Share

Chapter 62 - Tristan Rances

Pangisi-ngisi si Tristan habang kaharap niya ang mga lider ng Bastardos. Bugbog sarado siya at duguan pero hindi niya alintana ang sakit ng katawan na nararamdaman niya. Ipinapakita niya sa lahat na hindi siya natatakot o nababahala man lamang na pinagkakaisahan siya ng grupo nina Zane.

Nagmamatapang siya at maangas siya sa pagkausap sa mga kalalakihan sa kan'yang harapan pero sa totoo lamang ay patuloy ang malalakas na dagundong ng puso niya at ang kalituhan ng isip niya kung paano siya makakatakas sa senaryo na ito. Hindi rin nakakatulong na wala man lang siyang kaalam-alam kung saan din dinala ng mga tauhan ni Zane si Aliya.

Hindi niya inasahan ang posibilidad na magtutulong sina Zane at Manolo laban sa kan'ya. Hindi niya nagawa na magplano sa sitwasyon na magiging magkakampi pa ang dalawang tao na pilit niya na pinagsasabong. At bagama't nagpapakatatag siya sa harapan ng Bastardos, ang katotohanan pa rin ay takot na takot siya lalo nang tutukan siya ni Zane Lardizabal ng baril at
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status