Share

Chapter 2

"Shey, bakit ngayon ka lang?" Tanong ko sa kaniya at bahagyang nakakrus ang braso sa dibdib.

"Pasensiya na, Ate. Nilibre kasi ako ng mga kaklase kaya ako ginabi." Sagot niya at inilapag niya ang bag na gawa sa kahoy naming sofa.

"Abusado ka naman atang kaklase kung ganoon," pangaral ko sa kaniya at napayuko lang siya. "Araw araw ka nalang ginagabi ng uwi, imbis na nakakatulong ka dito sa bahay at nag-aaral."

"Pasensya na po Ate, aagahan ko na po ang pag-uwi sa susunod," paninigurado niya. "Pupunta po muna ako ng kwarto para makapagbihis."

Tumango ako at nagpatuloy sa paghuhulma ng graham balls. Kalaunan ay lumabas narin si Shey para tulungan ako at alas otso na kaming natapos. I put the last piece of graham balls on the 15th tupperware.

Lahat ng iyon ay ipinagkasya ko sa freezer at nilinisan ang lugar na pinagawan namin. Matapos iyon at naghain na ako ng pagkain para makapaghapunan na kami.

"Nasaan sila Tatay, ate?"

Napatigil ako sa pagnguya at tinignan siya. "Nasa bukid at bukas ng hapon pa sila uuwi, Shey"

May kubo kami roon sa bukirin at sapat ang malinis na tubig doon. Wala nga lang kuryente kaya nagdadala sila Tatay ng gas para sa gasera.

"Ako nalang po ang maghuhugas ng pinggan ate." Tumango ako sa pagpepresinta ni Shey at binilisan ang pagkain.

Poso ang pinagkukunan namin ng tubig at nakalagay ito sa likod ng bahay namin para tago. Lumabas ako para makapaglinis ng katawan at nang matapos ay pumasok ako sa banyo namin sa loob ng bahay para makapagpalit.

Sinigurado kong nakasara ang lahat ng mga pinto bago pumasok sa aking sariling kwarto. Nagbihis ng pantulog at nag-aral na rin.

Maaga akong nagising dahil sa alarm ng cellphone. Lumabas ako ng kwarto para maghanda ng agahan namin at para mag-igib ng tubig na gagamitin sa pagligo sa banyo.

Bagong ligo ako at nakasando't shorts na habang nakapulupot ang twalya sa ulo nang lumabas si Shey sa kwarto niya bandang ala-sais trenta na.

Nasa hapag na rin ako at kumakain ng agahan. Umupo siya sa upuang nasa harap ko at kumuha narin ng makakain. Iniabot ko sa kanya ang baon niya para sa araw na ito, hindi na kami humihingi kina Tatay dahil ako naman ang nagsusustento ng pangangailan naming dalawa sa eskwela.

"Fully-paid na ba ang miscellaneous fee mo?" Kalmado kong tanong sa kaniya at umiling siya bilang tugon. "Sige, ako nalang ang pupunta sa Treasure's Office para magbayad."

"Salamat po, ate." Aniya at nagpatuloy na kami sa pagkain.

Ako ang naghugas ng pinagkainan naming dalawa dahil sinabihan ko na siyang maligo. Pumasok ako ng kwarto para makapagbihis narin ng uniporme. Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko at nagbaon nalang ng pampusod.

Sadya ko talagang i-lock ang kwarto ko para hindi magalaw ang gamit saka perang itinabi ko. Ako lang ang may susi ng kwarto ko kaya malabong may makapasok.

"Shey, mauuna na ako sa'yo ha? Paki sara nalang ng mga pinto rito sa bahay."

"Opo, ate!" Sigaw niya mula sa kaniyang kwarto.

Napatingin ako sa aking cellphone nang makasakay na ako sa tricycle. Alas siete y kinse palang naman ng umaga at nasa sampung minuto pa ang byahe bago ako makarating ng WeSaS.

Iwinagayway ko ang kamay ko nang makita si Rafus na papasok sa kanilang kotse. Kumunot ang noo niya nang napansin ako pero agad din naman siyang umiwas ng tingin. Madadaanan pa kasi ang bahay nila at eksakto namang may pumarang estudyante.

Nilagpasan ng kotse nila ang tricycle na sinasakyan ko at napabusangot ako dahil iba ang aking ekspektasyon sa totoong nangyari.

Isa isa kaming nagbayad sa tricycle driver at pumasok na ako ng gate. May mga SSG na nagbabantay, mabuti nalang dahil mabait ako. Hindi ako late at naka-complete uniform pa!

Hindi naman sila ganoon ka istrikto. Dati kong manliligaw ang president saka ex ko ang vice.

"Nakalusot ka ano?" Bungad ni Jangkit sa akin. Kunot noo ko siyang tinignan at kalaunan ay nakuha ko ang nais niyang iparating. "Malamang naka-uniporme ako at hindi late."

"Wala kang graham balls?" Tanong ni Dom.

"Wala, ayoko namang araw arawin baka maumay kayo at makapaghanap pa ng iba."

"Wala kang jowa." Bumusangot ako sa paalala ni Jangkit.

"Meron kaya!"

"Ano ba naman iyan Slaine, die hard crush mo talaga 'yang si Rafus?" Kumibit-balikat ako at malakas niya akong niyugyog.

"Bulag ka ba? Ang ganda ganda mong babae tapos doon ka magkakagusto?" Ani Jangkit at hawak-hawak ang magkabila kong balikat.

"Wala namang masama! Crush lang naman eh." Depensa ko.

"Ikaw ang bahala! Ikaw nalang kaya ang manligaw?" Sarkasmo niyang sabi.

"Basted eh." Gatong ko pero isang pagbatok ang inabot ko sa kaniya.

Hindi nagtagal ay dumating narin si Ma'am at nagsimula na sa pagtalakay ng aralin saka binigyan kami ng quiz.

"Kailan nga uli ang deadline ng PowerPoint presentation natin?" Tanong ko kay Crezst habang tinitirintas niya ang buhok ko.

Nasa madamong field kami ngayong tatlo habang habang nanonood sa mga nagfo-football. Vacant time namin at naiinip kaming tumagal lang sa room.

"Two weeks from now, Slaine." Helen answered while typing something on her phone.

"Nakapagsimula ka na?" Tanong ni Crezst at umalis na sa likuran ko.

"Oo, pero hindi ko pa na-eencode dahil wala akong laptop."

"May luma akong laptop sa bahay Slaine, hiramin mo muna." Alok ni Helen pero agaran akong umiling bilang pagtanggi.

"Sa cellphone nalang ako gagawa may application naman na PowerPoint eh."

"Edi mahirap gumawa roon." Napangiwi si Crezst pero sumenyas akong kaya ko.

Tinitirintas ni Crezst ang buhok ko. Nang natapos siya'y inilagay niya ang buhok ko sa kanang bahagi.

"Kunan natin ng picture ang buhok mo Slaine, dali!" Nagagalak na sabi ni Helen at tumalikod ako sa kaniya. I heard some clicks then it stopped.

"Excuse me, pwede mo ba kaming kuhanang tatlo ng litrato?" Lumapit si Helen sa lalaki. Hindi ko makita kasi malayo pero nang naglakad sila palapit sa amin, parang gusto kong sabunutan si Helen.

Napatingin ako kay Crezst at nakangisi narin ito sa akin. Pinukulan ko sila ng matalim na tingin pero parang wala lang silang pakialam.

"Tayo ka Slaine, dali!" Nanunuksong naglahad si Helen ng kamay pero hindi ko iyon tinanggap at tumayong mag-isa.

Pinagitnaan pa nila akong dalawa! Tumingin ako sa kaniya na ngayon ay hawak ang mamahaling cellphone ni Helen.

Istoiko ang mukha ni Rafus habang kinukuhaan kami ng litrato. Iba-iba ang mga pose namin at sa tingin ko'y naiinip na siya sa pagkuha.

Ibinalik niya kay Helen ang cellphone at tumalikod na pero bago pa siya makalayo ay hinawakan ko ang kamay niya.

Para akong napaso nang hawakan ko iyon. Umarko ang kilay niya habang nakatingin sa kamay kong nakahawak sa kamay niya. Rinig na rinig ko ang kabog ng dibdib nang magtama ang tingin namin. Malamig ang paraan ng pagtitig niya pero sapat na sa akin para makaramdam ng kilig.

"Pwede ba tayong magpapicture?"

Binawi niya ang kamay mula sa hawak ko kaya nakaramdam ako ng hiya. I was about to say sorry but I already heard some clicks, probably from Helen's phone.

"Pagbigyan mo na si Slaine, Rafus. Ito lang naman ang una at huling beses niyang hilingin sayo." Si Crezst.

I heard him sigh in defeat after a few seconds then he looked at me, reading my emotions. "Alright."

Palihim akong napangiti sa pagsuko niya. Napatingin ako kila Crezst, pareho rin pala silang napangisi.

I cling to Rafus' arm and slightly lean against him while grinning from ear to ear. May pose pa akong napatingin sa kanya samantalang siya'y seryosong nakatingin sa camera. Tumingkayad ako habang nakatingin sa kanya at doon lang siya napalingon sa akin na magkasalubong ang kilay.

"What do you think you're doing?" May diin ang bawat salita niya.

"Practicing..." to be your girlfriend.

"What do you want?" I can sense that he's already pissed but I don't care. I want to pissed him more.

"You." I immediately answered while looking straight in his eyes.

Kalaunan ay ako ang unang umiwas. I can't stand looking in his eyes that long because I might fall deeply and may not be able to resurface.

"Stop this nonsense. The feeling isn't mutual..."

Napatingin ako sa kaniya, napangiti ako ng mapait. "Alam ko naman 'yon, Rafus."

He looked at me blankly until he averted his eyes and started walking away. I'm damn rejected!

Iginala ko ang tingin sa field pero wala na sina Helen at Crezst. Hinanap ko sila hanggang sa napaisip akong puntahan ang mesa na tinatambayan namin.

"Bakit niyo ko iniwan?" Tanong ko at inis na napatingin sa kanila. Kumain sila ng ice cream habang may kaniya-kaniyang mundo sa kanilang cellphone.

"Duh, obviously binigyan namin kayo ng privacy! Hindi kami chismosa ano!" si Helen.

"So, anong nangyari?" Kumibit balikat ako sa tanong ni Crezst at umupo sa tabi niya.

"Akala ko ba hindi kayo chismosa—" Napabusangot ako, trip talaga nilang dalawa na mambatok sa akin.

"Takungin kaya kita?" Malakas akong tumawa sa banta ni Helen.

"Naka-flats ka sis." Paalala ko at ngumuso siya.

"Huwag na nating tanungin Helen, tanga parin iyan kay Rafus!"

"Grabe ka naman, Crezst!" Napalabi ako at lumipat ng tabi kay Helen. "Maraming pictures ba ang nakuha mo? Patingin ako, please."

"Gaga, huwag masyadong kiligin uy!" Binalewala ko ang sinabi ni Crezst.

"Share it mo sa akin, Helen." Nae-excite kong sabi at nakitang kong napairap silang dalawa sa akin.

"Huwag atat, hindi ko pa nga na-edit eh!"

"Part-time, Hel? Part-time?" Natatawang tudyo ni Crezst pero hindi siya pinansin.

"Huwag mong guluhin Crezst baka pagdiskitahan ang pictures namin ni Rafus!" Saway ko at pinanlakihan niya ako ng mata.

"Ang kapal mo! Ipagpapalit mo kami diyan kay Rafus?"

Napairap ako sa kadramahan ni Crezst. "Kalma, may boyfriend kayong dalawa."

"Hala! Oo nga pala, ikaw lang ang walang

boyfriend!" Pagak na natawa si Crezst at maging si Helen ay nakitawa na rin.

"Happy? Papa-celebrate na tayo?" Kunwaring napipikon kong sabi.

"Oo, ako bahala sa cake tapos ang lettering na nakalagay ay The Last Man Standing." Panggagatong ni Helen.

"Is this Minute To Win It?"

"Gaga hindi! Singing Bee ito!" Pambubwesit pa ni Crezst. I slightly pull a little strand of her hair. Crezst glared at me after I let it go.

"Tama iyan Slaine, hilahin mo hanggang sa maging straight ang buhok niya." Utos pa ni Helen.

"Tangina!" Napamura siya't nabitawan niya ang cellphone.

"Flat-chested ka kasi kaya nang hahawak!" Sigaw ni Helen kay Crezst at pareho na silang nakatayo.

Kinuha ko ang isang cup ng ice cream na hindi bawas at sinimulang kainin iyon habang nanonood sa kanila na naghahabulan.

"Walang personalan, Helen!" Pikong sabi ni Crezst at matalim pa ang tingin sa kaniya.

"Paganti!" Sigaw ni Helen at tumakbo papunta sa direksyon ni Crezst. Hinawakan niya ang hinaharap ni Crezst.

"Hala! Bakit ganoon? Parang wala lang." Pang-iinis ni Helen kay Crezst at umepekto agad.

"Kapag ito lumaki—" Pinutol agad ni Helen ang sasabihin ni Crezst.

"Sige nga, kapag iyan lumaki. Ano?"

"Tawag doon himala!" Ako na ang sumagot at mukhang inis na inis si Crezst pero pinagtatawanan lang namin.

"Tama na nga, baka sumama pa loob ni Crezst." Ani Helen habang nagpipigil ng tawa.

"Hindi ka nga flat-chested, iyong pwet mo lang." Napaubo ako sa sobrang tawa sa binato ni Crezst kay Helen.

"Perfect combination, wow!" Napapalakpak ako, hindi na sila na nagreklamo pa dahil wala silang maibabato sa akin kung pisikal na anyo ang pag-uusapan.

"Ano? Okay na kayo?" Natatawa kong tanong sa kanila nang muli silang umupo.

"Pangitin mo ang pagka-edit, Hel. Inaaway niya tayo!" Bulong ni Crezst na dinig na dinig ko naman.

"Open na Share it, dali." Utos ni Helen at pangisi ako.

"Kanina pa."

"Ang rupok talaga ng kaibigan natin ano? Si Rafus lang pala ang katapat!" si Crezst.

"Sinabi mo pa." Pagsang-ayon ni Helen.

I thanked her after I successfully received 43 pictures. Some were edited, and mostly were original pictures. Helen mouthed you're welcome and started another conversation with new topic.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status