Share

Chapter 31.2

"Bakit mo ako hinalikan?" Hindi napigil ni Raya Fae ang panlalaki ng kanyang mga mata.

"To shut you up." Muling tumalikod si Damielle Astin. Humakbang rin si Raya Fae upang sundan siya.

"Hoy, ano ba! Huwag mo nga akong iwan!" Mabilis na humarang si Raya Fae sa kanyang daraanan dahilan upang matigil si Damielle Astin sa paghakbang.

"Alam mo, wala kang konsensiya para iwanan ako nang mag-isa. Alam mo namang hindi ko kabisado rito tapos ang dilim-dilim pa rito .Paano na lang kung may mangyaring masama sa'kin? Kakayanin ba ng konsen--"

"Miss Escobar!" Natigil si Raya sa sasabihin dahil sa pagtawag. Pareho silang napalingon ni Damielle sa pinagmulan ng tinig.

Nangunot ang noo ng babae nang makita niya kung sino ang papalapit. Iyon ay walang iba kundi ang lead vocalist ng banda.

"Don't you remember me, Miss Escobar?"

Lalo namang lumalim ang gitla sa noo ng babae. Lalo siyang napatitig sa mukha ng lead vocalist.

Aniya sa sarili, pamilyar nga ito sa kanya. Tila ba nakita na niya ito
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status