Share

Chapter 6

Sa totoo lang, parang gusto kong tumalon palabas ng bus dahil sa hiya. Talagang nag-uusap sina Kirk, Daven, at Rios sa harapan ko! Of course, I would really feel awkward! Even if they're talking about sa particular game, I could sense a light tension between them.

"Kailan ang exams niyo Slaine?" Biglang tanong ni Rios at ang atensiyon nilang tatlo ay nasa akin.

"Uh, mid-August pa, Rios." Simple kong sagot at nakita ko ang bahagyang ngiti ni Rios.

Three of them striked a conversation with me, and I kept on answering them with close-end, yet they still managed to keep it alive.

Nang makarating ang bus sa terminal ay agad akong bumaba dahil hindi ko talaga kayang manatili na kasama silang tatlo. Muntik na akong mahulog dahil sa pagkatisod, buti nalang nahawakan agad ako ni Kirk sa bawyang kaya nakabalanse ako ulit.

I expressed my gratitude to him, yet when I glanced at the back, I saw Daven and Rios darkly looking at him. When I finally got out of the bus, it was a good thing Crezst and Helen snatched me away, then rode the tricycle.

"Mukha kang natatae kanina, alam mo ba 'yon?" Natatawang sita ni Crezst na sinang-ayunan naman ni Helen.

"Legit ang kaba kapag sabay sabay silang nagpakita."

Bumuntong-hininga ako at hinayaan silang tuksuhin ako hanggang sa tumigil ang sinasakyan naming tricycle sa harap ng Saint Anthony's College.

"Hindi pa ba tayo papasok?" Tanong ni Crezst kay Helen habang nakakrus ang braso sa dibdib at nakaarko ang kilay.

"I've texted Ethan that I'm outside his school. He's on his way here to talk to the guard so we can enter." Helen calmly answered, and after a while, we spotted Ethan drawing near the guard.

"He said we could come in now," Helen added after interpreting what Ethan signaled her.

Sa harap palang ay kapansin-pansin na ang kagandahan ng Saint Anthony's College mula sa buildings at disenyo ng paligid. Tahimik kami ni Crezst na nakasunod sa likuran nina Helen at Ethan. Mukhang hindi pa nga talaga sila ayos, dumidistansya pa si Ethan. Mukhang galit parin ata.

Ethan is in his basketball jersey, so I've assumed that he left his game or practice just to fetch us from the gate.

Kakaunti lang ang estudyante dahil Sabado pero tingin ko ay naghahanda sila para sa sport fest. Iyong sport fest kasi ng WeSaS ay na-postpone at sa Abril pa gagawin. Our school focuses more on academics to produce competent individuals.

Pinipisil ni Crezst ang braso ko tuwing may nakikita siyang gwapo at pawisan. Hindi ko ko alam kung ano'ng iniisip niya, baka idadagdag na naman sa long list of crushes niya.

"Kukunin ko lang ang gamit ko sa bleachers," rinig kong paalam ni Ethan kay Helen.

Napatingin ako sa pinasukan ni Ethan at halos takpan ko ang buong mukha nang makita ko si Martinus na kasabay ni Ethan palabas.

Huli ko lang natanto na dito pala siya nag-aaral. Shit! Pang-apat na encounter ko na 'to sa mga ex ko!

Nakasunod parin kami kina Ethan at Helen kaso sa kamalas-malasan ay sa amin sumabay si Martinus at buwisit naman si Crezst dahil lumalayo, may binabalak na naman ang loka.

Naglalakad kami ngayon papunta sa boarding house nila Ethan at nagtataka ako kung bakit hindi pa humihiwalay sa amin si Martinus.

"Lumipat na ako ng boarding house, Slaine. Magkasama kami ni Ethan sa room." Agap niya, siguro ay napansin ang pagtataka ko. I only nodded and glanced at him with a small smile on my face.

Nakarating na kami sa mismong boarding house pero hanggang lobby lang kami ni Crezst. We don't have business to deal here. We just keep Helen accompanied.

"Oh, Martinus bakit hindi ka pa umakyat sa room niyo?" Pagbubukas ni Crezst ng usapan.

Kumunot ang noo ni Martinus, "Mag-uusap sila sa itaas, hindi ba?"

Napakagat labi si Crezst habang ako ay pinipigilan ang sariling matawa sa kahihiyan niya. Silang dalawa lang ang nag-uusap habang ako ay nanatiling nakatingin sa labas. Tingin ako nang tingin sa oras, magbebente minutos na mula noong umakyat silang dalawa ni Helen at Ethan pero hanggang ngayon ay hindi parin nakababa.

Ganoon ba sila kahaba mag-usap?

"At last!" Mahinang ani Crezst nang mamataan naming pababa sina Ethan at Helen. Lumapit si Crezst sa akin at bumulong. "Nadiligan ang gaga."

Hindi ko maiwasang tingnan si Helen na nanliliksi ang mata. Hindi kami matingnan ni Helen at namumula pa ang pisngi niya.

"Sama ka sa amin pre?" Alok ni Ethan kay Martinus.

Nanlaki ang mata ko nang lingunin niya ako bago harapin si Ethan. "Kayo na lang, Eth. May tatapusin pa ako."

"Sige, una na kami." Si Ethan at tinapik ang balikat ni Martinus.

Bago kami umalis sa boarding house, nagkatinginan muna kami ni Martinus.

Wala naman na akong nararamdaman pa sa kaniya kaya bago ako tumalikod ay matamis ko siyang ngitian. Dumiretso kami sa mall para mag-aliw pero nag-aya agad si Crezst na kumain ng pananghalian at nagprisinta pa na lilibrehin ako.

"Kahit ano na," sagot ko nang magtanong siya ng gusyo kong kainin.

"Gaga, walang pagkain na kahit ano!" Paalala niya sabay tampal sa braso ko. "Kung order-an kaya kita ng testicle?"

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya pero magtama ang tingin namin ay pareho kaming natawa. Biniro ko siya tungkol sa lasa no'n at nagulat ako nang ibinulong niya ang sagot sa akin.

"Tanungin natin si Helen mamaya, tutal nakatikim siya ng dilig ngayong araw." Aniya at napahagikgik.

"Bastos ka talaga," wika ko at kinurot ang tagiliran niya.

Helen and Ethan insisted on treating us lunch, so we had no choice but to agree. While waiting for them to arrive at our table, Crezst started a conversation with a light topic, and we only stopped upon seeing the couple drawing near us.

If I had a choice, I would smack Crezst's head for throwing double meaning questions to Helen. Ethan seems clueless, yet Helen's cheeks went crimson red from so much teasing.

"Shit, si Mama!" mahina kong mura at si Crezst lang ang nakarinig no'n.

"Huh? Nasaan? Hindi ko naman nakita si Auntie!" Sipat niya matapos sundan ang tinitignan ko.

"Ano'ng hindi? Kitang kita ko kaya si Mama mula rito."

"Namamalikmata ka lang, Aranza." Napailing si Crezst at itinuloy ang pagkain.

Sigurado akong si Mama iyon! Hindi ako namamalikmata. Siya talaga 'yong nakatayo sa labas ng Penshoppe at may dalang paperbags mula sa ibang stores! She looked elegant in an olive green flounce dress and white heels.

"Hindi ba iyong ang Mama ni—"

Hindi natapos ni Helen ang sasabihin dahil nagulat siya sa biglaang pagtampal ni Crezst sa braso ko.

"Gaga ka! Akala ko kung sinong Mama ang tinutukoy mo! Mama lang pala ni Rafus!"

Nakangiti lang ako sa kanila habang binabalewala ang mga verbal attack nila. Kalaunan ay dismayado silang umiling at si Ethan naman ay nakangisi lang sa akin na ganadong kumakain.

"Slain, tigil-tigilan mo nga ang pag-hype mo kay Rafus." Seryosong sambit ni Crezst sa akin habang nalalakad kami patungo ng Movie World.

"Crush lang naman, Crezst! Parang hindi ka naman nakaranas ng ganito phase."

"Well, it doesn't look like one to me! Ilagay mo nga sa lugar ang pagkadelusyunada mo minsan! Huwag mong tawagin na Mama iyong Mama niya!"

Kung hindi pa siguro kami nakapasok sa loob ng sinehan, hindi matatapos-tapos ang pangangaral ni Crezst sa akin. Oo, naiintindihan ko namang may opinyon siya, pero sa bagay na 'to, iyong akin lang ang susundin ko.

We spent almost two hours in the cinema, watching a Romance-Comedy genre movie. Gusto naming bigyan ng privacy sina Helen at Ethan kaya upo kami sa malayo. Hindi narin kami nagtaka ni Crezst na sobrang intimate na nila pagkalabas ng sinehan.

"Sana pala isinama ko si Dan!" Reklamo ni Crezst habang nakapako ang tingin sa kanila na magkahawak ang kamay.

"Kapag inggit, pikit." Bulong ko sa kaniya at bahagyang humalakhak nang pinaningkitan niya ako ng tingin.

Tumingin ako sa paligid at napakamot ng ulo dahil nawala na sa paligid sina Helen at Ethan. Magtatanong sana ako kay Crezst pero pinakita niya ang cellphone.

"We shouldn't ruin their date. Let them do what they want, there's old enough." She calmly uttered and draped her arm over my shoulders. "Helen said we'll meet her in Dalipe at four. So for now, I'll help you with your groceries!"

I heaved a sigh and let go of my worry about Helen. Maybe it's an instinct to be overprotective of my best friend even from her boyfriend.

Bumaba kami ng first floor ng Robinson's Mall at nauna pang pumasok si Crezst ng grocery store saka kumuka ng malaking cart.

"May bibilhin ka?" Gulat kong tanong.

Pagak na natawa si Crezst sa akin. "Duh, Slaine! Obviously! Alangan namang trip ko lang itulak itong cart, hindi ba?"

Hindi na ako nagsalita dahil alam ko na ang mga bibilhin niya ay pang-stock sa kwarto. I once visited her room and she has here own ref filled chocolates and yogurts.

Habang pumipili ng goods ay nagkukulitan kami at pinagtitinginan na ng mga tao dahil sa lakas ng tawa namin. Nawala ang ngiti ko nang may matanaw na pamilyar na bulto na pasimpleng naghahawakan ng kamay sa malayo.

I'm so certain that the two of them were so familiar to me but I'm afraid to name it. When I glanced back at them, they're nowhere to be found. I stopped myself from trailing them despite wanting to know who they really were.

"Grabe ang kilig ko!" Tili ni Helen at halos abot-tenga ang ngiti.

Narito kami sa lalim ng malaking puno para magpalipas ng oras. Dalawang araw na ang nakalipas mula noong nagkaayos na sila.

"Halatang-halata naman kahit hindi mo sabihin, Helen." Bored na sabi ni Crezst at maarteng napairap.

"Napaka-unsupportive mo naman, Crezst! Pero salamat uli sa pagsama niyo sa akin kahit na malas na araw mo 'yon, Slaine."

Napangiwi ako, "Hindi mo na kailangang banggitin ang parteng iyan, Helen."

"Speaking of your exes, Slaine..." Natigil si Crezst sa kaiinom at napangisi sa akin. "Gumagwapo ata ang mga iniwan mo."

"So? Ang ibig mong sabihin ay?"

"Baka baklitad daw iyong sa'yo Slaine," bulong ni Helen at bahagya pang napahagikgik.

Napatayo ako at pabirong dinuro silang dalawa na galit. "Hoy! Kahit iniwan ko sila, hindi nababawasan ang ganda ko! I'm confidently beautiful with or without them!"

"Shala! Pwede ka ng sumali sa Binibining Pilipinas!" Pumalakpak si Crezst habang nagpipigil sa tawa si Helen.

"Ehem, may PowerPoint pa palang ipapasa. The clock is ticking, deadline is coming." Paalala ko at bahagyang naaliw sa mukha nilang pinagbagsakan ng langit.

Napamura silang dalawa pero binalewala ko nalang iyon dahil naagaw ni Rafus ang buong atensiyon ko. Kalmado siyang naglalakad sa corridor at ewan ko ba pero nakikisigan ako sa paraan ng paglalakad niya.

I could notice the biceps beneath his uniform and its like his firm thighs are inviting me to sit on it.

When our break time ended, I asked them to accompany me so I could at least take a glance on him. Then there, they started blabbering about me being desperate and delusional.

"You're totally whipped, aren't you?"

"Yes!" I answered Helen's questions immediately. "So watch me whip, watch me nae nae," I added while playfully dancing to it.

We were still at the corridor and I don't mind if many students were watching me ridiculously.

Abot tainga ang ngiti ko habang naglalakad papalapit sa classroom nila Rafus. We didn't mean any distraction, I just wanna watch him while he's all ears to the teacher.

My cheeks heated while watching him actively reciting in class. It felt surreal seeing him like that. He's so handsome even with glasses on. I could notice the slight changes in him physically, yet for me he's still the Rafus I like since grade nine.

His brows furrowed when our gaze met. I beamed at him yet he face remained stoic. Eventually, he averted his eyes to the teacher in front. It made me feel ecstatic.

Our eyes met! For me, it's already a progress!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status