Share

Chapter 37.2

Lalong namutla si Raya Fae nang makita niya si Damielle Astin. Hindi niya naiwasan ang pagkabog ng kanyang dibdib. Hindi niya mawari ngunit pakiramdam niya ay nakagawa siya ng malaking kasalanan.

"D-Damielle." Hindi niya naiwasang mautal.

Umigting naman ang panga ni Damielle Astin at hindi nakaligtas sa paningin ni Raya Fae ang pagkuyom ng kamao nito. Ngunit nang mapunta ang tingin nito sa dalawang bata na nakatitig rin sa kanya ay pilit nitong kinalma ang kanyang sarili.

"Let's go home." Pinilit nitong maging mahinahon.

"But daddy, we're still playing."

Muli namang napabuga ng hangin ang lalaki bago ito lumapit sa kambal.

"Masyado nang gabi para maglaro, son. Don't worry, babalik pa naman tayo dito. Let's go home, okay?" Binigyan niya ng masuyong tingin ang batang si Damon kasabay ng paghaplos nito sa buhok nito.

"Okay, Dad." Marahan namang tumango ang batang si Damon. Walang imik namang nagpatiuna ang batang si Devonne. Agad na ring sumunod ang kakambal nitong si Damon. N
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status