"So you’re telling me that you’re already married, Zane?" Pagtaas at baba lamang ng ulo niya ang naging tugon ni Zane sa kapatid niya na si Ace. "As in, you are married for real?" "Yep. Married for real." tugon niya. Matapos ang hindi inaasahan na paghaharap nila kanina ay inihatid niya muna si Serene sa silid nila at saka binalikan ang kapatid para makapag-usap sila. Alam niya kasi na gaya ng ina ay marami rin katanungan si Ace para sa kan’ya at nais na niya na masagot iyon agad. "Well, that’s a surprise considering that you don’t want to be involved in a family." "Is that sarcasm I am hearing from you?" Nakaarko pa ang kilay niya ng magbalik-tanong sa kapatid. "You know so well that when you get married, it literally means you are starting a family, right?" Muli na nagtaas at baba ang ulo niya kasabay sa tugon niya sa kapatid. "Yes, I know." "Kailan pa nag-iba ang ihip ng hangin para sa’yo? Ano ang nangyari at biglang iba na ang naging plano mo sa buhay mo?" Dagdag na tanong
Kanina pa palakad-lakad si Serenity at hindi mapakali lalo nang iwan siya ng kan’yang asawa sa silid nila. She should be relieved that she is alone now, but she still can't. Mas lalo lamang ang kaba na nararamdaman niya dahil sigurado siya na siya ang pinag-uusapan sa labas ng silid na iyon. Hindi maikakaila na ayaw sa kan’ya ng ina ni Zane dahil narinig niya ang usapan ng dalawa kanina kaya naman hindi rin maalis sa isip niya ang maghinala sa kung ano ang pinag-uusapan ng asawa niya at ng kapatid nito. Maaari kasi na hindi rin niya makuha ang suporta ng kapatid ni Zane, pero mahalaga nga ba iyon sa kan'ya? She can only release an exhaustive sigh after realizing that Zane has a brother. Ngayon lamang niya talaga napagtatanto na marami pa siyang mga bagay na hindi alam patungkol sa asawa niya kaya hindi niya rin tuloy na maiwasan na tanungin ang sarili niya kung gano’n ba talaga siya katanga at kapusok. How can she even marry a man that she doesn't really know anything about? Pagmam
"I know, Jed, and I plan to tell her tonight." Kasabay sa kan’yang mga sagot ay ang sunod-sunod din na pagbubuntong-hininga na ginagawa ni Zane habang kausap sa telepono ang matalik na kaibigan niya. "Alam ko naman iyon kaya lang hindi nagiging madali ang lahat dahil sa tinotopak pa nga ang nanay ko. Nakausap ko na si Ace at hindi ko man makuha ang suporta ni Mama ay si Ace na muna ang bahala." "Sigurado ka ba na kaya mo na iwan ang asawa mo kahit na alam mo na may problema pa riyan? We don't have much time, Zane. Nagsisimula nang gumalaw ang mga galamay ng ama mo kaya kailangan na natin planuhin ng maigi ang mga susunod na hakbang natin." "Alam ko, Jed." "Kailangan mo nang makabalik bukas kaya kailangan mo nang kausapin ang asawa mo at sabihin sa kan’ya ang mga plano mo. Siya nga ang unang dapat na kinakausap mo tungkol sa bagay na ito kaysa sa nanay at kapatid mo." Pangungulit na naman ni Jed. Alam naman ni Zane ang pinaghuhugutan ng kaibigan niya sa patuloy na pangungulit na iy
"Bakit, Zane? Bakit nagdedesisyon ka para sa akin na hindi mo man lamang ako tinanong kung ayos lang ba?" "Serene, delikado ang sitwasyon. Hindi ko kaya na ilagay ka pa sa alanganin. Kasalanan ko na nga kung bakit ka nasali sa gulo kaya kailangan ko na ayusin ito. Babalik naman ako. Babalikan kita kapag maayos na ang lahat." And once again, Serenity is left in tears hearing about her husband’s plans. Pakiramdam niya ay muli na naman siya na niloko at pinaglihiman ni Zane. Wala talaga siyang plano na makinig sa usapan ng mag-ina pero nang madaanan niya ang pagtatalo ng dalawa at inakala niya na dahil na naman iyon sa kan’ya ay may sariling buhay ang katawan niya na nakinig sa usapan kahit na alam niya na mali iyon. And that’s when she heard him say it. "I will be leaving Serenity in your care, Ma." And more than him leaving her in his mother’s care, what struck her the most in that statement was when he said that he may or may not come back. Ano ba ang akala ni Zane sa kan'ya? Oo ng
"Senator, nakatanggap kami ng mga report na kasama nga ang grupo ng bastardo mo sa nakalaban ng grupo ni Manolo." "What?" "Bineberipika na namin ang report na iyon kung may katotohanan o inililigaw lamang tayo. Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng mga kapulisan sa nangyari pero wala pang inilalabas na report patungkol doon." "Hanggang kailan tayo maghihintay para magawa nila ang trabaho nila? Gumawa na kayo ng sarili ninyong imbestigasyon at huwag nang umasa pa sa mga palpak na kapulisan na iyan." "Masusunod, Senator Lardizabal." "Ano ang balita sa heredera? Where is she? Where is Manolo’s daughter? Wala pa rin ba kayong balita kung saan itinatago ni Manolo ang anak niya?" Umagang-umaga pa lamang ay nanggagaglaiti na agad si Jaime Lardizabal lalo na at wala pa rin saysay ang mga report na nakakarating sa kan'ya patungkol sa nangyari na engkuwentro. Hindi na nga nila mahanap si Manolo pati ang mga importante na tauhan pa nito ay hindi rin nila makita gaya na lamang ng abogado
"Babe, can we talk?" Kanina pa talaga niya gusto na kausapin ang asawa niya pero nang mag-walk-out si Serenity ay sinabihan siya ng kan’yang ina na huwag na muna sundan ang babae at hayaan na muna na magpalamig silang dalawa ng mga emosyon nila. And he did as he was told. Ginamit na rin niya ang pagkakataon na iyon para bigyan ng oras ang nanay niya na makilala ang asawa niya. But now Zane can no longer wait for Serenity to be ready to talk to him. Ayaw na niya na sayangin pa ang natitira nila na mga oras na magkasama para lamang magtalo pa sila. And he needed to make her understand why he chose to do this by himself. After her talk with Amalia, Serenity actually feels relieved. Hindi man niya lubos na natatanggap pa ang naging desisyon ni Zane ay nakatulong naman ang pag-uusap nila ng ina nito para mas maintindihan niya ang pinanggagalingan ng asawa niya. Marami pa siyang mga bagay na hindi alam patungkol sa lalaki na pinakasalan niya kaya naman isang malaking oportunidad din para s
"Welcome back, Zane. Kamusta sina Tita at Ace?" Bungad na tanong ni Chino sa kaibigan nila na kadarating lamang sa safehouse ay nagpatawag na agad ng meeting. "How’s your flight? Kamusta nga pala si Serenity?" "Everything is fine for now." Tugon ni Zane habang agad siya na umupo at nagsimula nang manghingi ng mga report sa mga kaibigan niya. "Ano na ang naging balita kay Jaime? Any reports about his whereabouts and plans? Kamusta ang abogado ni Manolo, nailipat na ba natin? Sigurado ako na may mga tauhan pa si Jaime na nakamanman sa atin, ano ang update?" As usual, he doesn't have time for greetings and pleasantries, and all he wanted was to get straight to the point of their meeting. "Hanep ka talaga, Zane, wala man lang kamustahan? Direktang tanong agad patungkol sa trabaho." Pagbibiro naman ni Bogs sa kan’ya habang pa-iling-iling pa. "Maayos ako; maayos kayo; then we focus on the mission." Wala naman din talaga siyang balak na magsayang pa ng oras sa pakikipagkamustahan sa mga
"I am not sure about this, but I am leaving it all up to you. I mean, we can give him a chance, after all ay nagkausap na rin naman sila ng asawa mo at nagkapaliwanagan, pero siyempre depende pa rin iyon sa magiging pasya mo." As expected, the leaders of the Bastardos are still convening regarding Tristan Rances. Pare-pareho nila na hindi inaasahan ang pakiusap na iyon galing pa mismo sa lalaki na itinuring nila na kalaban nila, pero nang makiusap si Tristan na iparating ang hiling niya kay Zane ay wala na lamang din nagawa si Chino kung hindi ang magpasya na ipaalam sa grupo nila ang lahat dahil naisip din niya na makakatulong sa kanila ang nalalaman ni Tristan. They will need all the help and backing that they need for their fight with Zane's father at bagama’t walang sapat na tauhan si Tristan ay mukhang marami na rin ang impormasyon na nakuha nito dahil sa kagustuhan nito na makaganti kay Manolo noon. Ang tanong na lamang ngayon ay kung mapagkakatiwalaan nga ba nila ang lalaki?