Share

Chapter 38.2

Hindi napigil ni Raya Fae ang mapabuntong-hininga.

"Ang lalim naman no'n. May problema ba?" Tanong ni Damielle Astin kasabay ng pagyakap nito mula sa kanyang likuran.

Kasalukuyan silang nasa veranda ng kanyang silid at nakatanaw sa hardin ng tahanan ng mga Escobar. Malapit nang mag-alas dose at gising na gising pa rin ang diwa ni Raya Fae. Kanina pa nakauwi sina Flacido at Gabriel at hindi niya alam kung paano napapayag ni Damielle Astin ang kanyang ama na doon siya magpalipas ng gabi.

"Sigurado ka na ba talaga?" Tanong niya sa lalaki.

"Saan?"

Hinarap siya ni Raya Fae upang mas makapag-usap sila ng maayos.

"Pakakasalan mo ba talaga ako? Sigurado ka na ba? Kasi wala nang atrasan 'to."

Hinuli naman ni Damielle Astin ang kanyang mga mata at masuyo siyang tinitigan. Muli ring kumilos ang kamay nito upang yakapin siya.

"Yes. I am hundred percent sure."

Hindi naman umimik si Raya Fae. Sinsero naman ang lalaki ngunit mukha pa ring hindi iyon sapat upang mapalagay siya. Hindi tuloy
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status