"Seriously, Gray? Hindi mo ko papakinggan?" hinanakit niya rito.Ayaw niyang umalis sa tabi nito. Ayaw niyang mawala ito sa paningin niya sa takot na baka huli na iyon. Ni hindi siya lumapit kay Dimitri sa pag-aakalang magbabago pa ang isip ni Gray. Ngunit sinenyasan nito si Enzo upang kuhanin si Gabriel sa itaas."We don't have enough time. Wait for Gabriel, then go with Dimitri," malamig na utos nito.Napapikit siya nang mariin sa inis. Kinuyom niya ang kamao ngunit hindi siya nakatiis. Pagmulat ng mga mata niya ay agad niyang inagaw ang isang baril mula sa malapit na tauhan na kinagulat nilang lahat."What the f*ck, Sylvaine?!" may galit na ang tono ni Gray matapos siya nitong makitang itutok ang baril sa sariling sentido niya.Walang takot niyang tinapatan ang matalim nitong titig. Mas diniin niya rin sa kanyang sentido ang baril. Kung ito lang ang paraan para magbago ang isip nito ay gagawin niya."Gusto mong harapin ang ama ko at mamatay di ba? Sige, uunahan na kita para naman h
GRAY'S POV"Are you crazy, Gray?! Bakit mo hinayaan si Sylvaine kay Dimitri?" may gigil na kumpronta sa kanya ni Gustavo.Malamig niyang nilingon ang kaibigan. Hanggang ngayon ay nagseselos siya na may gusto ito sa asawa niya pero hindi iyon ang isinaalang-alang niya kanina. He has a plan."You know Dimitri very well," malamig niyang sagot."And you know him too! F*ck! He killed Lea, Gray. Tingin mo ay bubuhayin niya si Sylvaine at Gabriel?" frustrated na tanong ni Gustavo kahit pa parehas silang abala sa paglalagay ng bala sa baril."Ako na lang sana ang pinasama mo sa kanila," hinanakit nito bago nagtago sa likod ng sofa.Pumikit siya nang mariin at bumuntong hininga. Dinig na niya ang palitan ng putukan ng baril sa labas ngunit hindi siya nangangamba."Kung hinayaan ko si Dimitri na manatili dito at pinaalis kita. Tingin mo ba ay tutulungan niya ako?" pagpapa-intindi niya kay Gustavo bago pumwesto sa likod ng pinto."Pagtutulungan nila ako at mas malabong mailigtas ko ang mag-ina k
SYLVAINE'S POV"Baliw," mahinang sambit niya kay Dimitri na ngumisi lang."Yeah~ I'm crazy. Baliw rin si Gray at pinagkatiwala ka niya sa akin. Isn't it exciting?"Nagtagis ang mga bagang niya sa sinabi nito. Niyakap niyang mabuti si Gabriel. Gusto niyang manghina dahil alam niyang wala siyang ligtas dito ngunit gusto niya ring umasa na manalo si Gray at iligtas sila nito.Nangilid ang luha niya. Gusto niyang bumalik sa bahay at tingnan ang sitwasyon doon."Huwag ka ng umasang bubuhayin pa ni Don Manuel si Gray. Kating-kati pa naman iyon na tapusin—""Shut up!" mahina ngunit gigil niyang sambit.Sinulyapan siya nito. Pinaglandas nito ang dila sa sariling labi bago kinagat ang ibabang labi."Fierce. Gusto ko iyan. Palaban... sa kama," mayabang na bigkas nito.Mas lalo siyang nainis dahil doon lalo pa't naroon lang din si Gabriel. Gusto niya itong suntukin sa mukha ngunit napasigaw siya noong bigla itong pumreno sa kalagitnaan ng daan."F*ck!" pagmumura nito.Hindi niya ito pinansin bag
After a few months...Mabigay siyang nakatitig sa puntod sa harap niya. Kasing itim ng bestidang suot niya ang kanyang nararamdaman sa tuwing tinititigan ang puntod. Hindi pa rin niya lubos maisip na hahantong sa ganoon ang lahat."I'm sorry, but I have to do that."Bumuntong hininga siya at maingat na tumayo mula sa pagkakaupo. Pinagpag niya ang kanyang itim na bestida bago muling sulyapan ang puntod."You scared the hell out of me," malamig niyang sagot dito.Napapikit siya noong umikot ang mga matipuno nitong braso sa kanyang bewang at marahang hinaplos ang kanyang baby bump."Hindi kasi titigil ang ama mo kung hindi ako magpapanggap na patay na," bulong na sagot nito.Napanguso siya at muling tinitigan ang puntod na pinasadya pa nito. Nagluksa pa naman siya ng ilang araw dahil doon. Ngayon nga ay ni-request na niyang paalisin iyon."Kasabwat mo si Gustavo?" Tumikwas ang kilay niya kahit hindi nito nakikita."Gustavo is my friend," tipid na sagot nito na tila sapat na iyong paliwan
"Hindi na tayo tulad ng dati, Sylvaine. I don't think we can make this work anymore," mahinang bigkas ni Byrlle bago nagyuko at tumingin sa sahig.Mahina siyang suminghap, ramdam ang paghigpit ng puso niya, "P-aano na ang plano nating kasal, Brylle?" halos hindi niya maibigkas iyon."Gone, Sylvaine. Gone," bulong nito.Napapikit siya matapos maramdaman ang sakit na gumuhit sa puso niya. Nanghina siya. Suminghap muli, hindi dahil sa gulat kun'di dahil sa kawalan ng paghinga.Nawala bigla ang limang taong fairytale nilang dalawa. Planado na nila ang hinaharap, tanging alok nitong kasal ang hinihintay niya. Ngunit ito pala mismo ang bibitaw sa kamay niya."I guess you can still find someone better—"Napatawa siya nang mapakla. Pagmulat niya ng mga mata ay siya ring pagbagsak ng luha sa kanyang mga pisngi. Gustong-gusto niyang manakit sa oras na iyon ngunit hindi niya magawa sa sobrang sakit. Inisip niya na baka surprise lang iyon para sa kanya. Na baka kapag nawala na ang sakit ay hihing
After two years"Worth it kang hintayin, Sylvaine."Agad na sumilay ang kanyang ngiti sa sinabi ni Tim. Sumaya pati ang puso niya lalo pa't balak na niyang ibigay ang matamis niyang "oo" rito.Four months na yata siyang nililigawan ni Tim, pero ngayon niya lang napagtanto ang halaga nito. At ang sagutin ito sa mamahaling restaurant ay perpekto para sa kanya. Umaalingawngaw ang mabining musika mula sa piano, ni hindi maririnig ang ingay sa labas."Sigurado ka ba, Tim?" Tinaas niya ang isang kilay at pinagmasdan itong mabuti.Ayaw na niyang magkamali sa bawat desisyong gagawin, gusto niya lahat ay tama at nasa plano. Twenty-eight years old na siya at ang gusto niya na lang ay makarelasyon ang lalaking kaya siyang tanggapin nang buo.Tama na ang mga nangyari sa nakaraan niya, ayaw na niyang balikan ni isang katiting na alaala mula roon.Sinubukan niyang lambingan ang ngiti para ipakita kay Tim na interesado siya. Kita niyang napangiti ito nang totoo habang ang mga mata ay kuminang sa say
"You what? You want a baby?" magkasunod na tanong niya, naniniguradong tama ang narinig niya.Umangat muli ang gilid ng labi nito habang ang mga mata ay dumilim. Literal na napakapit siya sa mesa, kumukuha ng lakas upang malabanan ang takot niya.Ngayon niya naisip na ang lalaking kaharap ngayon ay kapareho lang nang lalaki sa labas ng I. C. U. noon. At sa malamang na baka pareho lang ang budhi ng dalawa!"You heard me right," ang boses nito ay mapanganib, dahilan upang lalo siyang kabahan at manginig."I don't want to repeat myself. Are you st*pid?" sarkastikong tanong nito.Namilog ang mga mata niya, idagdag pang nasagi nito ang ego niya. Umawang ang mga labi niya kasabay ng pagkulo ng kanyang dugo. Bigla, gusto niya itong suntukin o kaya naman ay sakalin.Kailanman ay hindi pa siya natatawag na st*pid! Habang itong lalaki sa harap niya ay akala mo hari ng mundo.Kahit na nakaka-intimidate ito at kaya siyang patayin, binigyan niya pa rin ito ng naniningkit na tingin at ngisi upang p
Ramdam ni Sylvaine ang panghihina, sakit ng ulo at sakit ng buong katawan noong magkamalay siya. Ni hindi niya alam na nahimatay pala siya kanina. Ang maganda lang ay wala na ang posas sa kamay niya at wala na rin ang panyo sa bibig niya. Nangunot ang noo niya at bubuksan na sana ang mga mata kung hindi lang niya narinig ang dalawang taong nasa malalim na pag-uusap. Imbis tuloy na magising, nagpanggap pa siyang natutulog."Wala siyang pamilya. Walang maghahanap sa kanya kahit mawala pa siya ng ilang araw o buwan," galing iyon sa di pamilyar na boses ng lalaki."Really? That's good. I don't have any plans to send her back home," iyon naman ang boses ng lalaking kinamumuhian niya ngayon. Hindi niya mapigilan na ikuyom ang mga kamay. Hindi niya alam kung paanong kilala siya nito, at wala siyang ideya kung bakit siya pa ang napili nitong magbuntis sa tagapagmana nito! At mas lalong hindi siya magbubuntis!"What about her assistant? That loud woman who kept on crying?" dagdag nito na aka