Share

CHAPTER TWENTY

"Ang una po nating pupuntahan ay ang Sohoton Cove." Habang nagsisimulang lumayag ang bangkang de motor, nagpapaliwanag sa amin si Bradley sa mga destinasyon namin sa island hopping ngayong araw na ito.

Kami-kami lang din ang sakay ng bangka, kaming tatlo nila Sir Maui at Sir Frank, dalawang staff ng resort at dalawang crew na siyang nagpapatakbo ng bangka.

"Pagdating po natin doon, magta-transfer po tayo ng bangka para maikot niyo po 'yong jellyfish sanctuary. Mas maliit na bangka po kasi ang puwede lang pumasok doon," pagbabahagi pa ni Bradley.

Habang nasa biyahe ay nagkukuwentuhan lang ang lahat. Kaso napansin ko na medyo tahimik si Sir Frank. Nang humupa na ang usapan at naging abala na sa kanya-kanyang pagsa-sight-seeing at iba pang mga bagay ang mga sakay ng bangka, naisipan kong tanungin si Sir Frank.

"Sir, okay lang po ba kayo?"

"Uhh...yeah. Just a little bit of hangover I guess." Bahagya siyang ngumiti para ipakitang ayos lang siya. "Naalala ko tuloy 'yong kape m
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status