Credits to the lyrics of the song used. Title : Here In My Heart Artist : Mayonnaise
"I mean, take this calligraphy lyrics of Here In My Heart." "Okay po." Muli, mukhang hindi rin naman siya papayag na tanggihan ko kaya kinuha ko na. "Thank you so much po, Sir." "Wala 'yon." Humawak siya sa handle ng pinto. Bubuksan niya na sana kaso nagtanong ako kaya huminto siya at tumingin sa akin. "Sino po bang kumanta nito?" tanong ko sa kanya. "Mayonnaise," sagot niya. "Band po 'yon?" tanong ko na naman." "Yup. They're an OPM band." Sa pagkakataong iyon ay binuksan niya na talaga ang pinto ng suite. Aminado akong hindi ako masyadong pamilyar sa Original Pilipino Music o OPM nga. Madalas kasi ay K-Pop ang pinakikinggan ko lalung-lalo na ang BTS. Certified ARMY ako. "Search ko po 'yan," sabi ko. Na-curious din ako doon sa kanta. Pinauna niya akong makapasok sa suite habang hawak niya ang pinto para hindi iyon sumara. "Sir, tawagin ko po kayo kapag ready na po 'yung dinner. I-coordinate ko lang po sa staff." Tiningala ko siya para tignan kasi nasa pang
Bigla akong napa-bunghalit ng tawa. "'Tay naman. Imposible po 'yang sinasabi niyo," natatawa pa rin ako nang sabihin iyon. "Alam niyo po ba, ang mga dine-date no'n, mga model, minsan mga beauty queen, mga artista. Minsan nga, ako pa po ang nag-aayos ng reservation sa mga date niya." "Ngayon lang 'yan, nagpapakasawa sa pagka-binata, eh," sabi niya sa akin. "Mayaman pa, tapos magandang lalaki. Kahit akong nasa kalagayan niyan eh ide-date ko lahat ng babaeng gusto ko." "Pero, alam mo, anak, ang isang tao, gaano man karami ang magagara niyang sapatos, tsinelas pa rin ang hahanapin niyan pag-uwi ng bahay," makahulugan pa niyang sabi. Hindi ko malaman ang isasagot doon. Napangiti na lang ako. Matapos ay nag-bukas ako ng bagong pag-uusapan. Tungkol kay tatay at sa pamilya niya ang mga itinatanong ko. Hindi namin namalayan na ang layo na pala ng narating namin sa paglalakad-lakad sa tabing-dagat. Niyaya na ako ni Tatay Gabriel maglakad pabalik sa kanyang bahay habang nagku-kuwen
Pagkakain ng tanghalian, dahil na-cancel nga iyong island-hopping namin ay wala nang gagawin ngayong maghapon. Nang mahagip ng tingin ko ang mga watercolor pen brushes na ibinigay sa akin ni Sir Frank, biglang may ideya na pumasok sa isip ko. Hinila ko ang isang drawer sa bedside kung saan may nakita akong mga notepad noong nag-check ako noong isang araw. "May nakita akong bond paper dito noon, eh," sabi ko sa sarili ko. Sinubukan kong hilahin ang kasunod na drawer. "Ito!" Natuwa ako nang makita ko ang hinahanap ko. Mga papel iyon na mas makapal sa bond paper pero may logo ng resort. Iilang piraso lang pala iyon. Ang ginawa ko, pinunit ko 'yung mga gilid para kunwari design, para matanggal ko rin 'yung logo ng La Luna. Lumabas ako sa balkonahe bitbit iyong mga watercolor pen at papel. Naupo sa couch na naroon at hinila ang coffee table palapit sa akin. Sinimulan kong iguhit gamit ang watercolor brush pen ang bahay ni Tatay Gabriel sa dalampasigan. Balak kong ibigay ito s
"Ang una po nating pupuntahan ay ang Sohoton Cove." Habang nagsisimulang lumayag ang bangkang de motor, nagpapaliwanag sa amin si Bradley sa mga destinasyon namin sa island hopping ngayong araw na ito. Kami-kami lang din ang sakay ng bangka, kaming tatlo nila Sir Maui at Sir Frank, dalawang staff ng resort at dalawang crew na siyang nagpapatakbo ng bangka. "Pagdating po natin doon, magta-transfer po tayo ng bangka para maikot niyo po 'yong jellyfish sanctuary. Mas maliit na bangka po kasi ang puwede lang pumasok doon," pagbabahagi pa ni Bradley. Habang nasa biyahe ay nagkukuwentuhan lang ang lahat. Kaso napansin ko na medyo tahimik si Sir Frank. Nang humupa na ang usapan at naging abala na sa kanya-kanyang pagsa-sight-seeing at iba pang mga bagay ang mga sakay ng bangka, naisipan kong tanungin si Sir Frank. "Sir, okay lang po ba kayo?" "Uhh...yeah. Just a little bit of hangover I guess." Bahagya siyang ngumiti para ipakitang ayos lang siya. "Naalala ko tuloy 'yong kape m
Kinabukasan, pagbalik namin sa tahanan ni Tatay Gabriel ay naghanda siya ng konting salu-salo para sa amin. Inaasahan niya na ang pagdating namin ngayong araw dahil tinawagan ko na siya kahapon. "Kailan ba ang balik niyo ng Maynila?" tanong ni Tatay Gabriel. "Bukas na po," sagot ko. Napuno ang salu-salong iyon ng mga kuwento ni Tatay Gabriel. Ang iba roon ay naikuwento niya na rin sa akin noong naglakad-lakad kami sa dalampasigan. Mukha namang interesado ring makinig ang mga kasama ko. Matapos kumain ay inilibot kami ni Tatay Gabriel sa lugar. Nang magpaalam kami kay Tatay Gabriel ay saka ko iniabot sa kanya ang ginawa kong watercolor art. "Sana po ay magustuhan niyo." "O, itong bahay ito, ah!" bulalas niya. "Opo. Para may alaala pa rin po kayo nitong bahay niyo, at ng orihinal na anyo ng lugar na ito." Ngumiti ako. "Dalhin niyo po
Para akong lutang habang kausap si Sir Maui. Huli na nang maisip ko na dapat ay tanungin ko muna si Sir Frank. Baka kasi may lunch meeting siya na tinanggap na hindi dumaan sa akin. Mayroon kasing mga kliyente na dumidirekta sa kanya. Pumasok ako sa opisina at nag-check ng online calendar. Dito kami nagse-set ng mga appointment at kaming dalawa lang ni Sir Frank ang may access dito. Lunch with staff. Staff? OVPEA Staff? Kami? Hindi ko ito alam at wala ito kahapon sa online calendar. "In-enter ko 'yan diyan kagabi pero ikaw na ang magsabi sa lahat." Nagulat pa ako nang may
"S-sigurado po kayo, Sir?" Hindi ako makapaniwala habang nakatitig sa kanya. "Ako po?" "No other than you." diretso niyang sagot. Hindi ko alam kung anong isasagot doon. Napalunok na lang ako. "I don't know if you still remember the first time we talked in the elevator," muli siyang nagsalita. "From then on, you're in my mind. I'm even asking myself why I haven't seen you before." Pasimple kong kinurot sa ilalim ng lamesa ang bahagi ng braso ko na malapit sa pulso. Baka sakaling magising na ako sa panaginip na ito. Pero walang nagbago. Nandito pa rin ako.
"Floring, halika nga rito." Sumenyas si Ate Aira sa akin na lumapit sa kanila kahit naglalakad naman na ako patungo sa grupo nila. Nakita kong tumayo si Gino para kumuha ng bakanteng upuan sa ibang table at inilipat sa lamesa nila. Dito ako magla-lunch ngayon sa pantry ng Accounting Department dahil may meeting si Sir Frank sa labas ng LDC. Hindi naman na niya ni-require na sumama ako. Iyong mga kasamahan ko sa OVPEA, as usual, sa labas ulit sila kumain. Nang makalapit ako sa kanila ay nagpasalamat ako kay Gino at doon na rin naupo. "O, ba't parang mga excited kayo diyan?" Pinuna ko sila. Nakangiti kasi silang lahat at parang may chismis na gustong i-spill sa akin. O alam na rin nila? "Alam mo ba, dumaan dito si..." Saglit na huminto sa pagsasalita si Cheska at luminga-linga muna sa paligid, wari bang tinitiyak kung may makaririnig sa kanya. Tapos ay saka bumaling ulit sa amin at nagsalita sa mas mahinang boses. "...si Sir Maui. No'ng Lunes. May pasalubong sa lahat,