Share

Chapter 47

Caspian Jyn’s Pov

Shit! Hindi ko akalain na ganito pala ka-slow si Asper pagdating sa mga ganitong sitwasyon. Akala ko ay magiging malinaw na sa kanya ang nararamdaman ko pagkatapos ng nangyari sa kusina pero mukhang iba pa din ang nasa isip niya.

Napasapo na lang ako ng noo habang nakatingin sa kanyang likuran.

Matapos niya kasing sabihin iyon ay muli na siyang bumalik sa loob ng mansion para ituloy ang pagluluto na ginagawa niya.

At naiwan ako dito sa garden na natanga na lang dahil sa mga konklusyon niya na malayo sa katotohanan.

“Boss!” Agad na lumapit sa akin si Rajiv na kasama ang magkapatid na Dash at Karyu. “Tapos na kayong mag-usap ni Asperin?”

Tumango ako at bumuntong hininga.

“Ayos!” masayang sabi ni Karyu. “Ibig bang sabihin niyan ay girlfriend mo na siya?” Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya kaya agad siyang napaatras. “B-bakit, Boss? May nasabi ba akong mali?”

Bumuntong hininga ako at umiling na lang.

Hindi ko naman mababago ang pag-iisip ni Asper kung ibubunton ko
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status