Share

CHAPTER TWENTY-EIGHT

"Yes, Florence. In the first place, ikaw rin naman ang gumawa ng presentation about the resort in Siargao so alam mo na rin kung paano ilalatag 'yon."

Dinagsa ng kaba ang dibdib ko. "Pero ang kaya ko lang po i-present ay 'yong nalalaman ko po. Paano po kung tanungin nila ako ng mga bagay na 'di ko alam? O mga bagay na kayo lang po ang makakasagot?"

"Just tell them you'll check it with me and I'll present it next meeting, ako nang bahala ro'n. They won't take it against you," aniya. "Ang sasabihin mo lang, 'yong nalalaman mo. And for sure, kung may mga itatanong sila, it's based on what you presented."

Natahimik ako. Mga malalaking tao ang miyembro ng Board of Trustees ng Ledesma Development Corporation. Mga propesyunal sa kani-kanilang mga larangan at nasa matataas ding posisyon sa mga kumpanya under Ledesma Holdings. Ang iba rin sa kanila, sa pagkakaalam ko, ay mga Ledesma rin at kamag-anakan ni Sir Frank.

"Kayang-kaya mo naman 'yon," dagdag pa niya na animo'y bilib na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status