Share

Chapter 36.2

Flashback..

Pakiramdam ni Algeria ay para siyang papanawan ng ulirat. Nanginginig siyang humakbang palapit sa kanyang anak na si Damielle Astin

Napalunok siya bago siya lakas-loob na magsalita.

"A-Astin, anak."

Agad naman niyang nakuha ang atensiyon ng labing-apat na taong gulang na si Damielle Astin.

"A-Ano 'yang hawak mo anak?"

Hindi niya napigil ang sariling mapahawak sa kanyang tiyan. Malaki na iyon at nasa ikapitong buwan na siya ng pagbubuntis. Ngunit ngayong nakita niyang may hawak na baril ang binatilyo niyang anak ay para siyang mapapaanak nang wala sa oras.

Nanatili namang nakatingin sa kanya ang binatilyo. Blangko ang ekspresyon ng mukha nito. At tila hindi man lang ito nabahala na nahuli siya ng kanyang ina na may hawak na baril.

"Please give it to me." Inilahad nito ang kanyang nanginginig na kamay. Kitang-kita rin ang pagbuo ng butil sa pawis sa kanyang noo.

"Akin na." Marahan siyang lumapit sa kanyang anak. "Hindi 'yan laruan, anak."

Napakurap naman si Damiel
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status