Pangisi-ngisi si Tristan habang kaharap niya ang mga lider ng Bastardos. Bugbog sarado siya at duguan pero hindi niya alintana ang sakit ng katawan na nararamdaman niya. Ipinapakita niya sa lahat na hindi siya natatakot o nababahala man lamang na pinagkakaisahan siya ng grupo nina Zane. Nagmamatapang siya at maangas siya sa pagkausap sa mga kalalakihan sa kan'yang harapan pero sa totoo lamang ay patuloy ang malalakas na dagundong ng puso niya at ang kalituhan ng isip niya kung paano siya makakatakas sa senaryo na ito. Hindi rin nakakatulong na wala man lang siyang kaalam-alam kung saan din dinala ng mga tauhan ni Zane si Aliya. Hindi niya inasahan ang posibilidad na magtutulong sina Zane at Manolo laban sa kan'ya. Hindi niya nagawa na magplano sa sitwasyon na magiging magkakampi pa ang dalawang tao na pilit niya na pinagsasabong. At bagama't nagpapakatatag siya sa harapan ng Bastardos, ang katotohanan pa rin ay takot na takot siya lalo nang tutukan siya ni Zane Lardizabal ng baril at
Dalawang magkasunod na putok ng baril ang nagpagitla sa seryosong-seryoso na si Serenity. She is taking her sweet time talking to her father when that eerie sound fills the air. Bahagya pa na napahigpit ang kapit niya sa kamay ng kan’yang ama kasabay sa mabibilis na dagundong ng tibok ng puso niya. Bakit may putok ng baril? Saan nanggaling iyon? Hindi pa ba natatapos ang kaguluhan? Ang unang pumasok sa isipan niya ay ang kan’yang asawa na si Zane. Alam niya na teritoryo nina Zane at ng mga Bastardos ang lugar na kinaroroonan nila kaya hindi maaari na may mangyari sa asawa niya pero may tsansa rin na mahanap sila ng mga kalaban nila at sugurin, hindi ba? Ngunit, sino nga ba ang mga kalaban ng grupo nina Zane? Ang mga kasamahan ba ng ama niya? Patuloy niya na sinasabi sa sarili niya na hindi maaari na si Zane ay mapapahamak dahil marami naman na mga tauhan ang asawa niya sa lugar at nakita niya iyon mismo sa pagdating nila rito, pero kung hindi si Zane iyon sino at ano ang rason ng mga
"Put me down, Zane! Magwawala na ako rito and I mean it!" Nahahapo na ibinaba ni Zane ang asawa niya nang makapasok sila ng silid. Nais niyang matawa sa sinabi nito na magwawala na dahil ano ba sa tingin ni Serenity ang ginagawa niya? Hindi pa ba iyon pagwawala para sa asawa niya? "You are a jerk! Bakit mo ako binitbit ng gano'n? May paa ako, Zane, at kaya ko na maglakad!" Tama naman ang asawa niya: kaya nito na maglakad pero alam nila pareho na hindi iyon gagawin ni Serene. "Alam ko naman pero alam ko rin na hindi mo gagawin na iwan ang tatay mo kaya ang buhatin ka ang tanging paraan na mayroon ako." "Kahit na! Hindi mo dapat na ginawa iyon!" Napapahilot na lamang siya ng kan’yang ulo sabay naglakad upang maupo sa may gilid ng kama habang patuloy sa pagbubunganga sa kan’ya si Serenity. Simula kasi nang umalis sila sa safehouse ay wala na rin tigil ang babae sa pagsigaw at paghampas sa kan’ya at bagama’t nasasaktan na siya sa mga ginagawa ng asawa niya ay wala naman siyang iba rin n
Masayang nagtitipon ang pamilya ni Jaime Lardizabal dahil kababalik lamang niya buhat sa isang biyahe sa labas ng bansa. He has been out of the country for a few weeks kaya naman pagdating na pagdating niya ay ang pamilya niya agad ang ninais niya na makasama. At ano pa nga ba ang aasahan sa pamilya Lardizabal? Larawan sila ng isang perpekto na pamilya: pamilya na puno ng pagmamahalan at pagmamalasakit para sa isa’t-isa. Together with him right now are his wife and his two children. And they are all that he needs in his life. Nothing more, and no one else except for them. Them and his position in the government, plus the riches he has, are everything that he had dreamed of, and he is so thankful to share it with his family. Si Jaime Lardizabal ay isa sa mga sikat at pinakakatiwalaan na senador sa bansa dahil na rin sa pagmamalasakit na ipinapakita niya sa mga mahihirap na pamilya. Naging plataporma na niya ang pagbibigay ng tulong at mga programa para sa mahihirap na pamilya dahil p
"Mabuti naman at napatahimik mo rin ang asawa mo kagabi, Zane. I am assuming she is settled ny now because she has gone awfully quiet after her tantrum episodes yesterday, and we were able to get a peaceful sleep afterward." Sa totoo lamang ay sumakit na ang ulo nina Jed sa kaingayan ni Serenity simula nang bitbitin ni Zane ang asawa upang sapilitan na isama sa panibagong lokasyon nila. Alam naman nila na hindi magiging madali iyon sa kanila pero hindi rin nila inaasahan ang enerhiya na mayroon ang asawa ni Zane upang magwala sa kanila. Ayaw sana nila na galitin ang misis ng kaibigan nila pero kinailangan nila na umalis sa safehouse at lumipat sa ibang lugar dahil mukhang natunugan na ng mga kalaban ang kinaroroonan nila. And they are thankful that even though problems are arising, they still managed to prepare a new set of plans and still had a restful sleep last night after Serenity toned down. "Nag-usap na ba kayo?" tanong pa ni Jed. "Partly, yes. Nabanggit ko na sa kan’ya ang t
It was unexpected news, but it was well-worth it regardless. Nang gisingin siya ni Zane para sabihin na kailangan nila na umalis agad ay kung ano-ano na senaryo na naman ang tumakbo sa isipan niya. They are out on the run, and the only thing that is constant for them at this point is to keep on moving and changing safehouses in the hopes that no one can find them. Kahit na namamagod pa siya buhat sa pagwawala niya kagabi ay wala siyang tanong-tanong na sumunod sa sinabi ng asawa niya dahil alam niya rin naman na walang patutunguhan kung magmamatigas pa siya ulit. She was blindly following what Zane wanted so that they could both live, but when her husband mentioned that the reason for their need to leave was because of her father, she instantly felt energized to move. Hindi alam ni Serenity kung paano nangyari pero masaya siya na nangyari at nabigyan pa siya ng pagkakataon na muli na makapiling ang kan'yang ama. Hindi mapagsidlan ang kasiyahan niya nang sabihin ni Zane na gising na a
Parehong tahimik sina Zane at Serenity habang binibigyan ng pagkakataon si Manolo na sabihin ang mga nais nito na sabihin. Ayaw talaga sana na pagbigyan ni Zane ang hiling ng matanda dahil para sa kan’ya ay hindi naman na importante iyon, pero nang banggitin nito ang ama niya ay naisip niya ang pinakamahalagang misyon nila bilang Bastardos kaya naman nagbago agad ang isip niya. He needs to play this game against his father wisely. Hindi basta-basta ang ama niya lalo na at malakas ang impluwensya at kapit nito sa gobyerno dahil sa posisyon nito kaya naman kahit na anong impormasyon na maaari na makatulong sa kanila para mapabagsak ang kan’yang ama ay tatanggapin niya. It's also not that he genuinely trusts Manolo at this point, but he knows that whatever information he will give him is legitimate lalo na at buhay rin ng anak nito ang nakataya at hindi lamang ang sa grupo niya. "H-hindi ko g-ginusto na mapabilang sa ganitong s-sindikato, Anak, pero nang m-mamatay ang mama mo ay na-nadi
Hindi naging madali para kay Serenity ang iwan ang ama nang araw na iyon na mag-usap sila. It even took a lot of convincing, not just from Zane but also from her father, for her to leave with her husband. Aminado siya na ayaw niya na iwan ang tabi ng kan'yang ama dahil sigurado siya sa mga oras na iyon na hindi na magtatagal pa ang buhay nito. And even though she wants to spend the remaining days of her father's life creating beautiful memories with him, she doesn't have the luxury of time anymore. Ang buong araw lamang na iyon ang ibinigay sa kan'ya ng kan'yang asawa para makasama ang ama niya. Kung tutuusin ay hindi pa nga buong araw iyon dahil matapos nila na mag-usap ay nagtulog lamang din ang ama niya dahil sa paghihirap na nararamdaman nito. At sa buong oras na iyon ay matiyaga lamang siya na naghintay sa tabi nito upang maiparamdam kahit sa huling saglit ang pagmamahal niya. Then the time for them to leave came. She wasn't even able to say her goodbyes well because her father