ANG sumunod na naging pananalasa ni Daniel sa pagkababae ni Ara ay tunay nga namang naghatid sa dalaga ng nakakabaliw na karanasan. Iyon ang unang pagkakataong nakipagtalik siya kaya naman normal nang naging makirot iyon pero katulad ng inasahan niya ay nanatiling banayad ang binata sa kaniya.
Inangkin siya ni Daniel sa paraan na alam niyang hindi niya makakalimutan kahit na kailan. At ngayon pa lang alam niyang ito ang bagay na kahit kailan ay hindi niya pagsasawaan dahil galing ito sa lalaking pinakamamahal niya.
Gusto niyang maging marahas ito sa kaniya. Gusto niyang angkinin siya ng binata sa paraan na alam niyang mawawala na siya ng tuluyan sa kaniyang huwisyo at iyon ang ibinulong niya sa lalaki ng pakawalan nito ang kaniyang mga labi.
"Please, harder," aniya rito.
Noon nakita ni Ara na kumislap ang kapilyuhan sa mga mata ng binata. "Are you sure?" tanong pa nitong binigla ang muling pagpasok
MADILIM na sa labas ng bintana nang magising si Daniel na kayakap si Ara na mahimbing parin na natutulog. Tanging ang liwanag na pumapasok sa bukas na bintana ng kaniyang silid na nagmumula naman sa poste ng kuryente sa may labas ng bahay ang tanglaw nila. Pero sa kabila noon ay sapat parin ang liwanag na iyon upang mapagmasdan niya ng husto ang mahimbing na pagtulog ng magandang mukha sa kaniyang tabi na nakaunan pa sa kaniyang dibdib.Mabilis na humaplos ang mainit na damdamin sa puso ni Daniel habang pinagmamasdan ang pinakamagandang mukha na nasilayan niya sa buong buhay niya. Kung totoo man ang sinasabi ng doktor na tumingin sa kaniya na malapit na siyang mawala, na maaaring apat hanggang anim na buwan na lamang ang itatagal ng buhay niya siguro gugugulin na lamang niya ang mga panahong iyon kasama si Ara.Hindi niya alam kung papayag ang mga magulang nito sa ganoong setup pero gusto parin niyang subuka
PILITang tawa na pinakawalan ni Ara saka tinitigan ang maiitim na mga mata ni Daniel. Ilang sandali silang nagtitigan.Her deep blue eyes against his dark eyes. Pagkatapos ay nakita nalang niya ang sarili niyang tumakbo at mahigpit na niyakap ang kaniyang nobyo.Kung minsan nga naman napakasakit magbiro ng kapalaran.Kung kailan niya nakita ang totoong kaligayahan at tunay na kahulugan ng buhay ay saka naman nangyari ang ganito."Hindi ko alam kung bakit kinailangan pa kita makita at makilala kung ganito rin lang pala ang mangyayari sa ating dalawa. Pero Ara, huwag mo akong iiwan, bigyan mo ako ang dahilan para pilitin ko parin ang lumaban. Pipilitin kong ipaglaban ang buhay ko, para sa'yo, kasi mahal na mahal kita, hindi kita gustong iwan," si Daniel na katulad niya ay umiiyak narin habang mahigpit ang pagkakayakap sa kaniya.Walang maisip na kahit anong pwede niyang sab
"KUNG anuman ang ibig mong sabihin, mas maganda kumain na tayo para makapagpahinga ka na," aniyang pinakawalan ang sarili mula sa binata at pinagkatapos ay hinawakan ang braso nito saka iginiya paupo sa isang silya."Oo nga pala, hindi ko pa nasasabi sa'yo uuwi si Mama, kasama si Ate Danica," makalipas ang ilang sandali nang kumakain na sila ay iyon ang narinig niya sinabi ng binata.Nahati sa dalawa ang nararamdaman ni Ara dahil doon.Natuwa siya dahil matapos ang mahabang panahon ay makakasama na ni Daniel ang ina nito sa wakas. At nalungkot dahil kahit hindi pa nasasabi sa kaniya ng binata ang totoong dahilan ng pag-uwi ng kapatid at nanay nito ay tila ba nahuuhulaan na niya kung ano iyon."Kukuha tayo ng second opinion," anitong pinasigla ang tinig saka hinawakan ng mahigpit ang kaniyang kamay.Tumango siya saka inabot ang mukha ng binata at banayad na hinaplos ang pisngi n
"ARE you sure kaya mong mag-drive? Gusto mo bang mag-commute nalang tayo tutal maaga pa naman?" tanong ni Ara kay Daniel Lunes ng umaga nasa loob na sila ng kotse noon at kasalukuyan niyang ikinakabit ang kaniyang seat belt.Katulad ng dati sinundo siya ng kaniyang nobyo para magkasabay silang papasok sa eskwelahan. Hindi pa nga niya nasasabi sa mga magulang niya ang tungkol sa sitwasyon ng kaniyang nobyo pero plano rin niyang ipaalam sa kanila ang totoo. Para hindi magtaka at magtanong ang mga ito kung bakit mas madalas na siyang nasa malaking bahay para samahan ang binata."Oo naman, hangga't kaya ko hindi kita hahayaang mag-commute. Ayokong maulit iyong nangyari sa iyo noon, binastos ka ng lalaking lasing," anitong mataman siyang pinakatitigan.Tumango siya saka hindi napigilan ang magpakawala ng isang malungkot na buntong hininga na umabot sa pandinig ng binata. Noon nito hinawakan ang kamay niya saka iyo
IYON ang araw ng schedule ni Daniel para sa ibang doktor at ospital kung saan ito kukuha ng second opinion kaya hindi na muna ito pinapasok ni Marielle sa eskwelahan. Iyon din ang dahilan kaya mag-isa siyang pumasok at nag-duty sa library.Nanatiling tahimik si Ara, hindi dahil walang kumakausap sa kaniya kundi dahil wala si Daniel at labis siyang nangungulila sa kaniyang nobyo."Ara, sabay ka sa amin ni Jenny mamayang lunch?" si Jason iyon nang lapitan siya nito habang pilit niyang inaabala ang sarili sa maraming titles ng libro na ine-encode niya sa harapan ng computer.Tiningnan niya si Jason saka pilit na nginitian. "Salamat pero okay lang ako," sagot niya.Sandali muna siyang pinakatitigan ng kaibigan niya bago ito tumango-tango at nagsalita. "Sige ikaw ang bahala," anitong alanganin muna siyang muling tinitigan bago tuluyang iniwan.Mag-isa siyang kumain ng lunch nang ara
KATULAD ng sinabi ni Daniel sa kaniya nasa malaking bahay ang mga magulang at kapatid niya at doon nga niya inabutan ang mga ito. Nakangiti si Marielle nang salubungin siya nito at yakapin. Pagkatapos ay mabilis rin siyang niyaya ng mga ito kasama ang mga magulang at pati narin ang bunsong kapatid niya na kumain na dahil nakahanda narin ang hapunan sa komedor.Puno man ng pagtataka ay mas pinili narin ni Ara ang hindi magtanong at hintayin nalang ang sasabihin ni Daniel tungkol sa naging resulta ng pagpapasuri nito.Pagkatapos kumain ay niyaya siya ng binata sa garden kung saan naroon ang isang swinging bench na may canopy at yari sa bakal. Naupo sila doon ng magkatabi.Ilang sandaling nakiraan sa kanila ang katahimikan. Parang walang kahit isa sa kanila ang may gustong magsimula ng usapan dahil alam din naman nila pareho kung ano ang magiging topic nila kaya sila naroroon.Nang haw
NANG gabing iyon ay nakiusap si Ara sa kaniyang mga magulang upang payagan siya na sa malaking bahay na muna manatili. Sa simula ay parang nag-alangan pa ang mga ito lalo na ang kaniyang ama para payagan siya. Pero sa kalaunan ay naipaliwanag rin niya ang lahat sa kaniyang nanay at tatay.Una niyang inilagay sa loob ng kaniyang bag ang kaniyang diary kasama ang mga sulat na galing mismo kay Daniel. Kahit kasi nabasa na niya ng maraming beses ang mga iyon ay hindi parin siya nagsasawang ulit-ulitin dahil hindi naman nagbabago ang pagmamahal at mainit na damdaming humahaplos sa puso niya."Balikan mo nalang ang iba mong kailangan anak, tutal hindi naman malayo ang bahay nina Daniel mula rito," ang nanay niyang si Susan na nakatayo sa may pintuan ng kaniyang kwarto.Noon niya nilingon ang kaniyang ina saka pinilit ang isang ngiti pagkatapos ay ipinagpatuloy niya ang kaniyang ginagawa."Huwa
SA nakalipas na mga araw ay naging abala na nga ang magkasintahan katulong ang ina ni Daniel sa pag-aasikaso ng kasal nila na gagawin sa mismong opisina ni Judge Arcega. Ang hukom na kaibigan ng ama at ina ni Daniel na siyang magkakasal sa kanilang dalawa."Saan tayo pupunta?" tanong ni Ara isang araw bago ang kasal nila.Sabado iyon at walang pasok sa eskwela habang gaganapin naman kinabukasan ang kasal nila."Bibili tayo ng damit na isusuot mo para bukas. Gusto ko iyong maganda," ang binata pinakatitigan siya saka hinaplos ang kaniyang pisngi."Kaya mo pa bang mag-drive?" tanong niya sa nobyo sa nag-aalalang tono."Oo naman, sinasamantala ko nga ang pagkakataon na malakas pa ako kasi alam ko hindi magtatagal hindi ko na magagawa ang lahat ng ito lalo na kapag nag-start na ang treatment ko," ang binata sa kaniya nang palabas na sila ng garahe.