Share

KABANATA 56

Overthink

Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Everett, pero hindi ko yun pinahalata sa kanila, ngumiti pa rin ako, kunwari hindi ako naapektuhan sa sinabi nila.

Maghiganti? Ganun siya kagalit sa mommy niya? Napatingin ako kay Mike na seryoso parin, hindi alam ang pinagusapan namin rito.

Kinagat ko ang labi ko at hinawakan ang malaki kong tiyan, 'anak hindi ganun si daddy, okay? tingnan mo ang mga tito mo sa harap, sila ang pumigil kay daddy na hindi gawin iyun.. hindi niya tayo sasaktan dahil mahal niya tayo, tulongan mo si mommy na hindi magisip ng masama kay daddy anak'.

Biglang tumunog ang cellphone ni Lee kaya tumayo ito at lumayo para sagutin ang tawag, habang si Everett seryoso lang ang tingin sa kawalan. Ano kaya ang inisip nito?

Nahuli niya akong tumingin sa kanya kaya tipid lang ako ngumiti, pero hindi siya ngumiti at seryoso lang akong tiningnan at ang malaki kong tiyan.

May binulong siya pero hindi ko maintindihan.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status