Share

Chapter 35.1

Pakiramdam ni Raya ay naririndi siya sa malakas na tawa ni Natasha. Nang hindi na siya makatiis ay tumayo siya sa pagkakaupo. Agad naman niyang nakuha ang atensiyon ng dalawa. Natigil sa pagtawa si Natasha. Gumuhit rin ang pagtataka sa mukha ni Damielle Astin.

"Pupuntahan ko lang ang mga bata." Walang kangiti-ngiting wika niya. Hindi na rin hinintay na magsalita ang kahit sinuman sa kanilang dalawa. Agad siyang humakbang paalis ng dining area.

Nang tuluyan siyang makatalikod ay tila lalong humapdi ang kanyang puso. Pakiramdam rin niya nangasim ang kanyang sikmura. Hindi niya mawari ang emosyon. Basta ang alam niya ay parang anumang oras ay gustong tumulo ng kanyang luha.

"Hey!" Narinig niya ang pagtawag ni Damielle Astin.

"Are you alright? May problema ba? Hindi mo ginalaw ang pagkain mo?"

Pinilit na lamang niyang ngumiti.

"Hindi ba sabii ko na sa'yo na magda-diet ako?"

Napabuntong-hininga na lamang si Damielle Astin.

"Sige na, pupuntahan ko lang ang mga bata. Bumalik ka na s
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status