Asper Reign Dahlia’s PovDahil nga binabawasan ko ang encounter namin ni Jyn sa bawat araw ay mas binibigyan ko ng oras ang SweetHeart kaysa sa pagtambay ko sa mansyon niya.Nagluluto pa din naman ako sa kanila pero tuwing umaga na lang para sa kanilang almusal at tuwing gabi para sa kanilang hapunan.Sinabihan ko na din kasi si Rajiv na gusto kong pagtuunan ng pansin ang shop ko dahil nahihiya na rin ako kay Miracle.Lalo ngayong mayroon na siyang sariling buhay na dapat asikasuhin.Ayaw ko namang maging hadlang pa para sa ikalawang pagkakataon ng relasyon nila ni Rajiv.Pero syempre ay binibigyan ko pa din kahit paano ng oras si Jyn para hindi naman siya makahalata na umiiwas ako. Kinukulit ko pa din siya tulad ng dati at malapit pa din ako sa kanya.Ipinaparamdam ko sa kanya na walang nagbago sa pagitan namin kahit na may halikan pang naganap.“Bakit ba hindi mo na lang aminin na in love ka na sa kanya?”Nanlaki ang mata ko nang marinig ang boses ni Miracle mula sa likod ko. Agad a
Miracle Raydale Azaria’s PovIsang taon na din pala ang lumipas mula nang huli kong makatungtong ng palasyo kung nasaan ang mga magulang ko. Hindi ko akalain na ganoon na katagal.Pakiramdam ko kasi ay parang kahapon lang nang piliin kong lisanin ang lugar na ito para maging anino ng pamilya namin at magtrabaho para sa sarili ko nang hindi na umaasa sa kanila.At tulad ng dati ay hindi ko talaga gusto ang pakiramdam sa lugar na ito.Kahit naman kasi pamilya ko mismo ang nakatira dito ay halos hindi din pamilya ang turingan namin. Lalo na kapag may ibang taong nakaharap.Nararamdaman lang namin na pamilya namin sila noong mga bata pa kami at walang kamuwang-muwang sa mga nangyayari sa paligid namin.Pero oras na tumuntong kami sa edad na labing-anim, doon nagsisimula ang pagiging malamig ng lahat hanggang halos wala na silang ibinibigay apeksyon sa amin.At doon nagsisimula ang pagiging mahigpit nila sa amin hanggang sa tuluyan na nila subukang kontrolin ang mga buhay namin.“I didn’t
Rajiv Fleisko’s Pov“Hey!” Nakangiti kong kinawayan si Miracle nang tuluyan siyang makalabas sa gate ng palasyo ng Hexoria.Hindi ko na siya napigilan pang pumasok sa loob kaya naman naghintay na lamang ako dito sa labas at nag-aabang kung ano ang kahihinatnan ng mga bagay na gagawin niya sa loob.Nanlaki pa ang mga mata niya nang makita ako kaya agad siyang lumapit sa akin. “A-anong ginagawa mo dito?”“Pinasundan ka ni Asper.” Hinila niya ako palayo sa gate. “Nag-aalala kasi siya na baka kung ano ang gawin mo kaya nang makita niya ako ay agad kong sinabi na susundan kita.”“Alam mong hindi ka dapat naririto.”Tinaasan ko siya ng kilay. “At bakit? Hindi nila ako kayang tanggapin? Malaki na ang pinagbago ng buhay ko sa loob ng tatlong taon.”“Alam mo ang ugali ng mga magulang ko, Raj,” sambit niya. “Hindi sila papayag na makarelasyon ko ang isang lalaki na hindi sila ang pumipili.”Nginisian ko siya. “Kung noon ay hindi ko kinaya ang panggigipit ng mga magulang mo kaya pinili kong luma
Asper Reign Dahlia’s PovParang lalo akong kinabahan nang makita ko si Miracle na nakangiting bumaba ng kanyang sasakyan.Hindi ko alam kung ano ang ginawa nya ngunit para bang may malaking kapalit kung anuman ang ginawa niya nang umalis siya.Agad ko na siyang sinalubong at hinawakan ang kanyang mga balikat. “A-anong nangyari? Saan ka ba nagpunta?”“Ano ka ba?” Inalis niya ang pagkakahawak ko sa kanyang balikat at ginulo ang aking buhok. “Sorry for making you worry but I handle things very carefully. Kaya pwede ka nang kumalma diyan.”“Pero…” Aangal pa ako pero hindi niya ako binigyan ng pagkakataon. Agad niya akong hinila papasok ng bahay at dumeretso kami sa kusina.“Lutuan mo na lang muna ako, Asper,” sabi niya. “Mahaba-haba din ang naging byahe ko at talagang nagugutom na ako.”Tinitigan ko siya.Oo nga’t may bakas talaga ng saya ang kanyang mga mata ngunit nakikita ko din na mayroong pag-aalala doon.Bumuntong hininga siya. “Ipapaliwanag ko sayo ang lahat, okay?” sabi pa niya. “
Asper Reign Dahlia’s PovIlang araw na din ang nakalipas ng ipaalam sa akin ni Miracle ang tunay niyang pagkatao. At mula noon ay hindi pa kami nag-uusap.Si Pruska ang pinapapunta niya dito sa bahay para kunin ang mga product namin na kailangang i-deliver.Hindi din ito pumapasok sa shop at wala din sa kanyang tinutuluyan. Ni hindi tumatawag sa akin kaya nagsisimula na akong mag-alala.At alam kong isang tao lang naman ang maaari kong kausapin para malaman kung nasaan ang babaeng iyon ngayon.“Asper?” Bakas ang gulat sa mata ni Jyn nang makita ako sa tapat ng front door ng mansyon niya. “Gabing-gabi na ah. May nakalimutan ka?”Umiling ako. “Gusto ko sanang makausap si Rajiv.”“Wala si Rajiv dito,” aniya. Nilakihan niya ang pagkakabukas ng pinto at tuluyan akong pinapasok sa loob na agad ko namang ginawa. “Ilang araw na din siyang hindi umuuwi.”“Magkasama ba sila ni Mira?”Bumuntong hininga siya. “To be honest, I don’t really know,” sagot niya. “Nagpaalam lang ang tarantadong iyon na
Asper Reign Dahlia’s Pov“Wait!” pigil ko sa kanya. “I thought the only thing that his father wants in return for my foundation’s freedom is the hard evidence that they need to convict those people who wanted to use me as a tool to ruin their family and their leadership to this county.”That is what Miracle told me last time we talked. Kaya nakakagulat na mayroong plano ang hari na gawing tagapagmana ng trono si Miracle gayong kailanman ay hindi napabalita na pinaboran ng hari ang mga anak niyang babae pagdating sa mga matataas na posisyon sa palasyo.“Iyan ang kondisyon ng hari kay Miracle,” sabi ni Jyn.Nandito na kami ngayon sa garden dahil mukhang mahaba-haba pa ang paliwanagan na kailangan namin sa mga nangyayari ngayon.“But that same day, Rajiv also met with the king and queen,” he added. “And they asked him to help Miracle to become the queen and the leader of this country instead of their son.”“So, finding evidence to the people opposing the Azaria’s rule over this country i
Asper Reign Dahlia’s PovIlang beses akong lumunok ng sarili kong laway bago ako tuluyang nagkaroon ng lakas ng loob na kumatok sa front door ng villa namin.Jyn, being one of the most influential people in this country, managed to find where my family was at this moment and we learned that they are having a vacation at one of our villas outside the Royal Region.Kaya dito na kami dumeretso.Though I actually doubt that this is just a coincidence.Mula nang magkaroon ng kanya-kanyang trabaho ang mga kapatid ko at maging abala ako sa pagpapatakbo ng foundation, halos wala na kaming oras para makapagbakasyon.Tanging ang mga magulang lang namin ang madalas gumamit ng mga villas namin. At kaming mga anak nila ay nakakasama lang nila sa isa sa mga iyon tuwing birthday ni Mommy o kaya ay anniversary nila.At wala namang okasyon para magbakasyon silang lahat sa kanilang trabaho kaya tingin ko ay sinadya ang pagkikitang ito.Though, I still can't figure out who set this up.“Asper!” Isang ma
Asper Reign Dahlia’s PovWe had a great dinner.Maliban sa masarap na pagkain ay masaya din ang pag-uusap namin ng pamilya ko. We all talked about what happened to our lives in the past year. Maging ang mga kalokohan namin at ang mga sakit ng ulo na ibinigay nila kay Daddy.Napag-usapan din namin kung paano sumakit ang ulo ni Daddy sa paghahanap sa akin, maging sa pakikialam ko sa isyu ni Easter.Nakatikim pa nga ako ng pitik sa noo mula sa kanilang lahat dahil kahit daw nasa malayo ako ay nagagawa ko pa din pasakitin ang ulo nila.But all in all, we had a great night with each other.And because of that, we all decided to have at least once a month vacation starting from here onwards so that we will not miss each other’s life happenings.After that, Dad chose his study room so we could start talking about serious matters. And from this, kasama na namin si Jyn na hanggang ngayon ay nakasuot pa din ng half-mask.“So, what do you want to know first?” tanong ni Daddy. Nakaupo siya sa swi