Share

Chapter 35.2

Wala nang nagawa si Raya Fae kundi sumama na rin sa bakasyong sinasabi ni Natasha.

Mukha rin namang gusto ni Damielle Astin ang maikling bakasyon na iyon dahil nag-abala pa itong puntahan ang ama niya upang ipagpaalam silang mag-iina ng personal.

Ayaw niya sanang sumama dahil parang nasusuka siya sa pagmumukha, kilos at pananalita ni Natasha ngunit may bahagi ng puso niya ang hindi papayag na masolo nito si Damielle Astin. Para siyang mababaliw sa kaiisip kung anong gagawin ng dalawa sa bakasyon kung sakaling magsolo sila.

Hindi na rin maintindihan ang sarili. Kung pwede lamang niyang ikadena si Damielle Astin ay kanina pa sana niya ginawa.

"Welcome sa vacation house ng mga Villacorda." Matamis ang ngiti ni Natasha kasabay ng paglahad ng kamay nito sa dalawang palapag na bahay.

Hindi niya naiwasan ang mapataas ang kilay. Kung pag-aari pala ng mga Villacorda ang vacation house, bakit ito ang umaastang may-ari? Ito pa ang may ganang mag-imbita sa kanila.

"There's a playground ove
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status