sa bahay ni Tatay Gabriel sakay ang kotse na nirentahan namin dito na mismo sa isla. Hindi na kasi aabot kung ipapa-cargo plane pa namin ang kotse ni Sir Frank o ang company vehicle patungo dito sa dami ng papeles na kailangang ihanda. "What's our schedule tomorrow?" tanong niya habang nagmamaneho. "Wala na po tayong meeting, Sir," tugon ko. "Para po makapahinga naman kayo bago po tayo umuwi sa susunod na araw. Maaga po tayong susunduin ng chopper." "Punta tayo sa...what's it called? 'Yong hindi natin napuntahan noong nag-island hopping tayo dahil late na?" tanong niya. Napa-isip ako. "Opo, 'yon
"Welcome back, Florence." Ang maamong mukha ni Maui ang bumungad sa akin sa lobby ng LDC pagpasok ko isang umaga ng Biyernes. Hindi ko napigilang mapangiti. Kung bakit naman kasi napaka-guwapo ng lalaking ito. Nasabi ko kasi sa kanya kagabi nang tawagan niya ako na napaaga ang balik ko ng Maynila at kahit leave ko pa rin itong Friday ay papasok na ako. "Let's have breakfast first, before we start the day," nakangiting paanyaya niya. "Sir, b-baka ma-late ako." Napatingin ako sa malaking wall clock na nasa receptionist's area. "Ako nang bahala," aniya sa nangungumbinsing tono. "Sige na." Mukhang hindi naman niya mapapayagang tumanggi ako kaya sumang-ayon na lamang ako. Buti na lang, madalas ay 30 minutes before o mas maaga pa before my scheduled time ako pumapasok. Sa isang resto na malapit sa building kami nagpunta. "Bakit nga pala napaaga ang balik niyo?" tanong niya sa akin habang nag-i-slice ng kanyang pancake with maple syrup and strawberries. "Hindi ko a
Pag-uwi sa bahay ay tila nakalutang pa rin ako sa alapaap. Totoo na ito. May boyfriend na ako. Diyos ko po. Hindi na ako NBSB. At ang pinaka-masayang bahagi ay ang unang naging kasintahan ko ay ang lalaking hinahangaan ko ng matagal nang panahon. Pakiramdam ko ay nakangiti ako nang makatulog at tila ba nanaginip pa ako ng kasalan. Susmaryosep! Hindi ko lang sigurado kung ako ba iyong ikinakasal sa panaginip ko, basta lahat ay kulay pink mula suot ng mga babaeng nasa simbahan, mga disenyong bulaklak, at iba pang detalye. Hindi ko nga lang nakita ang sarili ko. Nagising lang ako sa tunog ng nagri-ring kong cellphone. Dinampot ko iyon at nang tignan ay si Maui. Video call! Hala. Teka. Wala pa akong kaayos-ayos. Bumalikwas ako ng bangon. Mamaya ko na lang kaya sagutin? Maghihilamos lang ako, magsusuklay, magpupulbo.. Natapos ang pagri-ring. Natatarantang tumakbo ako sa CR at naghilamos ng mukha. Narinig kong muli ang pagri-ring ng cellphone. Mabilis kong pinunasan ang mukha