Share

Chapter 32.2

Hindi naiwasan ni Raya Fae ang malula nang makarating sila sa mansion ng mga Villacorda. Kung malaki na ang bahay ni Damielle Astin ay 'di hamak na mas malaki at mas malawak ito ng sampung beses. Mayroong limang bahagi ang mansion. Iyon ay ang main House at apat na bahay na inilaan para sa apat na anak ni Don Flacido Villacorda. Mayroon pangalan ang bawat bahay na konektado sa main house. Iyon ay ang House of Gabriel, House of Florence, House of Astin at House of Bluementrint.

At dahil nga mayroon nakalaang bahay para kay Damielle ay sa main door ng House of Astin sila dumeretso.

"Wow! This is such a big house!" Hindi naitago ng batang si Damon ang kanyang pagkamangha. Samantalang ang batang si Devonne naman ay nanatiling walang kibo.

"Sandali!" Hinawakan ni Raya Fae ang braso ni Damielle Astin. Naging dahilan rin iyon upang mapalingon sa kanya ang lalaki.

"Tell me about your father. Hindi naman siguro siya masungit 'di ba? Tingin mo, magagawa niya kayang tanggapin ang mga anak k
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status