Share

Chapter 41.2

Mabilis na tinawid ni Raya Fae ang distansya nilang mag-asawa.

"Nawawala? Sinong nawawala?" Hindi naitago niya ang pag-alaala. Halos hindi na rin niya marinig ang sarili dahil sa lakas ng kabog ng kanyang puso. Malinaw niyang narinig ang sinabi ng nasa kabilang linya ngunit gusto niyang makasiguro. Umaasa siyang nagkamali lamang siya nang narinig.

"Tell me, ang mga bata ba ang nawawala?"

Marahan namang hinawakan ni Damielle Astin ang balikat ng kanyang misis. Hindi na rin niya binigyan pansin ang kanyang cellphone kahit nasa kabilang linya pa ang kanyang biyenan.

"Relax, okay?" Mataman itong tumitig sa kanyang mga mata.

Agad naman umiling si Raya Fae. Tila hindi nakatulong ang masuyong tingin ng kanyang mister. Sa halip ay tila lalo siyang naghisterikal.

"Relax? Nawawala ang mga anak natin, Damielle! Paano ako magre-relax?" Mabilis na humakbang ang mga paa nito palabas ng palikuran. "Pupuntahan ko si Daddy."

Agad naman siyang sinundan ni Damielle Astin.

"Ako na lang. Huwag ka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status