After a few months...Mabigay siyang nakatitig sa puntod sa harap niya. Kasing itim ng bestidang suot niya ang kanyang nararamdaman sa tuwing tinititigan ang puntod. Hindi pa rin niya lubos maisip na hahantong sa ganoon ang lahat."I'm sorry, but I have to do that."Bumuntong hininga siya at maingat na tumayo mula sa pagkakaupo. Pinagpag niya ang kanyang itim na bestida bago muling sulyapan ang puntod."You scared the hell out of me," malamig niyang sagot dito.Napapikit siya noong umikot ang mga matipuno nitong braso sa kanyang bewang at marahang hinaplos ang kanyang baby bump."Hindi kasi titigil ang ama mo kung hindi ako magpapanggap na patay na," bulong na sagot nito.Napanguso siya at muling tinitigan ang puntod na pinasadya pa nito. Nagluksa pa naman siya ng ilang araw dahil doon. Ngayon nga ay ni-request na niyang paalisin iyon."Kasabwat mo si Gustavo?" Tumikwas ang kilay niya kahit hindi nito nakikita."Gustavo is my friend," tipid na sagot nito na tila sapat na iyong paliwan
"Hindi na tayo tulad ng dati, Sylvaine. I don't think we can make this work anymore," mahinang bigkas ni Byrlle bago nagyuko at tumingin sa sahig.Mahina siyang suminghap, ramdam ang paghigpit ng puso niya, "P-aano na ang plano nating kasal, Brylle?" halos hindi niya maibigkas iyon."Gone, Sylvaine. Gone," bulong nito.Napapikit siya matapos maramdaman ang sakit na gumuhit sa puso niya. Nanghina siya. Suminghap muli, hindi dahil sa gulat kun'di dahil sa kawalan ng paghinga.Nawala bigla ang limang taong fairytale nilang dalawa. Planado na nila ang hinaharap, tanging alok nitong kasal ang hinihintay niya. Ngunit ito pala mismo ang bibitaw sa kamay niya."I guess you can still find someone better—"Napatawa siya nang mapakla. Pagmulat niya ng mga mata ay siya ring pagbagsak ng luha sa kanyang mga pisngi. Gustong-gusto niyang manakit sa oras na iyon ngunit hindi niya magawa sa sobrang sakit. Inisip niya na baka surprise lang iyon para sa kanya. Na baka kapag nawala na ang sakit ay hihing
After two years"Worth it kang hintayin, Sylvaine."Agad na sumilay ang kanyang ngiti sa sinabi ni Tim. Sumaya pati ang puso niya lalo pa't balak na niyang ibigay ang matamis niyang "oo" rito.Four months na yata siyang nililigawan ni Tim, pero ngayon niya lang napagtanto ang halaga nito. At ang sagutin ito sa mamahaling restaurant ay perpekto para sa kanya. Umaalingawngaw ang mabining musika mula sa piano, ni hindi maririnig ang ingay sa labas."Sigurado ka ba, Tim?" Tinaas niya ang isang kilay at pinagmasdan itong mabuti.Ayaw na niyang magkamali sa bawat desisyong gagawin, gusto niya lahat ay tama at nasa plano. Twenty-eight years old na siya at ang gusto niya na lang ay makarelasyon ang lalaking kaya siyang tanggapin nang buo.Tama na ang mga nangyari sa nakaraan niya, ayaw na niyang balikan ni isang katiting na alaala mula roon.Sinubukan niyang lambingan ang ngiti para ipakita kay Tim na interesado siya. Kita niyang napangiti ito nang totoo habang ang mga mata ay kuminang sa say
"You what? You want a baby?" magkasunod na tanong niya, naniniguradong tama ang narinig niya.Umangat muli ang gilid ng labi nito habang ang mga mata ay dumilim. Literal na napakapit siya sa mesa, kumukuha ng lakas upang malabanan ang takot niya.Ngayon niya naisip na ang lalaking kaharap ngayon ay kapareho lang nang lalaki sa labas ng I. C. U. noon. At sa malamang na baka pareho lang ang budhi ng dalawa!"You heard me right," ang boses nito ay mapanganib, dahilan upang lalo siyang kabahan at manginig."I don't want to repeat myself. Are you st*pid?" sarkastikong tanong nito.Namilog ang mga mata niya, idagdag pang nasagi nito ang ego niya. Umawang ang mga labi niya kasabay ng pagkulo ng kanyang dugo. Bigla, gusto niya itong suntukin o kaya naman ay sakalin.Kailanman ay hindi pa siya natatawag na st*pid! Habang itong lalaki sa harap niya ay akala mo hari ng mundo.Kahit na nakaka-intimidate ito at kaya siyang patayin, binigyan niya pa rin ito ng naniningkit na tingin at ngisi upang p
Ramdam ni Sylvaine ang panghihina, sakit ng ulo at sakit ng buong katawan noong magkamalay siya. Ni hindi niya alam na nahimatay pala siya kanina. Ang maganda lang ay wala na ang posas sa kamay niya at wala na rin ang panyo sa bibig niya. Nangunot ang noo niya at bubuksan na sana ang mga mata kung hindi lang niya narinig ang dalawang taong nasa malalim na pag-uusap. Imbis tuloy na magising, nagpanggap pa siyang natutulog."Wala siyang pamilya. Walang maghahanap sa kanya kahit mawala pa siya ng ilang araw o buwan," galing iyon sa di pamilyar na boses ng lalaki."Really? That's good. I don't have any plans to send her back home," iyon naman ang boses ng lalaking kinamumuhian niya ngayon. Hindi niya mapigilan na ikuyom ang mga kamay. Hindi niya alam kung paanong kilala siya nito, at wala siyang ideya kung bakit siya pa ang napili nitong magbuntis sa tagapagmana nito! At mas lalong hindi siya magbubuntis!"What about her assistant? That loud woman who kept on crying?" dagdag nito na aka
Tumalim ang tingin ni Sylvaine kay Gray sa hapag. Nakahinga lang siya nang maluwag noong iwan siya nito. Iyon nga lang pinatawag siya nito kay Enzo."Right room. Mr. Whitlock is waiting for you," malamig nitong bigkas."Hindi pa ako tapos kumain—""He doesn't give a f*ck. Go."Napanganga siya noong iwanan din siya nito. Madiin niyang hinawakan ang tinidor. Kung dalhin niya na lang kaya iyon at isaksak sa amo nito?! Tss.Mabigat pa ang loob niyang sumunod. Muntik pa siyang maligaw sa dami ng kwarto. Kahit gusto niyang tumakas, hindi na niya pipilitin lalo pa't kalat ang mga tauhan nito sa paligid.Noong mahanap ang kwarto ay tahimik niyang binuksan ang pinto. Sinalubong nga lang siya ng dokumentong lumipad sa paanan niya."Sign that."Napaangat siya ng tingin. Prente itong nakaupo sa kama. Humihithit pa ng sigarilyo. Wala pa rin itong pang-itaas. Ngayon niya nga napagtanto na ang laki ng katawan nito at nasa tamang hulma ang bawat pandesal nito. Walang araw siguro itong hindi naggi-gym
Iniwan siya nito sa kwarto na iyon noong gabi. Mabuti nga at hindi siya nito pinwersang gawin ang bagay na iyon. Hindi nga lang siya nakatulog lalo pa't ramdam niya ang ginawa nito sa pagitan ng mga hita niya. Naipagdidikit na lamang niya ang mga hita at pinipigilan ang umungol. Baliw na nga siguro siya't nabuhay ang bawat himaymay ng init sa ginawa nito.Si Brylle pa ang uling nakasama niya sa kama, pero iba ang piranas sa kanya ni Gray ngayon. Daliri pa lang iyon pero tingin niya buong katawan niya ang gustong magpa-alipin dito.Napamulat siya ng mga mata matapos maalala ang sinabi nito."Mabuntis sa loob ng isang buwan? Baliw ba siya? Akala mo naman mabubuntis ako sa isang gabi lang—"Napatigil siya matapos may napagtanto. Ibig ba nitong sabihin ay gagawin nila iyon araw-araw at hindi isang beses lang?"Sh*t! Baog nga ako!" ngawa niya sa kama.Kahit mag-araw araw pa sila, malabo siyang mabuntis! Bakit ba kasi ayaw nitong maniwala na baog siya?!"Arggh!"Nilubog niya ang ulo sa unan
"Sh*t! Walanghiya ka, bitiwan mo ko!"Nagwala siya kahit pa buhat-buhat siya nito. Hindi nga niya alam kung paano sila nakabalik sa mansyon. Basta buhat pa rin siya nito na parang sako at miminsang pinapalo ang p*wet*n niya."Stubborn lady. Tingnan natin kung makalakad ka pa bukas," gigil na bulong nito bago buksan ang kwartong ginagamit niya.Namilog ang mga mata niya sa narinig. Napatili siya noong ihagis siya nito sa kama. Sa kaba niya ay sumiksik siya sa headboard."Baliw ka! M*nyak! Pakawalan mo na ako rito!"Binato niya ito ng unan ngunit hindi man lang ito natinag mula sa kinatatayuan. Nasalubong niya lang ang madilim nitong tingin. Nanindig ang balahibo niya matapos makita ang galit na pag-igting ng panga nito. Napasiksik siya lalo sa headboard ng kama noong kalasin nito ang suot na necktie."You're getting on my nerves, really. Hindi ka marunong sumunod," madiing bulong nito.Humakbang ito palapit habang hawak-hawak ang necktie nito."Lumayo ka! W-ala kang mapapala sa'kin!"N